bc

Karma Café: Coffee, Tea or Me?

book_age4+
0
FOLLOW
1K
READ
fated
independent
brave
boss
lighthearted
female lead
realistic earth
friendship
love at the first sight
colleagues to lovers
like
intro-logo
Blurb

Karma Café.

Faith inherited the business from her spinster aunt. She never had plans on handling it if not for the dying wish of her Tita.

Begrudgingly, she took over and learns it's too difficult to revive a dying business, too. Only learning one day that the café holds the most interesting stories there ever were.

-ds-

61719

chap-preview
Free preview
I
"Hello, good evening! Who's this please?" magiliw na bati ni Faith sa cellphone. Kasalukuyan siyang nasa isang pagtitipon ng isang charity nang tumunog ang cellphone niya. Hindi rehistrado ang numero kaya agad niya itong sinagot. "Ms. Faith Divinagracia?" patanong na sagot ng nasa kabilang-linya. "Ako nga po. Sino po sila?" "Ma'am, sa St John Hospital po ito --" Agad na kinabahan ang dalaga sa narinig na pagpapakilala, "yes? May nangyari ho ba?" "Ma'am sinugod po kaninang hapon si Ms. Rita San Luiz. Nawalan po ng malay habang nagsisimba. Wala naman pong malubhang nangyari pero kailangan po ng guardian ng pasyente. Kayo po ang nasa persons to be contacted. May mga tests po na kailangang isagawa at kailangang po ng approval ninyo." Paliwanag ng babae. "Sige, I'll be there tomorrow morning. Kung anong tests ang kailangan for Tita, please go ahead. Pagdating ko na lang aayusin ang mga detalye," Faith said habang bumabalik sa venue upang kunin ang gamit at magpaalam sa host. "Please make sure comfortable si Tita," pakiusap niya pa. "Yes, Ma'am. We are doing our best po for the patient," sagot nito. "Thank you! I'll be there tomorrow," pangungumpira niya pa. "Yes, Ma'am," wika nito at naputol na ang tawag. Mabilis na nakabalik sa lamesa si Faith kung saan naroroon ang mga kasamahan sa trabaho. "O, Faith, alis ka na?" puna ng isa sa mga ito. "Maaga pa. Linggo naman bukas, walang pasok," segunda ng isa pa. "I'm so sorry. I have to leave immediately. Sinugod sa hospital si Tita Rita. I have to be there," paliwanag ng dalaga. "Oh, we're sorry to hear that," may simpatiyang pahayag ng head nila. "Do you need a ride, Faith?" "Hindi na po, Ma'am Glaiza. May mga taxi naman sa labas ng venue," magalang na tanggi niya. "Okay, well, go ahead. We won't keep you from leaving. Ako na ang bahala magpaalam sa organizers," alok nito. "Thank you, Ma'am. Sige po, mauuna na ako sainyo," pinal na pamamaalam niya. Dali-daling naglakad palabas ng venue si Faith. Laking pasalamat ng dalaga na wala na siyang nakasalubong na mga kakilala. She attended an annual charity event for the old people. Bilang isang social worker ay obligado siyang sumali sa mga ganitong klaseng okasyon. Kahit pa taliwas ito sa kaniyang paniniwala. Dedikado siya sa pagkakawang-gawa subalit aminado rin siya na kailangan nila ang pondong nalilikom mula sa mga donasyong binibigay ng mga mayayamang personalidad sa mga ganitong pagtitipon. Kaya kahit ayaw niya sa mga magagarbong okasyon ay nakikiayon siya. Nang makalabas ay naghintay pa siya ng taxi na tinawag ng gwardiya. Aligaga na siya sa paghihintay dahil iniisip ang Tita Rita niya. Hanggang sa makasay siya ng taxi at makauwi sa apartment ay okupado ang isip niya. Hindi rin siya nagtagal sa apartment at lumargang muli matapos makapagbihis at makaimpake ng ilang gamit. Nahabol ni Faith ang panggabing biyahe pauwi ng kanilang probinsiya. Labindalawang oras din ang biyahe kaya naman mahabang oras din na tanging ang Tita Rita niya ang laman ng isip. Sixty years old na ang kaniyang Tita Rita. Kapatid ito ng mama niya at ito na ang nagpalaki sa kaniya simula nang mawalan siya ng magulang dahil sa isang vehicular accident. Dalagang tumanda ang tiyahin ni Faith, hindi nakapag-asawa kung kaya wala ring anak na magbabantay rito. Tanging ang dalaga ang pamilya nito. Nag-aral ng kolehiyo si Faith sa Maynila. Bihira siyang umuwi sa probinsiya dahil palaging ang Tita Rita niya ang dumadalaw sa kaniya sa dormitoryo noon. Close sila nito subalit ikinagulat ni Faith ang balita mula sa family doctor na lumalala na ang kalagayan nito. Her Tita Rita was battling cancer for a decade now. Ovarian cancer. Noo'y akala ng tiyahin na madadala lang sa simpleng gamutan ang nararamdaman. Piniling hindi ipaalam sa kaniya dahil ayaw siyang maistorbo sa pag-aaral. Huli na nang malaman ng dalaga ang tunay na kalagayan nito. Last month ay tinawagan na siya ng doktor dahil umaayaw na ang tiyahin sa mga chemo sessions nito pati na rin sa mga gamot. Hindi makapaniwala si Faith dahil buong akala niya'y malusog ang tiyahin. Pero kalauna'y napagtantong marahil nga ay totoo sapagkat kung babalikan nga ng dalaga ay naging madalang na nga ang pagbisita ng matanda sa kaniya sa Maynila. Nagkakasya na lamang ito sa tawag sa telepono upang kumustahin siya. Kaya nang surpresahin niya ang Tiyahin sa pag-uwi ay siya ang nasurpresa. Payat na payat na ito, wala na ang dating hulma ng katawan maging ang sigla ng mukha. Pilit pa siya nitong pinangaralan dahil umuwi pa siya, pilit itinatago ang kalagayan. "Tita, ikaw na lang ang aking pamilya. Why should I stay in Manila knowing your condition?" Minsan ay tanong niya rito nang muling igiit nito na nasa Maynila ang buhay niya. "First of all, you shouldn't have kept it from me. Sana man lang po ay naalagaan kita, nasamahan at nabantayan. Hindi ganito na super malala na. Ano pang magagawa ko Tita kundi to stay by your side? Kahit iyon lang Tita, please, huwag mong ipagkait sa akin." Naintindihan man siya ng Tiyahin pero hindi ng kaniyang trabaho. Hindi siya nakakapaglagi sa probinsiya dahil may mga mahahalagang trabaho pa siyang kailangang tapusin. Nakapaghain na siya ng resignation letter dahil alam niyang hindi na siya maaaring tumutok lamang sa trabaho. Pangako niya'y babalik sa oras na wala na siyang obligasyon sa pamilya. Pansamantala ay may mga voluntary works na muna siyang titingnan sa probinsiya. Maliwanag na sa paligid nang pumasok ang bus sa probinsiya. Ikatlong bayan pa ang San Nicholas kaya't halos dalawang oras pa ang biyahe ni Faith. Alas nuebe y media nang tumigil ang bus sa terminal ng bayan. Dali-daling bumaba si Faith bitbit ang maliit na bag at sumakay ng tricycle patungong hospital. Naratnan niyang naka-duty pa ang nurse na tumawag sa kaniya kagabi at sinamahan siya nito sa pribadong kwarto ng tiyahin. Iba't-ibang aparato ang nakakabit sa matanda at bakas sa mukha nito na nahihirapan na ito. Hindi pa ito gising kung kaya nama'y minarapat ni Faith na kausapin ang doktor nito kung ano pang mga kailangan. "I'll be honest with you, Hija," ani matandang doktor, "kung ibang pasyente ito'y nirekomenda ko nang itransfer sa Manila. Pero I know Rita, she will never like it. And honestly, at her state right now, I don't think she will make it." May simpatiya sa tinig ng doktor na matagal na ring kilala ni Faith. He had been with the family for years now. May tiwala sila rito. Naisin man ng dalaga na magalit sa matandang doktor ay hindi niya magawa dahil alam niyang kagustuhan ng tiyahin na huwag nang magpagamot. "I-ibig sabihin ho ba, m-malapit nang m-mawala si Tita?" garalgal na tinig ang lumabas sa bibig ng dalaga nang tanungin ito. "I'm afraid so, Hija. You have to be prepared. I think you must call relatives at this time. Para may karamay ka." "T-thank you, doc. I will," pagak na pagsang-ayon ng dalaga. Bumalik na siya sa kwarto ng tiyahin at doon naupo sa tabi nito. Ginagap niya ang payat na kamay nito, "Tita, I don't think I'll be ready for this," bulong ng dalaga. "You're all I have... but I can't make you stay..." "F-faith?" mahinang usal ng matanda na nakapagpataranta sa dalaga. "Tita?" Tumayo ang dalaga at tumingin sa mukha ng matanda. Half-open ang mga mata nito at tila wala sa pokus. "Tita, I'll call the doctor. Please wait." Akmang bibitiwan ng dalaga ang kamay nito subalit naramdaman niyang lumakas ang hawak nito sa kaniya, nagpapahiwatig na huwag siyang aalis. "T-tita?" "F-faith," bulong nito. Inilapit ng dalaga ang mukha sa tiyahin upang maintindihan ang sasabihin nito, "yes po?" "M-my lawyer will talk t-to you... Y-you will know w-which properties you'll g-get..." Hirap na hirap na wika ng matanda. "Tita, please, this is not the time for that. You have to rest. Magpapagaling ka so we can talk business when you're strong," mangiyak-ngiyak na sagot ng dalaga. Umiling bahagya ang matanda. "I'm t-tired --" "That's why you need to rest," giit ng dalaga. "N-no. I'm tired, hija... I want to rest for good... Please let me be.." Humagulhol na si Faith sa narinig. "Tita! Please... don't say that please... I'm still here... I'm staying for good now... Nagresign na ako sa trabaho ko sa Manila. I'm staying here in the province for good." Ngumiti ang matanda. "That's g-good. I love that... but I'm too tired now... I must go... I love you sweetheart... Always remember that..." "Tita! Tita, I love you, too! Tita!" Natatarantang sagot ni Faith nang makitang unti-unting pumipikit ang tiyahin. "I know..." Nakangiting sambit nito at tuluyang pumikit kasabay nang nakabibinging tunog ng mga aparato sa paligid. "Tita!" nagpapanic na usal ni Faith. Naramdaman niyang lumuwag ang kamay na hawak niya. "Tita! No! No!" Bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok ang mga nurse at doktor. Tumabi ang dalaga at tulirong pinagmasdan ang nangyayari. Nakita niyang sisimulang i-revive ang Tita niya ng doktor. Lumapit siya dito at hinawakn ito sa braso. "Doc," sambit niya habang pilit siyang nilalayo ng kung sino. "Please, let my Tita rest now." Walang emosyong mababanaag sa dalaga nang bitawan niya ang mga salita. Panandaliang natahimik ang lahat. "She asked for it. She's very tired. Let her rest, please." Naintindihan naman siya ng doktor kung kaya'y isinantabi na nito ang mga aparato at nagsalita sa malinaw na boses. "Time of death, 11:35 AM ---" Hindi na hinintay pa ni Faith ang mga sasabihin ng doktor. Dali-dali siyang lumabas ng kwarto at naglakad sa hallway. Walang direksiyon na nasa isip, nagpatuloy lamang siya sa paglalakad... "DEARLY beloved, join me as we cherish the moments we've shared with a dear friend and a family. Rita San Luiz has been ---" It has been three days since that day in the hospital. Tatlong araw lamang ang burol ayon na rin sa Tita ni Faith. Ngayong araw ay ililibing na ito katabi ng mga magulang ng dalaga. Marami ang nag-abot ng pakikiramay sa dalaga. Karamihan sa mga ito'y hindi niya personal na kilala, pero masaya siya dahil kahit wala siya nang mga panahong nag-iisa ang tiyahin ay may mga taong nagpapasaya rito. Natapos na ang maikling sermon ng pari at ibinaba na ang ataul ng tiyahin, lumapit siya rito at dahan-dahang inihagis ang puting rosas sa ibabaw nito. Matapos ang lahat ay unti-unting nagsialisan na ang mga nakilibing. Naiwan na lamang si Faith na hinintay pa na matabunan ng lupa ang hukay bago lumisan sa pook na iyon. Umuwi ang dalaga sa bahay nila ng tiyahin at doon nagkulong nang mga sumunod na araw. Apat na araw matapos ang libing ay tumunog ang telepono sa bahay. Hindi iyon sinagot ng dalaga. Nakahiga lamang siya sa kama at nagmumuni-muni. Nakailang ring ang telepono maghapon at hinayaan lamang iyon ng dalaga. Kinabukasan ay isang panauhin ang dumating sa bahay. Napilitang buksan ni Faith ang pinto nang makilalang ang abogado iyon ng tiyahin. "Good morning Ms. Divinagracia. I am sorry to barge in like this," apologetic na bati ng abogado. Matandang lalaki ito at mukhang mabait. "I am Atty. Silverio. Ako ang naghahandle ng legal affairs ni Ms Rita San Luiz," pagpapakilala nito. "Atty. Silverio," Faith shook his hand, "Please call me Faith. I didn't expect to see you this soon. Nabanggit ni Tita..." Lumamlam ang kaniyang mga mata sa nasambit. "I'm so sorry for your loss, Faith. Pero ang affairs ng Tita mo ay hindi makakapaghintay," makahulugang wika nito. Kumunot naman ang noo ng dalaga sa narinig. "Ano po ang ibig ninyong sabihin?" "Your aunt's business needs you.. So does her real properties..." Halos hindi maiproseso ng utak ng dalaga ang mga narinig mula sa abogado.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
33.8K
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.9K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
107.7K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
115.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook