Kabanata 6: Apoy

1497 Words
I Babad na naman si Jessica sa panonood ng teleserye sa telebisyon. Laking ginhawa niya na sa buong araw ay hindi nagpakita ang mga nilalang. Hindi nagpakita mula no’ng nagpakita sila sa panaginip ni Jessica. Baka naman hindi sila totoo. Baka guni-guni ko lang talaga ‘yong mga ‘yon. Pagbabakasakali ni Jessica sa sarili. Nakatuon ang kanyang isip sa pinapanood ngayon. Saglit niyang nakalimutan ang mga pinagdadaanan niya. Maluwag ang kanyang loob dahil tiwala siya sa tatay niya na tutuparin nito ang pangako. Ramdam ni jessica ang sinseridad ni Mang Jun. Sana tuloy na ‘to. Diyos ko. !! Aba, may dino-diyos ka pala? !!  Bahagyang napaigti si Jessica sa narinig sa ulo niya. Ako ‘yon ako ‘yon ako ‘yon ako ‘yon hindi sila ‘yon hindi sila ‘yon ako lang ‘yon! Ako lang— Bumukas ang pinto. Ngayon na magkakaalaman kung ano ang itinalaga ng kapalaran. Pumasok si Mang Jun at pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Pansin ni Jessica na tuwid ito lumakad, hindi gegewang-gewang. Mukhang natupad ni Mang Jun ang pangako. Pero hindi pa rin kampante si Jessica. Hindi niya alam kung bakit. Bumalik ang kaba sa kanya. “Pa?” Ibinalik ni Jessica ang tingin sa telebisyon. “Oh?” Normal pa ang boses ni Mang Jun. Lumagok siya ng isang basong tubig. “Kumain ka na ba do’n kina Mang Carlos?” “Ah... oo. Hindi na ‘ko maghahapunan.” Ginagamit ni Jessica ang pandinig para obserbahan ang tatay. Pinaghihinalaan kahit ang pinakamaliit na pagbabago sa tono ng pagsasalita. “’Nak?” “Bakit, Pa?” Ilang saglit ng nakabibinging katahimikan. “Puwede bang ano...” Minasahe ni Mang Jun ang noo niya gamit ang hinlalaki at hintuturo. “...Panood muna ng basketball? Finals na ata.” Hindi alam ni Jessica kung bakit hindi pa rin siya nakakampante. May pag-aalinlangan pa rin sa kanya. Hindi niya gusto na nag-aalinlangan siya kahit itinuro sa kanila sa eskuwelahan na ang pag-aalinlangan ay isang defense mechanism. Naghapunan mag-isa si Jessica. Hindi naaalis ang tingin niya sa tatay habang kumakain. Pinagmamasdan niya si Mang Jun na nanonood sa telebisyon. Paraitong estatwang nakaupo sa sofa habang nakababad sa panonood. Habang naghuhugas ng plato si Jessica, nawala ang signal sa telebisyon dahilan para lumabo ito. Tumayo si Mang Jun mula sa pagkakaupo sa sofa at hinampas-hampas ang telebisyon gamit ang malaking kamay. Iba ang lakas ng hampas kaysa karaniwan. Nabahala si Jessica sa ikinikilos ng ama kaya pumunta siya sa kinaroroonan nito para tumulong (dahilan din para makalapit sa ama para kumpirmahin kung may amoy ng alak.) “Bakit, Pa? Nawalan ba ng signal?” Sabi ni Jessica. Naririnig niya ang ama na bumubulong ng sunod-sunod na mga mura. Hindi ito magandang palatandaan. Hindi ito gawain ng ama. Madalang itong magmura, kahti pabulong, kapag hindi lasing. “P*nyeta kasi ‘tong bulok na TV! Hindi ata maayos ‘yung p*taragis na antenna.” “Pa?” Nakaamoy si Jessica ng alak. Naku po!!! “Ano?!” Singhal ni Mang Jun. “Lasing ka ba?” “HA?!” “Lasing ka ba ‘ka ko.” “G*go ka ba?” Tumagos kay Jessica ang sinabi ng ama. “Mukha ba ‘kong lasing? ‘Di ba sinabi ko na hindi na ‘ko mag-iinom?” “Eh ba’t amoy alak ka?” “Eh ano naman? Wala ka bang tiwala sa ‘kin?!” “Pa, lasing ka. Hindi mo tinupad ‘yung—“ hindi na natapos ni Jessica ang sasabihin nang tumama sa pisngi niya ang palad ni Mang Jun. “Sira ulo! Hindi ako lasing!” Sigaw ng lasing na lasing na si Mang Jun. May matinding panggigigil sa boses niya. Ipinako niya ang masamang tingin sa anak. Nanlalaki ang pulang-pulang mata niya. “Pasensyahan tayo pa, may usapan tayo,” tumutulo ang mga luha sa mata ni Jessica. Lumakad siya papunta sa pinto para lumabas. Pupunta siya kay Vicky at sabay silang magsusumbong sa baranggay. Pero bago pa man mahawakan ni Jessica ang doorknob, dinakma ni Mang Jun ang buhok niya saka hinila, dahilan para tumuba si Jessica sa sahig. “Anak ng bakang baog!” Dumagundong ang boses ni Mang Jun sa loob ng bahay. “Hirap na hirap akong lumakad nang deretso kahit umiikot ‘yung lintek na paningin ko, ta’s isusumbong mo ‘ko? Mali ‘yon!” Ang kaninang normal na boses ni Mang Jun ay napalitan ng boses ng lasing, ‘yung parang tatamad-tamad na boses pero malakas pa rin. “Layuan mo ‘ko, Pa!” Tumayo si Jessica mula sa pagkakatumba sa sahig. Hawak niya ang kanang braso dahil napuruhan ito nang tumumba siya. “May usapan tayo!” “G*go! Hindi ka magsusumbong! Kung kailangan kang itali, ikakadena pa kita para ‘di ka makalabas ng bahay!” Nilapitan niya si Jessica at hinawakan nang mahigpit sa napuruhang braso. Napa-igti si Jessica sa sakit. “O baka naman gusto mong mas malala ang mangyari sa ‘yo?!” Kinalmot ni Jessica sa mukha si Mang Jun. Napasigaw si ito habang hawak ang mukha. Nahagip ng kalmot ang kaliwang mata niya. Matagal nang hindi nakakapaggupit ng kuko si Jessica kaya matindi ang tinamong sugat ni Mang Jun sa mukha. Dahil wala na siya sa mahigpit na hawak ng ama, agad siyang tumakbo papunta sa pinto. Pero tinalisod siya ni Mang Jun at tumuba siya. Tumama ang pisngi niya sa pader. Natanggal ang isang ngipin niya sa gilid. Mula sa isang estante, kinuha ni Mang Jun ang bakal na baston na ginamit niya no’ng napilayan siya no’ng nakaraang taon at hinampas ang door knob. Buong puwersa ang pagwasiwas niya ng baston, kaya sa isang hampas ay nasira ang door knob, nahulog ito sa sahig. Yupi. Hindi na mabubuksan ang pinto galing sa loob ng bahay. “Hindi ka na talaga makakalabas ngayon!” May ngisi sa labi ni Mang Jun. Ngising may hindi magandang pahiwatig. Nakita ni Jessica na nakatingin na sa kanya si Mang Jun habang hawak pa nito ang baston. Napamura si Jessica sa isip dahil nakahiga pa rin siya sa sahig, wala siyang kalaban-laban. Iwinasiwas ni Mang Jun ang hawak na baston. Gumulong si Jessica kaya nakaiwas ito. Tumama ang handle ng baston sa sahig. Gumulong pa nang gumulong si Jessica hanggang malayo sa kinatatayuan ni Mang Jun. Agaran siyang tumayo. Tumakbo siya at pumasok sa kuwarto. Kinandado niya ang pinto. Bubuksan niya sana ang bintana ng kuwarto para sumigaw ng tulong pero biglang nagdilim ang paningin niya. Sh*t! Ngayon pa ba ‘ko hihimatayin?! Sinundan ni Mang Jun ang anak. Nakita (habang nakapikit nang mariin ang kaliwang mata dahil sa kalmot ni Jesica) na lang niya na nakasarado na ang pinto, malamang ay nakakandado na ito. Bitbit pa rin niya ang bakal na baston. Hindi man lang nagasgasan ang handle nito nang humampas sa sahig. Kailangan niyang makapasok sa kuwarto. Hindi magandang paraan ang hampasin ang door knob dahil malamang ay hindi niya mabuksan ang pinto. Malamang din na nasa loob ng kuwarto ang susi nito. Naalala bigla ni Mang Jun ang pinanood niyang dating horror movie ni Stanley Kubrick. Ang Movie Adaption ng The Shining ni Stephen King. Tinignan niya ang pinto at ang hawak na baston saka ngumisi. “Jessica... Jessica... papasukin mo ‘ko,” nakalimutan niya ang ilang linyang sinabi ni Jack Nicholson kaya iyon lang ang nasabi niya. Buong puwersa niyang hinampas ang pinto ng kuwarto gamit ang baston. Humahampas ang bakal na handle sa manipis na kahoy ng pinto. Dahil matibay ang baston at hindi ga’nong matibay ang pinto, nagkaroon agad ng bitak ang pinto ng kuwarto sa isang hampas ng bakal na handle ng baston. Inaaasahan niyang sisigaw si Jessica ng “Papa! ‘Wag!” Ilang wasiwas pa’t lalaki na ang bitak. Maipapasok na niya ang kamay at mabubuksan ang pinto mula sa loob. Huminto siya sa paghampas nang maisipang subukang pihitin ang door knob. Inaasahan niya na nakakandado, pero laking gulat niya nang bumukas ang pinto. “Tanga mo! Nakalimutan mo pang ikandado!” O baka naman tinanggal lang ni Jessica ang pagkakakandado. Ang mas gumulat pa kay Mang Jun ay nang makita ang anak na nakatayo lang. Nakayuko ito. Ang harap ni Jessica ay nasa direksyon ng pintong nakabukas. Pumasok sa loob si Mang Jun at isinara ang pinto ng kuwato. “Sige, yumuko ka na lang. Mukhang tanggap mo nang wala ka nang takas!” Nakaakma nang hahampasin ni Mang Jun si Jessica ng baston nang marinig niyang tumawa ang anak. “Aba, p*cha. Nagawa mo pang tumawang hayop ka?” Mula sa pagkakayuko, iniangat ni Jessica ang ulo. Walang iris ang mga mata niya, nagniningas... hindi, nagliliyab! Nakangisi rin siya nang malawak. Nanlaki ang mga mata ni Mang Jun (kahit masakit ‘yung nasa kaliwa) sa nakita. Agad na gumapang sa kanya ang kilabot dahil nakita ang hitsura hitsura ng anak. Nanlambot ang buong katawan niya, lalo na ang mga binti niya. Nabitiwan niya ang hawak na baston. Tila ba nawala ang pagkalasing niya sa nakita at nagbalik sa katinuan. “Jessica...” nagningas ang balat ni Jessica at mas nagliyab pa ang mga mata. Walang anu-ano’y sumabog siya na parang bomba. Ang huling makikita ni mang Jun sa mundo ay ang apoy ni Jessica. Ang metapora ng lungkot, poot, at lahat ng sama ng loob na inalagaan at namuo sa puso niya. Sa kasamaang palad, ito’y literal din na apoy. Bago tuluyang natupok ng apoy si Mang Jun, nakarinig siya ng tawa... ng mga tawa. Napakaraming tawa. Libo-libo. Tumindi na ang nararamdaman niyang hapdi gawa ng apoy. Tumiklop ang balat niya. Pansamantala niyang naramdaman kung ano ang pakiramdam ng nasa impiyerno. Namatay si Mang Jun na may takot at mga katanungan. Marami'ng nakasaksi sa pagsabog. Napinsala ang buong bahay.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD