MATAPOS maihatid ni Jeon ang pinsan, nagpasya siyang tawagan si Oscar upang masiguro kung ayos lang ito sa pinag-iwanan niyang mansiyon. “Basta, huwag n’yo kalimutan na tumawag kapag may nangyaring Hindi maganda, Tito Oscar. Kilala ko ang mga taong nariyan at lahat iyan, halos halang lang mga bituka.” “Huwag kang mag-alala, Jeon, alam ko namang isang tawag ko lang sa iyo ay, darating ka agad. At saka kilala ka na ng mga ka-kompetensiya ko. At hindi lang kilala, kilalang-kilala. Takot lang nila kung sasaktan nila ako.” “Sige, ho, ibababa ko na ito.” “Okay. Ikumusta mo na lang ako kay Sheen.” “Opo,”tipid nitong sagot sa tiyuhin bago tuluyang ibinaba ang telepono. Kasalukuyan pang nasa loob ng kotse si Jeon niyon nang maisip si Glydel. Hindi niya akalain na ang babaeng hinalikan niya

