Chapter Fourteen

1947 Words

KINAGABIHAN, dala pa rin ni Glydel ang pagkainis niya kay Jeon hanggang uwian. Tila yatang pinagtatagpo talaga sila ng tadhana dahil sa ikalawang beses na silang nagkita. Nakarating na siya sa bahay niya ay naroon pa rin ang galit sa lalaki. Nahalata tuloy siya ni Gio nang padabog niyang inilapag sa silya ang kaniyang bag at naupo. “May nangyari ba sa trabaho mo, Ate Glydel? Halata kasing galit ka,” saad ni Gio habang nakasilip sa may pintuan mula sa kusina. Tiningnan ni Glydel ang kapatid niya na kasalukuyang inaayos ang hapag. Nakapagluto na si Gio at nakapaglinis na rin ng bahay. “Wala naman,” tugon ng dalaga sa kapatid habang halatang inis na inis pa rin. “Wala? Eh, halos mapang-abot na nga ang iyong nguso at ilong sa nakikita kong hitsura mo ngayon.” Itinigil ni Gio ang ginagawa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD