“WHAT are you doing here?” nagtatakang tanong ni Margarette kay Rosendo nang makita niya ito sa kusina. Titingnan sana niya kung ano ang maaaring iluto para sa tanghalian. Si Jay ay nagtungo sa kabilang bayan dahil kailangan nito ng Internet connection. Mamimili na rin ito ng ilang mga bagay na kailangan nila sa bahay. Kahit medyo naiilang siya na si Rosendo lang ang kasama niya sa bahay, pilit na lang niyang nilalabanan. Malaki naman ang bahay, kaya niyang iwasan ito hanggang maaari. “I’m bored,” sabi nito habang may kung anong hinahalungkat sa refrigerator. “Magluluto ako.” “Marunong ka ba?” sabi niya habang nilalapitan niya ito. “Of course. My mom is a great cook. She’s a Kapampangan.” Kapwa sila natigilan sa naging sagot nito. May naaalala na ito! “I remember my mother,” sabi nito

