NATIGIL ang maganang pagsubo ni Margarette ng pagkain nang kurutin ni Jay ang tagiliran niya. Nagtatakang napatingin siya rito. Alam na alam nito na ayaw na ayaw niyang iniistorbo siya kapag kumakain siya. Pasimpleng inginuso nito si Rosendo bilang tugon sa nagtatanong na mga mata niya. Binalingan niya si Rosendo. Nakatingin lamang ito sa kanya. Kapagkuwan ay nagsalubong ang mga kilay nito. Hindi niya mabasa kung ano ang tumatakbo sa isip nito. Nilunok niya ang pagkaing nasa bibig niya. Nahiya siya at nailang. Siguradong iniisip ni Rosendo na napakatakaw niya—na siya namang totoo. Magkasalo silang tatlo sa hapag para sa agahan nang umagang iyon. Siya ang naghanda ng mga pagkain nila. Nagprito siya ng daing na pusit, itlog, skinless longganisa, chicken tocino, at tuyo. Gumawa rin siya ng e

