11

2178 Words

“MEGGIE, listen to me! Wait!” Hindi niya pinansin ang pagtawag sa kanya ni Jay. Tuloy-tuloy siya sa paglabas ng bahay. Naabutan siya nito sa hardin na wala nang kahit anong halaman ngayon. Hinawakan nito ang kamay niya at pinaharap siya rito. “Hey,” natatawang sabi nito nang mapansin ang naluluhang mga mata niya. Sa inis niya ay hinampas niya ito sa dibdib. “I so hate you!” “Ouch! What was that for?” natatawa pa ring tanong nito. “Why did you have to do that? Bakit lalo mo pang pinagulo ang sitwasyon? Dinagdagan mo pa ang mga kasinungalingan natin. Hindi mo ba naisip na baka ma-realize niya na kung pagiging US citizen ang habol niya, Amerikana dapat ang pinakasalan niya at hindi ako na limang taon pa lang sa Amerika? Matalino kaya siyang tao kahit wala siyang maalala.” “Hindi niya `y

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD