10

1591 Words

INALAGAANG mabuti ni Margarette si Rosendo. Dinaig pa yata niya ang totoong ulirang asawa sa pag-aasikaso niya rito. Lahat ng kailangan nito ay ibinigay niya. Tinugunan niya ang lahat ng pangangailangan nito. May mga pagkakataon na hindi niya masagot ang mga tanong nito, ngunit nagagawa niyang umiwas at magpalusot. Siya ang madalas na kasama nito sa ospital. Personal na ipinaghahanda niya ito ng pagkain. Dinarayo pa niya ang mga sikat na restaurant sa probinsiya para mapakain ito ng masarap na pagkain. Siyempre ay itinatanong muna niya sa mga doktor nito kung okay lang na kumain ito ng kung ano-ano. Ipinagbabalat pa niya ito ng mga prutas. Kulang na lang ay subuan niya ito. Inaalalayan niya ito sa bawat pagkilos nito, kahit sa pagpunta sa banyo. Kahit iginigiit nito na kaya na nito ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD