PAGPASOK nina Margarette at Rosendo sa bahay ay agad siyang natigilan nang madatnan nila si Jay na ineestima ang mga bisita nila na walang iba kundi sina Bernard at Alyssa. Napatingin si Jay sa kanila ni Rosendo. Sa uri pa lamang ng ngiti nito—plastic na plastic ang ngiti nito—alam na niyang hindi nito gusto ang pag-eestima na ginagawa nito. “There you are!” masiglang sabi ni Jay sa kanila. “Kanina ka pa hinahanap ng mga kaibigan mo, Meggie.” Pasimpleng pinatirik nito ang mga mata nito. Kailangan niya ng suporta kaya kumapit siya sa braso ni Rosendo. Saka niya nginitian ang mga bisita. “Tinatanong mo ako kung bakit ka kasama sa pag-uwi namin dito, hindi ba?” pabulong na tanong niya kay Rosendo habang mabagal silang naglalakad palapit kina Alyssa at Bernard. “Sila ang dahilan. Act like y

