“GOOD morning!” Nginitian ni Margarette si Rosendo. “Good morning,” ganting-bati niya sa masiglang pagbati nito sa kanya. Pagbaba niya ay nadatnan niyang inaayos na nito ang hapag para sa kanilang almusal. Sa tingin niya ay ito rin ang nagluto ng mga pagkaing inihahanda nito. Napapitlag siya nang bigla nitong dampian ng halik ang kanyang mga labi. “How’s my lovely wife? Masarap ba ang tulog mo?” malambing na tanong nito. Namula yata pati ang mga talampakan niya. Tila nais niyang mag-tumbling at magtatalon sa tuwa. Nais niyang gumulong at mamilipit sa sobrang kilig. Hindi niya akalain na makakaranas siya ng ganoong uri ng paglalambing. It was her best morning ever. Kung ganoon nang ganoon ang bungad ng umaga sa kanya, wala na siyang mahihiling pa. “What the hell?!” bulalas ni Jay na hi

