PAGPASOK ni Margarette ay nadatnan niyang prenteng nakaupo sa sofa si Rosendo. Bago niya sinundan si Jay sa labas ay nagpaalam itong maliligo na ito. Bihis na rin ito at handa nang umalis. Bigla niyang naalala ang kailangan nilang puntahan. “Magbibihis lang ako sandali,” matamlay na sabi niya habang patungo sa hagdan. “We don’t need to go,” sabi nito. “We can just stay home. Hindi naman masayang magpunta sa blessing ng bahay. Ano ang mapapala natin doon?” Bahagya pang nanulis ang mga labi nito. Napangiti siya nang matipid. He looked so cute. Ngayon ang blessing ng bahay nina Bernard at Alyssa. Dahil nakapangako siya, kailangan nilang magtungo roon. Nagdahilan siya kay Alyssa na wala silang gagamitin na sasakyan dahil luluwas si Jay, ngunit hindi ito pumayag na hindi sila dadalong “mag-a

