“LET’S go home, Meggie?” yaya sa kanya ni Rosendo. Tumango siya. Tutal, hindi na rin niya nais na manatili nang matagal doon. Natapos na ang blessing ng bahay at nakipaghuntahan na sila sa ilang mga kakilala. Sa palagay niya ay maaari na silang umalis. Nagpaalam siya kay Alyssa. Ipinatawag nito ang driver upang maihatid na sila pauwi. Habang nasa daan sila pauwi ay hindi niya naiwasang isipin ang ilang mga bagay-bagay. Noon lamang niya naisip na walang nakakilala kay Rosendo sa mga bisita nina Alyssa at Bernard. Lalo tuloy tumibay ang paniniwala niya na hindi ito tagaroon. Tila tama rin siya sa pag-iisip na biktima ito ng mga kidnapper. Iniisip din niya ang sitwasyon nila at ang mga sinabi ni Jay sa kanya bago ito umalis. Kailangan na ba talaga niyang magsabi ng totoo kay Rosendo? “Is t

