18

1548 Words

“I HATE you!” Hindi maiwasang maghimutok ni Margarette habang nakayuko siya at nagbubunot ng mga d**o. Pawis na pawis na siya. Nanlalagkit ang pakiramdam niya. Natawa si Rosendo sa kanya. Sa inis niya, binato niya ito ng mga nabunot niyang d**o. Lalo lamang itong natawa sa kanya. Naiinis na itinuon niya ang buong atensiyon sa pagbubunot ng mga d**o. Hindi na lamang niya ito kakausapin. Pagkatapos ng almusal ay niyaya siya nitong ayusin at linisin ang hardin. Siyempre ay hindi agad siya pumayag dahil ayaw niyang mainitan. Ayaw rin niyang mapawisan at marumihan. Sinabi niyang uupa na lamang siya ng hahawan ng mga d**o ngunit mapilit ito. Wala rin naman daw silang gagawin. Malawak ang hardin at sayang daw dahil mga d**o lamang ang naroon kaya pinilit siya nito nang pinilit hanggang sa mapapa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD