..... Yuna's POV.... Nasa CR non si Paolo at nagsa - shower nang makita kong umilaw ang cp nya sa isang tawag. Kunot noo kong tiningnan yun at nakitang kakaiba ang number na tumatawag sa kanya. Hindi ko nalang sana papansinin yon pero hindi tumigil ang sinumang natawag sa asawa. Na-curious ako kung sino ang maaring tumawag sa lalaki ng ganoong dis oras na ng gabi.. Sa ikatlong ring niyon ay ako na ang sumagot non. "Hello, uncle.... " Ganon nalang ang kabog ng dibdib ko nang marinig ang pamilyar na tinig na yon. Nabitawan ko ng di sinasadya ang gadget. Lumakpak yon sa kama .nanlalaki ang mata na di ko alam kung kakausapin ko ba ang nasa kabilang linya. Lampas nang dalawang taon mula ng umalis si Tristan at wala akong narinig sa kanya. Ngayon ko lang ulit narinig ang tinig ng bin

