Chapter - 19

2358 Words
Yuna's  POV....... Naroon pa rin ako sa tapat ng room ni Paolo sa ospital kinabukasan. Nang makita kong umuwi muna si Ate Mylene ay muli akong pumasok sa room. Tulog pa ang binata kaya malaya akong nakalapit sa kanya at naupo sa silyang nasa katabi ng kama. Namalisbis na naman ang luha ko nang makita ang mga gasgas at pasa na natamo niya sa aksidente. Maingat kong hinaplos ang gwapo nyang mukha .may maliit na pasa sa gilid ng mata nya. Paolo, nasasaktan ako sa nangyayari sa atin, sana ibalik natin sa dati ang lahat. Kinuha ko ang isang kamay ng binata at hinawakan yon.. Natakot ako ng magising ito sa ginawa ko. Marahas nyang ipiniksi ang kamay ko sa kamay nya. " nandito ka na naman? Umalis kana Yuna, maraming pwedeng magbantay sakin, hindi mo kailangang magpanggap na nagaalala ka" diin nito. "Paolo naman, please wag mo naman akong itaboy. I want to take care of you" sabi ko. " i dont need your care, sweetheart.. Lalo na ang awa mula sayo,  kaya umalis kana bago pa kita ipakaladkad palabas ng ospita na to" Wala akong nagawa kundi sundin sya. Pagod na akong makipagtalo sa kanya. Wala pa akong tulog at pahinga mula pa kagabi. Naisip kong magpahinga muna at saka nalang bumalik. Kailangan ko ng lakas para harapin ang galit ng kasintahan. Umuwi muna ako sa cavite para ipahinga ang katawan. Ikwinento ko kay Vanessa ang nangyari sa telepono. " yan na nga ba ang inaalala ko, hayop na Jane yan, sasampalin ko sya pag nakita ko " ani Vanessa. "Kailangan kong bumalik sa manila, kailangan kong makapagpaliwanag" malungkot kong sabi. "Tama yan bestie, basta kung kailangan mo ng tulong andito lang ako ha" "Salamat" Agad akong nag file ng one month leave sa company, bahala na, basta ang importante si Paolo... Kinabukasan ay nag-empaki ako ng damit at lumuwas .sa ospital ako dumeretso pero sinabi sakin na naka uwi na ng bahay si Paolo.  Kaya sa mansyon ako tumuloy. Si Lutchi ang nagbukas ng gate sakin. " si Paolo? " tanong ko. " nagpapahinga sa kwarto, kakaalis lang nila Mona dito, nakakatakot si Sir, laging nakasigaw ngayon" kwento ng kasambahay. "Akyat muna ako " sabi ko. Tumango naman ang babae. Binagtas ko ang daan patungong kwarto ni Paolo. Kumatok muna ako bago pumasok, kung dati ay malaya akong nakakapasok don ngayon ay iba na ang sitwasyon. "Who's that? " galit na tanong nito. Kaya pala natatakot na ang mga katulong. . Tahimik akong pumasok sa silid. Naabutan ko syang nagbabasa ng libro sa gitna ng kama. Naka benda parin ang braso nito at ulo. " h-hi, pumunta ako sa ospital, sinabi nila na nakalabas kana daw kaya dumeretso na ako dito"  nagaalangang sabi ko. Malamig nya akong sinulyapan. Saka ipinagpatuloy ang pagbabasa. Naisip kong mas okey na yon kesa ipagtabuyan nya ako paalis. Hindi ko naman malaman kung ano ang susunod na sasabihin. Dahil mukang walang balak ang lalaki na pansinin ako. "Ahmm..ipagtitimpla kita ng juice" naisip ko at saka umakmang lalabas. " bakit nagpunta kapa dito? " Tanong nito. " gusto kong alagaan ka, " " i told you hindi ko kailan------" " gusto ko paring gawin, " putol ko sa sinasabi nya. Nilagyan ko ng diin ang sinabi. Hindi kona hinintay na muli syang magsalita, lumabas na ako at nagtimpla ng pine apple juice. Pagbalik ko sa kwarto ay nakapikit ito na wari ay natutulog. Ipinatong ko sa side table ang juice. Saka pinagmasdan ang tulog na binata. Tangka ko sanang haplusin ng pisngi nya pero bigla nyang pinigil ang pulso ko. Nanlaki ang mata ko sa gulat,  marahas nyang binitiwan ang pulso ko na ikinangiwi ko sa sakit. " wag mo na ulit gagawin yan" sabi ng lalaki habang iniinom ang juice na tinimpla ko. Hinaplos ko naman ang nasaktang braso. Hindi ako sanay na ganoon sakin ang lalaking minamahal, nasaan na ang gentle at sweet na Paolo Villanueva na kilala ko? " kahit Juice ay hindi mo magawa ng maayos, " sabi nito saka inilapag sa tray ang juice na nangangalahati palang ang binawas. Napayuko naman ako sa sinabi nito. Dati kahit anong juice na itimpla ko sa kanya ay masaya nyang iniinom. Pero ngayon nilait na nga nya ang tinimpla ko hindi pa inubos. Hmmmp.. Tahimik kong kinuha ang tray na pinaglalagyan ng baso ng juice pero dahil sa nasaktang pulso kaninang palisin nya ang kamay ko ay nabitawan ko ang tray at nabasag ang baso. "S-sorry" nahintakutan kong sabi sa binata saka nagtangkang pulutin ang basag na baso pero marahas nya akong hinila patayo gamit ang isang kamay. "Bukod sa pagbabasag ng mga gamit ko, ano pa ang talent mo? " asik ni Paolo. "A-aray!  " nasaktan ako ng diniinan nya ang pulsong pinalis nya kanina. Mangiyak ngiyak ako sa sakit. Matiim nyang tiningnan ang parteng yon ng braso ko na bakas pa ang kamay nya. Sa isang iglap ay tila nakita ko ang pagaalala sa mata nya pero agad yon nawala na inakala kong imahinasyon ko lang. Kinaladkad nya ako palabas ng kwarto, saka tinawag si Lutchi para linisin ang kalat sa loob. Naiwan akong malungkot na nakatingin sa pinto ng silid nya na nakasara. Nagpaturo ako kay Lutchi kung paano magtimpla ng masarap na juice. Itinuro naman nya sakin yon pati ang gustong timpla ng kape ni Paolo ay pinagaralan ko din. Ikalawang araw ay tinanggal na ang benda ng binata. Bumalik na rin ito sa pagta trabaho kahit nasa bahay lang. Yun nga lang lalong bumagsik ang binata, konting mali ay lagi itong nakasigaw. Pati ako ay di nakaligtas sa kalupitan nya. Madalas nya akong sungitan. Pero hindi ko ipinapakitang nasasaktan ako. Pinilit ko nalang na intindihin sya. Kung yon ang paraan para mabalik kami sa dati titiisin ko. Isang umaga nagising ako na sumisigaw sa galit  si Paolo, sa guess room ako natutulog mula ng maaksidente sya. Mula sa taas ay nakita kong pinapagalitan nya si Harry.. Naroon din ang iba pa nyang pamangkin. Nagtatakang mabilis akong bumaba ng hagdan. Naka pantulog pa ako ng mga oras na yon. Muntik pa akong madapa buti nalang nakakapit ako. " are you stupid harry?  Or did you think that im stupid?  Na hindi ko malalaman ang pinaggagagawa mo? " " Anong nangyayari dito? " tanong ko,  matalim ang matang nilingon ako ng binata. Natigilan ako sa paglapit. Dont you dare Iyon ang binabadya ng mata nya. Si Margarette naman ay masama din ang tingin na parang sinasabing kasalanan ko ang nangyayari. Sila Mona at Cassey naman ay bakas ang takot sa mga mukha. " Uncle, hindi ko lang po talaga kaya ang business course na gusto nyo para sakin.. Im sorry" paliwanag ng binata. " bakit hindi mo sinabi una palang?  Bakit kailangan mo pang mag bolakbol at lokohin kami ng magulang mo? " galit na tanong nito. Natakot ako para kay Harry, ramdam ko ang tensyon sa pagitan ng mag tiyuhin. "Because im afraid of you uncle" My God Harry wag kanang sumagot please!  Pakiusap ko sa isip. " hell no! " lahat kami ay natakot sa sigaw na iyon. Pakiramdam ko demonyo ang nagsasalita at hindi na si Paolo. "Uncle...." hikbi ni Mona. " i dont believe you, afraid?  "... "Yes uncle,  in fact im scared of you" sagot naman ni Harry na pilit nilalabanan ang takot sa tiyuhin. " liar, kung takot ka sakin di sanay nagaral ka ng mabuti,  19 years old kana at akala ko ga-graduate kana pero sinungaling ka" " Paolo tama na, tinatakot mo na ang mga bata" sabi ko. Lakas loob na pinigilan ko sya sa braso. " bumalik ka sa taas Yuna" mariing utos nito sakin. "Paolo please.. " " now! " namutla ako sa sigaw na iyon kaya napilitan akong umakyat ng silid. Nabalitaan ko nalang kay Mona na na cut ang allowance ni Harry pati ang motorsiklo nito ay ipinagbili ni Paolo. Walang magawa ang sariling magulang ng bata dahil alam nilang mali ang ginawa nito. Kumatok ako sa opisina ni Paolo ng gabing yon. Napasukan ko syang nakayuko sa laptop at abala sa ginagawa. Nagkalat ang mga papeles sa mesa. Naka roba ito at bagong ligo. Kinakabahan man ay nilakasan ko ang loob. Kailangan na naming magusap .masyado nang naaapektuhan ang mga tao sa paligid namin dahil sa kalupitan ng binata. " anong kailangan mo?" Asik niya. " pwede ba tayong magusap?  Ng maayos? " may pakikiusap na sabi ko sa binata. Tinigil naman nito ang ginagawa at humarap sakin. " tungkol saN? " " about satin, sa nangyayari satin? " sabi ko. " sa pagkakatanda ko, dahil sayo kaya ganito tayo ngayon, wala akong nakikitang rason para pagusapan pa yon" asik nya. Lumapit ako at paluhod na hinawakan ang kamay nya. Nananatili syang nakaupo sa swivel chair. " hindi ko na kaya ang ganito please bumalik na tayo sa dati, bumalik kana sa dati? " nangingilid ang luhang pakiusap ko. Nagiwas sya ng tingin sakin. At humugot ng malalim na hininga. "Don't you get it? This is the real me Yuna. gusto kong sabihin sayo na ito ako, ipinapakilala kona sayo ang sarili ko" " no, hindi ka ganyan dati" iling ko. " kung ano ako noon ay dahil sa sobrang pagmamahal ko sayo, pero ipinaalala mo ulit sakin kung paano maging masama, dahil ginago mo ako. you push me to my limit, you made my life a living hell. sweetheart! " Saka madiin nyang himawakan ang panga ko.napatingala ako sa kanya. " binigyan kita ng chance na lumayo sakin pero inilapit mo ang sarili mo sa impyernong kinalalagyan mo ngayon. i hate you and i hate myself dahil kahit sa impyerno ikaw pa rin ang ginusto kong makasama." Aniya na madilim ang mukha. "Paolo... Mahal kita " hikbi ko.gusto kong sabihin sa kanya na walang dahilan para magalit sya dahil sya lang ang mahal ko.. Pero ngumisi lang ang lalaki na tila hindi naniniwala. " P-paolo...! " " marry me!!, kung gusto mong paniwalaan kita na mahal mo ako,magpakasala ka sakin." Hindi naman ako nakakibo. Dahil don ay binitiwan nya ako. " matulog kana, "malamig na utos nito. paano ko sasabihin sa kanya gusto ko rin magpakasal kami pero hindi sa ganitong pagkakataon, ayoko na pakasalan nya ako dahil sa galit sya at may nais lang patunayan. Ang gusto ko maniwala sya sakin na mahal ko sya. Tuluyan akong napaiyak sa harap nya.. Wala na akong maisip gawin para mapatawad nya ako sa iniisip nyang kasalanan ko. Kinabukasan ay nagtaka pa ako ng makitang nasa hapag kainan si Jane at kasalo naming kakain?  Naguguluhang napatingin ako sa kinamumuhiang babae. " anong ginagawa ng babaeng yan dito? " galit na tanong ko kay Lutchi. " relax Yuna, ako nga ang nagtataka kung saan ka kumukuha ng kapal ng mukha na manatili dito pagkatapos mong lokohin si Paolo? " ani Jane. Umusok ang tenga ko sa galit. " lumayas ka, layas! " sigaw ko. " sinong nag bigay sayo ng karapatan na magpalayas ng bisita ko? " Gulat akong napalingon kay Paolo. Bisita? " good morning Paolo,  salamat sa pagpayag mong tumira muna ko dito habang naghahanap ng trabaho."  matamis ang ngiting sabi ni Jane. Nanlaki ang mata ko sa narinig. Di ako makapaniwala na don titira ang babaeng sumira samin. " let's eat" utos sakin ng lalaki pero hindi ako sumunod. . " hindi sya pwedeng tumira dito, paalisin mo sya! " utos ko kay Paolo. " at bakit naman kita susundin? " Di ako makapaniwala sa nangyayari. Nakadama ako ng galit lalo na ng makita ang maleta ni Jane sa tabi ng upuan. " lets eat" muling utos ni Paolo sakin bago naupo pero umalis ako sa harap nila matapos tingnan ng masama si Jane. Umiiyak na nagtatakbo ako sa taas ng silid. Don ko ibinuhos ang inis, sigurado akong may masama na namang balak ang bruha na iyon.pinagbabalibag ko ang mga unan na naroon sa sobrang frustration na nararamdaman Nagulat pa ako ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok ang galit na galit na si Paolo. Marahas nya akong hinaklit sa braso at idiniin sa kanya. " sa susunod wag na wag mo akong babastusin sa harap ng mga katulong at ng kahit na sino, naiintindihan mo? " Napangiwi akong muli sa higpit ng hawak nya. Galit na nag-umalpas ako sa kanya. " bakit kailangan pa nyang tumira dito?  I dont get it. I dont get you... Paalisin mo sya Paolo, paalisin mo sya" desperadang sabi ko. " hindi ko pwedeng gawin yan, Kailangan nya ng matutuluyan dito sa manila habang naghahanap ng trabaho. Gf sya ng pamangkin ko and i need to take care of her hanggang bumalik si Tristan" " at naniwala ka naman? Impakta yon. ." " my decision is final, dont ever do that again sweetheart" haplos nito ng marahas sa pisngi ko. " now lets eat! " sabi nito bago nagpatiuna pabalik ng kusina. Napaiyak ako sa sobrang inis at pagkabigo. Sunod-sunuran na ako ngayon sa lalaki dahil sa galit nya na kagagawan ni Jane. Habang kumakain ay nagpapalitan kami ng matatalim na irap ni Jane. Tahimik namang kumakain si Paolo na tila walang napapansin. Nagaaply na pala ang bruha, sabagay sobrang hina na ng A&A hindi na halos kami nagkakaroon ng pasok. Tama nga yata ang sabi ni Criselda na pasara na ang company na pinapasukan. Habang nginunguya ang pagkain sa bibig ay nagiisip ako kung paano mapapaalis sa mansyon ang babae. Kailangan ko lang kunin ang pagsangayon ni Paolo para mangyari yon. Nang makaalis ang binata ay hinarap kong muli si Jane,. Nakita ko syang inaayos ang gamit sa isang guest room. " anong balak mo? May masama kana namang plano diba? "  tanong ko. Ngumisi lang si Jane sa akin. " relax Yuna, wala akong plano.. Wala pa" sabi nya. " i dont believe you" " di wag kang maniwala, si Paolo ang nag offer na tumira muna ako dito habang wala pa akong nahahanap na apartment dito " Lalo akong nainis sa nalaman, anong gustong mangyari ni Paolo at dinala pa si Jane sa mansyon?  " kung hindi mo kayang makasama ako dito, bakit di ka nalang umalis?  " Maya-mayay sabi ni Jane. Na ikinairita kong lalo. " keep dreaming Jane, Girlfriend ako, bisita ka lang! " sabi ko bago ito lisanin. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD