Chapter - 18

1810 Words
..... Paolo's POV.... Ayaw ko mang maniwala sa sinabi ni Jane about Yuna ay hindi matahimik ang puso ko.. Gusto kong malaman ang totoo. Kaya lihim kong pinakabitan ang mga silid ko at opisina ng cctv. At ganon nalang ang galit ko nang mapagtantong tama si jane,makikita sa cctv na tila may hinahanap ang nobya. Hindi ko matanggap ang nalaman, naglasing ako bago umuwi.. Masaya pa akong sinalubong ni Yuna ng gabing yon ..pero nababalot na ng galit ang dibdib ko. Inangkin ko sya ng marahas .gusto kong makalimutan ang sakit at galit na nagsisimulang bumalot sa sistema ko .pero pag tinititigan ko ang mukha ni Yuna, bumibigay ang puso ko. Gustong -gusto ko sana syang komprontahin pero naduwag ako. Paano kung sabihin nya na si Tristan pa rin ang mahal nya?  Hindi ko kakayanin.. Kaya ng sumapit ang anniversary namin ay hindi ko na kayang magpaka-gago, pagod na akong ngumiti sa harap ng nobya at magkunwaring okey lang ang lahat. Sawa na akong ipakitang mabait ako at hindi nagagalit. Ayoko nang sakyan ang mga panloloko nya.. Tulad ng pagluluto nya ng kaldereta na alam ko naman na si Lutchi ang nagluto. Nung muntik na nyang masira ang contract at blue print ng isa kong customer ,pikit mata ako sa mga kamalian nya. Kahit basagin nya lahat ng baso at pinggan sa bahay i still smile and say its okey to her kahit gusto ko syang pagsabihan na maging maingat sa paghawak ng mga gamit. Ginawa ko ang lahat dahil sa pagibig ko sa kanya. Pero ang hindi ko matatanggap ay ang magpanggap na okey lang kahit ginagago nya ako dahil sa ibang lalaki sa loob ng aking bahay. You push me to it sweetheart... " lets drink" sinalinan ko ng alak ang wine glass nya . At nakipag cheers sa kanya. Alam kong nararamdaman nya na may mali .nababakas ang pagkalito sa maamo nyang mukha. "Para sa isang taon na pangloloko mo sakin! " mapait na sabi ko. Nakita ko ang pagkatigagal nya habang nasa labi ang baso ng alak. Kunot noo syang tumingin sa akin. Iniiwas ko ang tingin sa kanya. Ayokong maging mahina pag  nakita ang mukha niya. " p-paolo.....? " Sumenyas ako sa lalaki para ipakita sa kanya ang cctv sa bahay na sadya kong inilagay . Rumehistro ang takot sa mukha ng babae. Nagngalit naman ang bagang ko. " miss na miss mo naba ang pamangkin ko kaya determinado kang alamin ang contact nya? " malupit na tanong ko " h- hindi yon gano----" Pinigil ko syang magsalita. Ayokong makinig sa paliwanag nya. Alam ko makakaisip na naman sya ng palusot. Pero may isa pa akong ebedensya na tiyak hindi na nya maitatanggi. Muli akong sumenyas para iparinig ang record voice niya. Mahal ko si Tristan Nami-miss kona sya Nasasaktan ako dahil hindi sya nagpaalam bago sya umalis. Mariin kong ipinikit ang mga mata. Para na namang may patalim na tumarak sa dibdib ko nang marinig iyon. Tiim bagang ako na tumayo at sunod sunod na tumungga ng alak na dala. How do you heal a broken heart  That feels like it will never beat this much again  Oh no  I just can't let go  How do you heal a broken heart  That feels like it will never love this much again  Oh no  Tonight I'll hold what could be right  Tomorrow I'll pretend to let you go " Paolo,magpapaliwanag ako, " lumapit sya at tangka nyang hawakan ang kamay ko pero pinalis ko yon. " alam ko na ang sasabihin mo, ipinilit ko lang naman ang sarili ko sayo eh, hindi ko lang kayang tanggapin na sa loob ng isang taon,  hindi pa rin ako nakapasok dyan sa puso mo, " pinigilan kong mapaiyak ng sabihin yon. I promise to myself na hindi na ako magpapakita ng kahinaan sa harap ng dalaga mula ngayon. Kahit nang makita ko na lumuluha si Yuna at parang gusto kong yakapin sya at mag sorry dito ay pinigilan ko ang sarili. Mas lamang ang pait at selos na nararamdmaan ko ng mga oras na yon. " i give you everything,  everything!! " diin ko na biglang tumalim ang tingin sa kanya. " minahal kita, pero ginagago mo lang ako! " pagkasabi non ay ibinalibag ko ang bote ng alak sa pader. " hindi totoo yan, magusap tayo ng maayos please! " pakiusap nya. " No... Para ano?  Para magpalusot kana naman?  Gagamitin mo na naman ang pagmamahal ko sayo para lokohin ako.? " "Lokohin? " "Hindi ba yun ang totoo?  You keep me closer para makakuha ng impormasyon sa pamangkin ko. And thats bullshit! " sigaw ko sa kanya ,binabalot na ng galit ang dibdib ko. " hindi yun ganon! " sigaw din nya at tinangka akong yakapin pero umatras ako. Umatras ako dahil natatakot akong baka masaktan ko sya physically. Ang demonyong nasa loob ng pagkatao ko ay nagsisimula ng bumalot sa buong sistema ko. " wag kang lumapit Yuna, ayokong makita mo ang demonyong nasa loob ng pagkatao ko " pigil ko. "Paolo! " . " ganoon mo ba sya kamahal?  Para saktan ako ng ganito? " pagkasabi ko non ay humakbang ako patalikod nang tila nagdidilim na sa galit ang paningin ko. "Paolo wait lang! " tumakbo naman sya para habulin ako. "Paolo mahal kita! "  Natigilan ako ng sabihin nya yon. Ang salitang matagal ko nang hinihintay na sabihin nya. Gusto ko sanang maniwala pero nagsusumiksik sa utak ko ang sinabi nya kay Jane. " you can't fool me anymore Sweetheart.... At kung inaasahan mong makakausap mo si Tristan, im sorry pero hindi mangyayari yon. " humarap ako sa kanya at sa isang iglap ay hawak ko na sya sa panga ng mariin. "P-Pao----" nasasaktang sabi nito . " you are only mine, akin ka lang,    papatayin ko ang sino mang aagaw sayo mula sakin.." Binitiwan ko sya ng parang nagising ako sa ginagawa. Nasasaktan ko ang dalaga. I need to go away bago pa ako magsisi. Nang mga sandaling yon ay tila kaya kong pumatay ng tao. At ayokong makita ni Yuna yon. Agad akong bumaba sa parking lot matapos iwan ang dalaga. Nakita ko ang driver na si Mang abner pero dire-diretso ako sa kotse ni Brix na naroon sa tabi. "Sir! " hinabol ako ng matanda nung nai-start ko na ang sasakyan ng kaibigan. " nasa taas si Yuna, ikaw na ang maghatid sa kanya pauwi sa cavite, make sure na maihahatid mo sya. " utos ko.ganoon ko sya kamahal,  na kahit ginago nya ako.. Kaligtasan pa rin nya ang iniisip ko. Nagtataka man ay tumango ito. Mabilis kong nilisan ang lugar na yon. Isang sulyap pa sa roof top ng building ang ginawa ko bago pinaharurot ang sasakyan. Sa palad ko ay naroon ang singsing na balak ko sanang ibigay kay Yuna. You push me into this Sweetheart... Ikaw ang kusang gumising sa demonyong nasa katauhan ko. And i'll have to live in hell alone.....pero kasama ka... You will now see the Almighty Paolo Villanueva,. Ruthless and monster Paolo Villanueva... Isang sasakyan ang sumilaw ang sa mata kong basa ng luha .nabigla ako at agad kinabig pakanan ang manibela na syang dahilan para sumalpok sa isang poste ang sasakyan ni Brix. Yuna's POV.... Tinakbo ko agad ang loob ng ospital pagkababa ng kotse. Hindi kona nilingon pa si mang Abner .pinalis ko ang luhang muling tumulo sa pisngi ko na inakala kong ubos na sa roof top ng eco bar. Kadarating lang namin sa mansyon ng makatanggap ng tawag na naaksidente si Paolo. Para akong matutumba ng malaman yon agad akong nagpahatid kay mang Abner sa pinagdalhan sa binata. Sinisisi ko ang sarili sa nangyari kay Paolo, ako ang dahilan kung bakit nangyari yon. Room 402 ang sinabi ng nurse na napagtanungan ko. Agad ko yun tinakbo, namataan ko sa tapat ng room sila Harry at Tita Romina. Mabilis akong pumasok sa silid ng ospital at doon nakita ko ang nakahigang binata. May benda sya ulo at naka-cast ang kaliwang braso, tumakbo ako sa binata at umiiyak na niyakap sya. Wala akong pakialam sa mga kapatid nyang naroon .umiyak ako ng umiyak habang nakayakap sa pasyente. " take her away" Napa-angat ako ng tingin sa malamig na tinig ni Paolo. Gising pala ito ng dumating ako. "Paolo buti naman at okey ka lang! " sabi ko, hindi ko pinansin ang matalim nyang tingin. " nabigo kaba dahil hindi ako napuruhan sa aksidenteng yon?  Chance nyo na sana ni Tristan para magkita! " malupit na sabi ni Paolo na ikinanlaki ng mata ng mga naroon. Nahiya ako sa mama at papa ni Tristan na naroon din at narinig ang sinabi niya. "Paolo! " tila saway dito ng kapatid na si Mylene. Ang katabi nitong si Margarette at poot na nakatingin sa kin. " paalisin nyo sya dito,  gusto kong magpahinga" aniya. Napaiyak akong lalo sa sinabi nito. Nagpapaunawang hinila na ako sa braso ni Ate mylene para umalis ng silid na yon. Ayaw ko man ay wala akong magawa. Galit na galit ang binata sa akin. Gustong-gusto ko syang alagaan pero paano?  " look what you've done? Hindi ako nagkamali, sasaktan mo lang ang uncle namin! " galit na sabi ni margarette sakin. Sinundan pala nya ako sa hallway. " margarette please, hindi mo alam ang totoong nangyari" hikbi ko. Ang gusto ko sana ay makahanap manlang ng kakampi pero mukang naging malamig ang trato ng pamilya nya sakin. " anong hindi alam, si uncle na nga ang nagsabi.. Naaksidente sya dahil sayo, at sinisira mo sila ni kuya Tristan" Umiling ako sa dalagita. Pero hindi ko na pinilit ipaliwanag ang sarili ko. Hanggang iwan ako magisa ni Margarette ay nanatili ako sa bench na katapat ng silid na kinaroroonan ni Paolo. Ilang sandali pa ay si Tita Lolita naman ang lumapit sakin. "Totoo ba ang sinabi ni Paolo?  Si Tristan ang talagang gusto mo? " tanong ng ginang. "Tita... " hindi ko alam kung paano ipapaliwanag. "Yuna nakikiusap ako, not my son please... "  Pakiusap ng babae na ikinabigla. "Kilala ko si Paolo, kung mga material ngang bagay ay hindi nya gustong ibigay o ipahiram kahit kanino ..pano pa kaya ikaw? Natatakot ako sa nangyayari and worst walang kaalam-alam ang anak ko sa ibang bansa. Paano kung di na sya makauwi dito dahil sa nangyari? Kayang-kaya ni Paolo na gawin yon sa anak ko." Nagtataka ako sa sinasabi ng ginang. Pero isang bagay ang dapat nyang malaman. "Si Paolo po ang mahal ko," sabi ko sa kanya. Pero tila yata lalo syang nalungkot sa narinig. Bakit? " pero bakit nagalit sya?,  hindi mo pa kilala si Paolo Yuna. He could be worst than that na kahit kaming kapamilya nya natatakot sa kilos nya ngayon. " "Tita ano pong gagawin ko? " lumuluhang tanong ko. Hinawakan nito ang kamay ko at marahang pinisil. " hindi ko alam hija, hindi ko alam"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD