.....
Yuna's POV. ....
Mamaya ang anniversary date namin ni Paolo sa rooftop ng Eco bar, sinabi nito na doon nalang kami magkita ,nagpasama muna ako kay Vanessa para bumili ng regalo sa kanya. Mamayang tanghali ako luluwas ng manila para sa date. Excitted much na ako.
"Alam mo ang hirap ihanap ng regalo ang bf mo, mayaman yun, nasa kanya na ang lahat" reklamo ni Vanessa. Kanina pa kase kmi naglilibot sa mens section pero wala kaming makitang babagay na iregalo sa lalaki.
" kaya nga kita isinama, alam mong wala akong alam sa mga rega-regalo na yan" sabi ko .
" regaluhan mo nalang kaya ng bata, tiyak matutuwa yon may tagapagmana na sya. " biro nito.
"Gaga, "
Sa huli ay wala kaming nabili, sakto namang pagdating namin sa taas ay nakita ko ang isang couple slipper na pangbahay na kulay blue at pink. May nakasulat itong i love him at i love her. Natuwa ako at nagpasyang yon nalang ang iregalo sa nobyo. Ibinili ko ng magkaibang paper bag ang dalawang tsinelas. Nai-imagine ko na suot namin pareho yun habang nasa bahay.
Isang bestida ang suot ko na kulay red at itinali ko ang buhok pataas, simple lang ang ayos ko.pati ang make up ko ay manipis lamang. Alas tres ng hapon ako umalis ng cavite papuntang manila, nag taxi nalang ako patungong Eco bar. Inabot ako ng traffic kaya alas syete na ako nakadating.hindi ko maipaliwanag ang kaba na nararamdaman habang nasa byahe, para bang may di magandang mangyayari. Ewan koba pero iba ang kutob ko.
Dala ang regalo ay sumakay ako ng elevator pataas sa roof top ng building. Sinabi ng guard sa baba na kanina pa daw naroon ang nobyo. Lalong lumakas ang kaba ko pagdating sa lugar. Nakita ko si Paolo na nakaupo sa isang table na may gayak, puro lobo at bulaklak ang paligid. May kandila pa sa table.
Pero nagtaka ako ng makitang sunod-sunod ang inom ni Paolo ng alak. Bakit mukhang nauna na itong mag-celebrate? Sakto lang naman ang dating ko.
" P-paolo.. " nagaalangang tawag ko. Pulang pula ang mukha nya ng humarap sakin.
" there you are my lovely sweetheart" lasing na nga ito. Naramdaman ko na may mali. Lalo na sa paraan ng pagsasalita nito.
"Kanina kapa ba? Bakit nagiinom ka? " tanong ko pagkalapit sa kanya. Naupo ako sa tapat ng table .pinilit kong maging kalmado kahit naguguluhan ako sa ikinikilos niya.
" diba anniversary natin, dapat lang na uminom tayo" may pagkasarkastiko ang pagkakasabi niya. Lalo akong nagtaka sa ikinikilos ng binata.
Ano kayang problema nito?
Sumenyas ito sa isang lalaki na diko napansing naroon sa isang sulok. Pagkatapos non ay pumailanlang sa paligid ang kantang HOW DO YOU HEAL A BROKEN HEART.
anniversary namin pero pangluksa ang tugtog, baka nagkamali ng lalaki. akmang tatayo ako para papalitan ang tugtog dito pero pinigilan ako ni Paolo.
I can't believe what i just heard
Could it be true
Are you the girl I thought I knew
The one who promised me her love
Where did it go
Does anybody ever know
" lets drink"
sinalinan nito ng alak ang wine glass sa tapat ko saka umakmang makipag cheers sakin. Napilitan akong tanggapin yon.
"Para sa isang taon na pangloloko mo sakin! " mapait na sabi nito.
Napahinto ako sa paginom ng alak, nagtatakang napatingin ako sa kanya.
" p-paolo.....? " nagtatanong na bigkas ko sa pangalan nya.
Muli itong sumenyas at bigla nalang nag on ang isang projector kung saan ako makikita na naghahalungkat sa bahay nya. Kumabog ng malakas ang dibdib ko, iyon ay nung naghahanap ako ng contact ni Tristan. Hindi ko alam na may cctv ang bahay.
Pero hindi ako dapat kabahan, makakapagpaliwanag ako sa bagay na yon.
" miss na miss mo naba ang pamangkin ko kaya determinado kang alamin ang contact nya? " malupit na bigkas ni Paolo.
" h- hindi yon ganon,oo tama ka yun nga ang hinahanap ko pero--------"
Napatigil ako sa pagsasalita ng muli itong sumenyas at nag play ang isang recorded voice.
Mahal ko si Tristan
Nami-miss kona sya
Nasasaktan ako dahil hindi sya nagpaalam bago sya umalis.
Lalo akong naguluhan ng marinig ang sariling tinig ,kelan ko sinabi ang mga yon? Wala akong natatandaang may sinabi akong ganon pero boses ko yon.
Napatingin ako kay Paolo nang bigla itong tumayo dala ang bote ng alak. Sunod -sunod syang tumungga don.
How do you heal a broken heart
That feels like it will never beat this much again
Oh no
I just can't let go
How do you heal a broken heart
That feels like it will never love this much again
Oh no
Tonight I'll hold what could be right
Tomorrow I'll pretend to let you go
" Paolo,magpapaliwanag ako, " tumayo ako at lumapit sa kanya. Hahawakan ko sana ang kamay nya pero pinalis lang nya iyon.
" alam ko na ang sasabihin mo, ipinilit ko lang naman ang sarili ko sayo eh, hindi ko lang kayang tanggapin na sa loob ng isang taon, hindi pa rin ako nakapasok dyan sa puso mo, " may munting luha sa gilid ng mata nito nang sabihin yon.
Nagunahan sa pagpatak ang luha ko habang paulit-ulit na umiiling.
" i give you everything, everything!! " diin nito na biglang tumalim ang tingin sa akin. " minahal kita, pero ginago mo lang ako! " pagkasabi non ay ibinalibag nito ang bote ng alak sa pader.
" hindi totoo yan, magusap tayo ng maayos please! " pakiusap ko. Alam ko kase na lasing na ito dahil sa tindig nito.
" No... Para ano? Para magpalusot kana naman? Gagamitin mo na naman ang pagmamahal ko sayo para lokohin ako.? "
"Lokohin? " nanlalabo na sa luha ang mata ko.
"Hindi ba yun ang totoo? You keep me closer para makakuha ng impormasyon sa pamangkin ko. And thats bullshit! " sigaw nito sakin.
" hindi totoo yan! " sigaw ko din sa pamamagitan ng hikbi.
Nagtangka muli akong lumapit sa kanya para yakapin sya pero humakbang ito paatras.
" wag kang lumapit Yuna, ayokong makita mo ang demonyong nasa loob ng pagkatao ko "
"Paolo! " diko na alam ang sasabihin para lang makinig ang binata.
" ganoon mo ba sya kamahal? Para saktan ako ng ganito? " pagkasabi non ay tumalikod na ang lalaki at humakbang papalayo.
"Paolo wait lang! " tumakbo naman ako para habulin sya.
"Paolo mahal kita! " hikbi ko. Hinawakan sya sa isang kamay.
Sa nanlalabong mata dahil sa luha ay nakita kong natigilan sya sa sinabi ko. May pagasang pumuno sa puso ko.
" you can't fool me anymore Sweetheart.... At kung inaasahan mong makakausap mo si Tristan, im sorry pero hindi mangyayari yon. " humarap sya at sa isang iglap ay hawak na nya ako sa panga ng mariin.
"P-Pao----" nasasaktang sabi ko.
" you are only mine, akin ka lang, papatayin ko ang sino mang aagaw sayo mula sakin.." Pagkasabi non ay binitiwan nya ako, muntik na akong matumba sa sahig kung di ako nakahawak sa posteng naroon na pinagkakabitan ng mga bulaklak.
Tuluyan nang umalis si Paolo, iniwan nya ako doon. Napahagulgol ako habang nakayakap sa nanginginig kong tuhod.
Bigla akong natakot sa lalaking minamahal... Naninikip ang dibdib ko sa sakit na nararamdaman. Ang inaasahan kong masayang pagdiriwang ng anniversary namin ay nauwi sa ganito. Bakit at paano nangyari to.
Umiyak ako ng umiyak hanggang wala na akong mailuha...nakatingin ako sa pintong nilabasan ng nobyo. Umaasa akong ano mang oras ay babalik sya para humingi ng sorry sakin at sabihing nagkamali sya. Pero walang Paolo na bumalik. Sa halip ay si Jane ang dumating don. Kumunot ang noo ko pagkakita sa kanya.
" well, well. ...akala ko ba may party dito? Bakit para kang namatayan? " matamis ang ngiting tanong nito.
Ngayon naiintindihan kona ang lahat, si Jane ang nagplano nito, sinira nya ang relasyon namin ni Paolo. Pero bakit? Bakit ganoon nalang ang galit nya sakin.
"Kasalanan mo ang lahat Jane! " sabi ko at tumayo.
" ako? Bakit ako? Kasalanan mo dahil ambisyosa ka, do you realy think na makakaahon ka sa putik na pinaglalagyan mo? "
"Anong pinagsasabi mo? " galit kong tanong na naguguluhan.
" wala naman sana tayong problema eh, kung marunong ka lang lumugar, kung hindi mo sana inaagaw ang lahat ng oportunidad ko.. Kung hindi mo sana isinisiksik ang sarili mo sa mga Villanueva. Lalong-lalo na kay Paolo... "
" you're sick, " mariing sabi ko na ikinapula ng mukha nya galit.
"Anong sinabi mo? "
" sabi ko you're sick, pathetic bitch... Baliw ka! " sigaw ko sa mukha nya.
Akmang sasampalin nya ako pero nasalag ko yun at isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa pisngi nya.
" how dare you? "
Nagtangka itong sumugod pero mabilis kong inabot ang isang baso at binasag yon sa pader saka itinutok sa kanya.
"Sige lumapit ka, nang magkaroon ng marka yang mukha mo! " banta ko. Wala na akong pakialam sa ginagawa ko. Galit na galit ako sa babaeng to na sumira ng lahat dahil lang sa kabaliwn nito.
Walang nagawa ang babae kundi lisanin ang lugar na yon. Naiwan na naman ako sa malamig na lugar na yon na durog ang puso.
Ilang minuto pa akong nagtagal don bago nagpasyang umalis na. Kinuha ko ang paper bag na pinaglalagyan ng regalo ko sa lalaki saka bumaba ng building.
Nabuhayan ako ng loob ng makita ko ang kotse ni Paolo sa parking lot ng eco bar. Pero ang driver na si Mang Abner ang lumabas don.
" maam inutusan po ako ni Sir na ihatid kayo sa cavite. " sabi nito.
"San po sya nagpunta? " parang maiiyak na naman ako.
" h-hindi kopo alam eh"
" sa bahay nalang po ni Paolo nyo ako ihatid. " sabi ko. Kailangan magusap muna kami, kaya kong ipaliwanag sa kanya ang lahat. Basta makinig lang sya. Lalo na at alam kong si Jane an gmay kagagawan ng lahat.
Habang nasa byahe ay malalim akong nagiisip... Nasan kaya si Paolo? Hindi ko sinasadyang saktan sya. Kung nakinig lang sya sakin baka hindi kami nahihirapan ngayon. Muling namalisbis ang luha sa pisngi ko. Mabilis ko yong pinahid.. Ayokong magtaka si Mang Abner pag nakitang umiiyak ako.
Jane's POV. ....
Nang makitang umalis na ang kotseng kinalululanan ni Yuna ay lumabas na rin ako sa pinagkukubliang poste sa parking lot na yon. Sumilay nag ngisi sa labi ko, muli kong dinama ang pisnging sinampal ni Yuna. Nakadama ulit ako ng pagkasuklam sa babae.
Pero di bali na., sira na naman sya kay Paolo. Nasira ko na sya sa binata. .tiyak na hindi na sya makakalapit sa lalaki.
Kasalanan ni Yuna, nagpadala sya sa drama ko, ni hindi manlang sya nagisip na may plano ako, at ito namang si Paolo naniwala agad sa sobrang selos.. Sabagay magaling ang nag -edit ng recorded voice ni Yuna. Hindi mahahalatang may mga linyang naputol.
Isang tagumpay na ngiti ang sumilay na muli sa labi ko. Panahon na para mapalapit kay Paolo Villanueva. Suko na sana ako sa kanya, ang balak ko ay hintayin nalang si Tristan na bumalik .pero nalaman ko ang isang sekreto sa pagkatao nito mula kay Kobi na kaibigan ni Paolo.
Na hindi naman pala mayaman sila Tristan.. Ang daddy nito ay lulong sa sugal ,kahit nasa ibang bansa ay wala itong kinikita dahil sa sugal. .at ang bahay nila ay pagaari ni Paolo. Lahat ng kay Tristan ay pagaari ng tiyo nya. Kaya ano pa ang mapapala ko sa lalaking hinahabol? Wala naman pala itong kakayahang iahon ako sa hirap.muntik na akong matanso, kung alam ko lang sana hinayaan ko nalang sila ni Yuna..Si Paolo ang kailangan ko.
Kaya gumawa ako ng paraan para masira si Yuna kay Paolo Villanueva. At para makuha ang tiwala ng lalaki.
Paolo's POV...
"Anong kailangan mo? " kunot ang noong tanong ko kay Jane nang pumunta ito sa opisina ko. Abala ako sa pagpa plano ng anniversary date namin ni Yuna sa webes.
" gusto lang kitang paalalahanan about Yuna" anang babae.
" what? "
"She doesn't love you, si Tristan pa rin ang mahal nya. "
" did you think na mahalaga sakin ang sinasabi mo? " Galit kong sabi. " you may go, marami pa akong gagawin! "
Natigilan lang ako ng may iparinig sya sakin.
Mahal ko si Tristan
Nami-miss kona sya
Nasasaktan ako dahil hindi sya nagpaalam bago sya umalis.
Tinig yon ni Yuna, sigurado ako. Napatingin ako kay Jane.
" lumapit sya sakin at nakiusap kung alam ko daw ba kung paano mako- contact si Tristan, sabi ko wala akong alam,na ikaw ang may komunikasyon sa -------"
" get out, out!!!!! " sigaw ko sa babae. Agad naman itong umalis.
Pero bago yon ay iniwan sakin ang isang sd card na pinaglalagyan ng recorded voice ng nobya.