Yuna's POV...
" ano bang pinagsasabi mo?" Pinahid ko ang luha sa pisngi at inis na tumayo para iwanan ang lalaki pero agad nya akong napigilan sa braso.
" ano ba, pwede ba Mr. Villanueva ,hindi tayo personal na magkakilala para kumilos ka ng ganyan. "
" as far as i remember, magkakilala tayo, we already kissed and im assume na first kiss mo yun"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya.
" hindi ko matandaan na naghalikan tayo! " iwas ko saka pilit na kumawala sa pagkakahawak nya.
" talaga ba? Kaya pala kung hindi ako tumigil ng gabing yon baka hindi kana virgin ngayon! "
Sasampalin ko sana sya pero hindi ko naituloy yun.
"W-what? " namilog ang mata ko sa sinabi nya. Iginala ko sa paligi ang mga mata ,mabuti nalang at walang masyadong nagagawi sa lugar na yon.
Diko namalayan na nakalapit na pala sya sakin at hinapit ako sa baywang.
" you are so willing that night na halos mabaliw ako sa pagganti mo sa halik ko, tapos ngayon makikita kitang umiiyak dahil sa ibang lalaki? " tiim bagang na sabi ng lalaki.
"B-bitiwan mo ako" hindi ko maintindihan ang kinikilos ni Paolo Villanueva. Isang pagkakamali ang halik na yon, lasing ako at broken kaya nangyari yon.
Ilang saglit na tinitigan muna ni Paolo Villanueva ang buong mukha ko lalo na ang mga labi ko bago ako pinakawalan. Nanlambot naman ang mga tuhod ko.
" lasing ako non, at broken ..kaya isang pagkakamali ang halik na namagitan sa atin. " sabi ko sa lalaki.
" sa susunod na halikan kita, sisiguraduhin kong hindi ka lasing at hindi ka broken" tiim bagang sabi nya.
" hindi mangyayari yon, " mariin kong sabi pero ngumisi lang sya.
" lets eat, hindi kapa nagdi -dinner" sabi nya at naglakad pauna sakin. Kung umasta sya ay parang matagal na kaming close samantalang pangalawang beses palang kaming nagkikita.
" hindi ako nagugutom! " malakas na sabi ko para marinig nya.
Pero heto at namumuwalan ako ng mga masasarap na pagkain na inorder ng lalaki sa isang seafood restaurant don. Pag pagkain na ang kaharap ko nalilimutan ko ang problema. Kumain lang ako ng kumain at hindi pinansin ang pangiti-ngiting pagmamasid ni Paolo Villanueva sa pagsubo ko. Pinapak ko ang steam na sugpo. Grabeng sarap ng pagkain. Noon ko lang nakain yun. Syempre pangmayaman yun mga yun eh.
Sasamantalahin ko nalang habang may kasama akong lalaking mayaman .
Sa pamamagitan ng pag-nguya ay palihim kong pinagmamasdan ang gwapong binata. So milyonaryo ito? Marami itong pera at kotse.. Kaya nagtataka ako kung bakit pinagaaksyahan nya ako ng oras. Kung dahil lang sa halik na yon, im sure marami naman syang mga babae na nahalikan. Sa hitsura nya tiyak na maraming lumalapit na babae dito.
After kumain ay umorder pa ang lalaki ng cake at fineapple juice. Walang kyemeng nilantakan ko yun. Wala akong pakialam kung isipin man ng lalaki na PG ako. Paki ko sa kanya.
Kinabukasan nalaman ko nalang na bumalik na ng manila si Tristan dahil may aasikasuhin daw ito ng biglaan. Iniwasan ko nalang na isipin sya. Nag enjoy nalang ako kasama ang mga kaibigan. Bumili kami ng mga remebrance items saka tshirt na may i love boracay. Sa gabi naman ay lagi kaming nagbo bonfire. Si Paolo ay madalas maglalapit sakin. Na napapansin ng lahat.
Nung huling araw namin don ay inakit ako ni Paolo na mag snorkling, bagay na hindi ko pa nagagawa .pumayag naman ako kahit kami lang dalawa. Alam ko naman na di nya ako titigilan hanggat di ako sumasama sa kanya.
Pinilit nya akong bumaba sa tubig pero natakot ako lalo na sa mga isda,
( Music background : LOVE SOMEONE by Lucas Graham)
" baka kagatin ako ng mga yan" sabi ko.
" hindi yan, tara na"
" hindi ako marunong lumangoy! " tanggi ko pero mapilit talaga ang lalaki kaya napilitan akong lumusong sa dagat kasama sya. Enjoy naman pala.inaamin kong masarap din palang kasama si Paolo Villanueva. Akala ko istrikto at mahigpit ang lalaki batay sa kwento ng pamangkin nito pero ibang Paolo ang nakakasama ko, isang masayahin at attentive na lalaki. Na para bang gagawin nya lahat para sakin.
Like Tristan.
Nalungkot na naman ako. Ganoon na ganoon si Tristan sakin. Pero sa huli wala palang meaning yon sa kanya.
" Next na pagpunta natin dito girlfriend na kita! " biglang sabi ni Paolo na ikinataas ng kilay ko.
Nanliligaw ba ang lalaki?
May pinapa tama yata sya.
Hindi ko akalain na pagkatapos non. Yun na pala ang huling paguusap namin ni Tristan. Dahil nang matapos ang bakasyon ay dina pumasok sa work ang lalaki, nalaman ko nalang na paalis na ito papuntang canada para mag masteral.
Nang malaman ko yon ay agad akong lumuwas ng makati para puntahan si Tristan.
Hindi sya pwedeng umalis nang hindi nagpapaalam sakin, oo sinabi ko na gusto ko munang lumayo sa kanya pero hindi sa ganitong paraan.
naharang ako ng guard sa subdivision nila. Mabuti nalang at nakita ako ni Paolo na pauwi na sa bahay galing work.
" kailangan kong makita si Tristan, nalaman ko kase na aalis sya papuntang canada" paliwanag kong halos maiyak. Naka sakay na ako sa loob ng kotse sa tabi nya.
Tahimik lang ang lalaki habang binabagtas ang daan papasok ng subdivision. Pero nagtaka ako na ng sa bahay nya tumigil ang sasakyan.
" ano kaba? Ang sabi ko kailangan kong makausap si Tristan,hindi sya pwedeng umalis nang hindi nagpapaalam"
" pasok ka muna"
"Ha? "
Naguguluhan man ay napilitan akong pumasok sa mansyon ng lalaki.
" Paolo, please ihatid mo ako sa bahay nila Tristan, gusto ko syang makausap, gusto kong itanong kung bakit sya aalis?,bakit di manlang sya nagpaalam? " mangiyak ngiyak na pakiusap ko sa lalaki.
" he already left. "
"What? "
" kahapon pa ang flight nya papuntang canada. "
" p-pero ngayon lang dumating yun resignation letter ----" di makapaniwalang sabi ko.
" ako ang nagasikaso non. "
Umiling iling ako sa narinig.
" b-bkit biglaan? Bkit di nya sinabi nong nasa boracay pa tayo? "
" i dont know, " kibit balikat nito.
Pigil ang luhang napaupo ko sa sofa na naroon. Ganoon nalang b yon? Basta nalang sya umalis, basta nalang nawala ang first love ko.
" alam mo ba ang tungkol dito? " pagkuway tanong ko sa lalaki.
" yes, " sagot nito.
" bakit di mo sinabi sakin? " galit na tanong ko.
" he told me na wag ipaalam kahit kanino"
Napaiyak ako sa narinig. Bakit? Imposibleng gagawin yun ni Tristan. I know him.. Ang daming tanong sa utak ko pero di ko alam ang sagot.
" aalis na ako"
Paalam ko nang makabawi ng lakas.
Tumayo ako at isinukbit ang dala kong sling bag.
" stay, kumain ka muna"
" hindi ako nagugutom"
" i said lets eat" may awtoridad na sabi nito. Akala ba nya matatakot ako sa kanya.
"I said uuwi na ako at di ako nagugutom! " galit kong sabi ska dere-deretsong lumabas ng bahay ng lalaki.
Nagagalit ako sa kanya dahil dinala pa nya ako don yun naman pala wala na si Tristan.
Kailangan ko pa tuloy maglakad ng malayo para makalabas ng subdivision na yun.
Lalo akong napaiyak ng matapilok ako sa suot na heels. Ah napakamalas ko naman ng araw na yun. Nasira lang naman ang takong non,nakisabay pa sa problema ko... Napatingala ako sa langit sa sobrang frustration.
Umiiyak akong naupo sa tabi ng kalsada yakap ang sirang sandals. Kaya kong tiinisin ang sakit ng pagkawala ni Tristan pero ang maglakad ng yapak? No way... Hindi pwedeng magasgasan ang talampakan ko. Lalo akong napahikbi...
Nasa ganon akong ayos nang tumigil sa tapat ko ang kotse ni Paolo.mabilis syang bumaba at nilapitan ako. Lumuhod sya sa tapat ko at hinawakan ang paa kong magkadikit na walang suot na sandals.
" let me take you home! " sabi nito. Saka nya ako binuhat at isinakay sa loob ng sasakyan.
Inis akong napabuntong hininga