...
Yuna's POv.....
Dalawang buwan ang matuling lumipas, mula ng umalis si Tristan, nawala sya ng tuluyan sa buhay ko dahil nagdeactivate ito ng sss at ig account. Maging si Mona na lagi kong ka chat ay di alam ang bagong account ng lalaki. Bakit parang umiiwas na sya samin, maging si Jane ay alam kong walang balita sa kanya dahil nagtatanong ito ng palihim sa pinsang si Norman kung may contact daw ba kami ni Tristan. Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari.
" nagtataka na talaga ako sa pagkawala ni Sir Tristan eh, parang no trace na talaga sya eh" sabi ni Vanessa. Naglalakad na kami pauwi.
" ako man naguguluhan, pakiramdam ko sinasadya nyang umiwas satin eh"
" eh bakit naman? Kala koba kaibigan nya tayo? "
Kibit balikat lang ang naisagot ko. Nami-miss ko na ang lalaki, kailan kaya ako masasanay na wala sya?.
Nang makrating sa boarding house ay nakita ko ang kotse ni Paolo Villanueva na naka park sa tapat ng bahay namin. At nakasandal don ang binatang naka maong pants at tshirt na gray ,adidas ang sapatos nito na kulay itim. May hawak itong malaking bouquet ng red roses.ngumiti sya pagkakita sakin. Napansin ko ang ilang kababaihan sa apartment na katabi ng samin na halos humaba ang leeg pagtingin sa lalaki. Paano ba naman sobrang gwapo ni Paolo ,
Two months na akong kinukulit ng lalaki, lagi itong nasa bahay at kung ano ano ang ibinibigay. Ka-close na rin ito ng mga pinsan ko. Oo nililigawan ako ng tiyuhin ng lalaking gusto ko, kahit alam naman nya kung sino ang mahal ko.
" let me court you, wag mo akong pigilan dahil kahit sarili ko hindi ko na kilala mula ng mahalin kita" sabi nya sakin non.
Hindi sana mahirap mahalin ang lalaki kung wala lang akong ibang iniibig.
" Yuna please try to love me? Or magpanggap kang mahal aKo habang hinihintay mo ang pamangkin ko. " sabi ni Paolo minsang naguusap kami sa sala ng bahay na inuupahan namin.
" ano bang pinagsasabi mo, ano magpapakababa ka ng ganon, at isa pa hindi ako nanggagamit ng tao para sa kapakanan ko"
" i just want to be in your life. " sabi nito.
"Pero hindi sa ganoong paraan"
" i know you will love me back, you just realize that in time.. "
" si Tristan ang mahal ko, hindi ikaw, paano mo nasabi na magugustuhan din kita? "
" i know and im sure of that, dahil hindi ako titigil hanggat di mo ako minamahal" tila siguradong sabi nito.
Bigla akong natakot sa sinabi nya. Paano kung main- love nga ako sa kanya at makalimutan si Tristan? Hindi pwede.
Pero Nasanay din ako sa presensya ni Paolo. lagi kaming lumalabas at namamasyal. Nung una napipilitan lang ako pero habang tumatagal ay nage-enjoy na akong kasama sya. Dinala nya ako sa ibat ibang sikat na kainan dahil alam nyang mahilig akong lumapang. Minsan pinagsha-shoppong nya ako tapos nanonood kami ng movies sa bahay nya. May sarili kasing movie room ang binata. Naging madalas ang pagpunta ko sa kanya at diko namamalayang nasasanay na ako na wala si Tristan.
Ilang araw na hindi sumipot sa cavite si Paolo, nalaman ko kay Mona na nagkasakit pala ang binata kaya madali akong nagpunta sa bahay nya. Katulong lang ang kasama non. Nagaalala ako. Mabuti ang trato nya sakin kaya yun ang dahilan ng pagaalala ko, yun ang pilit kong sinasabi sa sarili. Na walang ibig sabihin ang pagaalala ko sa kanya.
Papasok ako ng mansyon ni Paolo nang makasalubong ko si Jane palabas, kunot noo ako sa pagtataka, anong ginagawa non sa bahay ni Paolo.? Ngumisi lang ang babae pagkakita sakin.
"Anong ginagawa ni Jane dito? " tanong ko sa binata. Naabutan ko pa ito sa living room.
" nagtatanong lang sya about Tristan. "
" anong sabi mo? "
" kaya kaba narito para magtanong din ng balita sa kanya? " may inis na sabi nito. Ngayon ko lang narinig ang ganoong tono ng pananalita ng lalaki.
Lagi kasi itong mahinahon at malambing twing kakausapin ako.
" h-hindi, nalaman ko kase na may lagnat ka, " paliwanag ko, yun naman kase ang totoo.
"Sinat lang to"pasupladong sabi nya. Ang arte naman nito ngayon
"Anong sinat? " kinapa ko ang noo nya sobrang init." Kailangan mong magpahinga, halika na"
" wala akong balita kay Tristan kaya hindi mo na kailangang gawin yan"
Malupit na sabi ni Paolo pero di ko sya pinansin.
Inalalayan ko sya papunta sa kwarto nya. Pinahiga ko sya sa malaking kama don at kumuha ng tubig sa palanggana para mapababa ang temperatura nya. Pinakain ko sya ng sopas na niluto ni Lutchi at saka pinainom ng gamot. Agad nakatulog ang lalaki.
Pinunasan ko ng basang bimpo ang mukha nya. Nakadama ako ng awa sa lalaki. Magisa lang kase ito sa malaking bahay na yon, hindi ba ito nalulungkot? Sobrang tahimik ng bahay. Masungit ito at ayaw ng bisita. Maging ang mga pamangkin nito ay di mkapunta sa mansyon nito ng walang pahintulot ng lalaki.
Pinapahid ko ng bimpo ang leeg nya ng bigla nyang hawakan ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya, akala ko tulog sya.
" stop, wag mo akong sanayin sa pagaalaga mo, baka masanay ako at isipin na akin kana " mahinang anas ni Paolo.
" matulog kana nga kung ano anong sinasabi mo, " sabi ko na iniiwasang kiligin sa mga salita niya.
Nang dalhin ko sa baba ang ginamit na palanggana at nakita kong nagluluto si lutchi ng hapunan.
" nakatulog na si Paolo, taas ng lagnat nya" sabi ko.
" wag kanang magalala miss, galing na dito si dr. Xi. "
" ah ganon ba, buti naman.. "
" gf kaba ni Sir? " tanong nito.
"Ha hindi... " tanggi ko. " hindi pa! " nakangiti kong dagdag. Napangiti din si Lutchi. NASA 30 plus palang siguro ang babae,
Maya maya ay naisipan kong magtanong about sa binata.
" bakit wala dito ang parents nila Paolo? "
"Ahm hindi kase nila kya ang buhay sa manila, kaya don sila sa bikol kasama ng isa nilang pamangkin, pinsan nila Sir" tumango-tango ako.
" eh bakit parang takot na takot ang mga pamangkin nya sa kanya? "
" eh kase istrikto si Sir " mahinang bulong ni Lutchi.
"Dati pumunta dito sila Mona tapos nakabasag sila ng vase sa kalalaro, galit na galit si sir, sinigawan ang mga pamangkin.. Ayun mga natakot nang pumunta"
" yun lang ,nagalit na agad sya?"
Di makapaniwalang sabi ko.
" eh kase masinop sa gamit si Sir, ayaw nya ng malikot at yun walang ingat sa gamit, saka yun vase na yun bigay yata ng ninang nyang namatay na mahal na mahal nya... Alam mo buti nga di ka nasigawan ni Sir nung nabasag mo yun alak tapos pinagbubuksan mo pa yun mga collection nya. Ayaw na ayaw niya ng maaksaya"
Bakit nga ba di ako nakastigo ng lalaking yon?
" pero di naman ganon kasama si Sir, siguro sa una pag bagong kilala mo sya matatakot ka kase nga suplado saka masungit tingnan pero mabait yun.. Kami dito ang laki ng utang na loob namin sa kanya.,lalo na si Mang Abner ,kung tutuusin di naman kailangan ni Sir ng driver dahil kaya naman nyang mag drive pero nakilala nya si Mang Abner na inaabuso ng amo, kinuha nya tapos dinala dito. Lahat kami nabibiyayaan nya. Saka yan mga pamangkin nya kahit takot sa kanya mahal na mahal sya ng mga yun kase nakikita naman nila ang pagtulong ni sir Paolo sa kanilang pamilya lalo na pag may problema pinansyal. "
Mahabang kwento ni Lutchi. Sang-ayon naman ako sa sinabi nito. Nung unang beses na makilala ko si Paolo akala ko masungit sya pero ang bait nya sakin, lalo na sa nakalipas na buwan na lagi kaming magkasama, nakita ko ang soft side ni Paolo, yung masaya at masiglang Paolo Villanueva ang nakikita ko pag magkasama kami, hindi yun Istrikto at masungit na Uncle Paolo nila Mona.
"Saka ikaw palang ang babaeng niligawan nya, naku swerte mo" dagdag pa ni Lutchi na nakangiti.
" ha? Talaga? "
" oo, ikaw palang ang babaeng nakapasok sa kwarto nya, saka tingnan mo hinayaan ka nyang alagaan sya ngayong may sakit sya, "
"Ikaw talaga, " napangiti ako sa sinabi nya.
Hindi ko masabi kay Lutchi na si tristan ang gusto ko at hindi ang amo nya. Na lihim pa rin akong naghihintay sa pagbabalik ng lalaki,
Pero sa sulok ng puso ko ay natutuwa ako sa kaalamang ako palang ang babaeng nagustuhan ni Paolo.
Nang hapon na yon dumating ang mga kapatid at pamangkin ni Paolo para dalawin sya,yun nga lang mahimbing na ang tulog nito, kilala na nila ako bilang nililigawan ng lalaki, umingay ang buong mansyon sa mga batang pamangkin nito, tuwang -tuwa ako dahil kasama si Mona na super ka close kona.
" Yuna thank you at inaalagaan mo ang kapatid ko" sabi sakin ni Ate Mylene, kapatid ni Paolo na babae. Nagmemeryenda kami sa garden kasama ng mga bata. Mababait ang pamilya ng lalaki kahit mayaman sila. Super down to earth ang mga ito.
" wala yun ate, nagkataon kase na wala akong pasok sa work kaya naisip kong puntahan nalang sya dito. " sabi ko.
" hays ang sweet talaga ni ate Yuna" reaksyon naman ni Mona na may pagyakap pa sa braso ko .natawa nalang ang iba pa nyang pinsan ,pero napansin kong pinagmamasdan ako ni Margarette, kakaiba ang titig nito sakin.. Para bang hindi nya ako gusto na naroon.
Nang pumunta ako sa likod ng bahay para magtapon ng basura ,napansin kong sumunod sya sakin.
" oh Margarette, bakit nandito ka?, naglalaro don ang mga pinsan mo" nakangiti kong tanong sa kanya.
Magandang bata si Margatte,panganay na anak ni ate Mylene, ang alam ko ay 16 years old na ito at dalagang dalaga na kung mag ayos ,mukha itong barbie doll dahil sa mahabang pilik mata at mas matangkad sya sakin ng konti.
" gusto lang kitang makausap! "Sabi ng bata.
Inayos ko muna ang basura saka naghugas ng kamay bago hinarap ang babae.
"Ano yun? " tanong ko.
Walang nakakakita saming dalawa sa parteng yon ng likod bahay.
" i know you like someone else, " sabi ni Margarette habang nakahalukipkip.
Hindi ako nagsalita at hinintay ang iba pa nyang sasabihin.
"Alam ko na si Kuya Tristan ang gusto mo, hindi si uncle"
"Pano mo nalaman..... " sabi ko.
" i know everything, narinig ko si Mona na kausap si Uncle Paolo, kung si Kuya Tristan ang gusto mo bakit lumalapit kapa kay Uncle? Sasaktan mo lang sya at------"
"Paano mo nasabi na hindi ko gusto ang Uncle mo? " putol ko sa sinasabi nya.
Natigilan naman ang dalaga.
" y-you mean? You like Uncle? Si Uncle naba ang mahal mo? " tila nakikiusap ito na sabihin ko ang totoo.
" kami nalang ng uncle mo ang maguusap, bata kapa para maintindihan yon" paliwanag ko.
" i just dont want my Uncle to get hurt because of you, ngayon lang namin sya nakitang laging masaya, na hindi nagpapakamatay sa trabaho,i hope you understand " sabi ni Margarette.
" yes, naiintindihan ko, "
" dont you ever hurt my Uncle, i swear, hindi ako tatahimik lang pag nangyari yon! "
Iniwan na ako ni Margarette pagkasabi non. Masyado nang matured magisip ang dalagita kompara sa ibang pinsan nito. Natutuwa ako sa pagmamahal na ipinapakita nito sa tiyuhin. And i Understand her.