Paolo's POV......
Nagising akong magaan na ang pakiramdam. Iginala ko agad ang paningin at hinanap si Yuna sa kwartong iyon pero wala ang dalaga, ala syete na pala ng gabi.. Bumangon ako paalis sa kama ,inisip kong baka umalis na ang babae. !
Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Yuna. Nagliwanag ang mukha nya nang makitang gising na ako.
" okey kana ba? Bakit bumangon ka agad? ". Mabilis syang lumapit sa akin at idinikit ang likod ng palad sa noo ko.
" i'm okey, " sabi ko.
Naamoy ko ang halimuyak ng shampoo sa kulot na buhok nito, siguro kaliligo lang nya.
Naka short itong maikli na kulay green at tshirt na may hello kitty sa gitna, ang cute nya sa suot. Para syang dalagitang tingnan.
" galing dito mga kapatid at pamangkin mo ,dinalaw ka kaya lang tulog ka, hinayaan ka nalang nilang magpahinga" sabi nya. Naupo ito sa tabi ng kama.
Hindi ko pinansin ang sinabi ni Yuna, ang buong atensyon ko kase ay nasa magandang dalaga na ngayon ay nakaupo sa kama ko. Gusto ko sanang sabihin na bagay na bagay sya sa kama na yon.
" akala ko umuwi kana, "
" pinapauwi mo naba ako? " she pout.
" no, i mean, --"
" diba sabi ko sayo nagpunta ako dito para alagaan ka kase may sakit ka"
Ayokong paasahin ang sarili ko at isipin na mahalaga na rin ako kay Yuna, na nakalimutan na nya ang pamangkin ko. Na ako na ang mahal nya.
Alam ko naman na ipinipilit ko lang ang sarili ko sa kanya, ganon yata talaga pag in love, magagawa mo ang mga bagay na hindi mo pa nagagawa.
Yuna's POV....
Kinabukasan, ganoon nalang ang inis ko nang makita sa sala ng bahay ni Paolo si Jane. Naka bistida ito at may dalang prutas .tumaas ang kilay ko pagkakita sa kanya. Anong ginagawa nito sa bahay na yon.
" ang aga mo naman, anong ginagawa mo dito? " tanong ko sa babae.
" ako yata ang dapat magtanong nyan sayo, anong ginagawa mo dito? "
" wala ka na don, eh ikaw?, ang alam ko nasabi na sayo ni Paolo na wala syang balita kay Tristan ,so bakit kapa narito? "
"Tskk.... Dinadalaw ko sya dahil alam kong may sakit sya. "
Lalong tumaas ang kilay ko.
" magaling ka talaga Yuna" pagkuway sabi ni Jane, tumayo sya at humalukipkip sa harap ko. " pati uncle naakit mo, gwapo at mayaman, ano pa nga ba ang hahanapin mo? "
" what?, " kunot-noo kong tanong.
" pero mas magaling ako sayo, tandaan mo yan. Kung hindi mo nakuha si Tristan, hindi mo rin makukuha si Paolo"
Tinawanan ko lang ang babae, nakita kong natigilan sya sa pagtawa ko.ang hilig nitong magbanta.
" huli kana sa balita my dear Friend tsk". Pangaasar ko na sinamahan pa ng pagtapik sa balikat nyA.
" anong ibig mong sabihin? "
" eh kase kami na, kaya anong sinasabi mo na hindi ko sya makukuha? " pagsisinungaling ko, hindi ko hahayaang manalo na naman sya sa pangaasar sakin.
" bitch.... " hinawakan nya ang braso ko. " akala mo ba hindi ko alam na si Tristan ang dahilan kaya lumalapit ka sa uncle nya, gusto mong malaman kung ano ng balita sa kanya"
Galit na inalis ko ang kamay nya sa braso. Nakakabigla ang
attitude ng babaeng to.
" bingi kaba, di mo ba narinig ang sabi ko? Kami na ni Paolo, at si Tristan sayong -sayo na". Sabi ko. Na ikinadilim ng mukha ng babae.
Nag-angat ito ng kamay para sampalin ako pero natigilan kami ng marinig ang tinig ni Paolo.
" anong nangyayari dito? "
Gulat akong napalingon sa lalaki. Bagong paligo na ito at naka short at tshirt .napaka gwapo nito. Mukang nakabawi na sya ng lakas sa sakit.
Jane' s POV....
Nagpupuyos ang kalooban ko nang makaalis sa mansyon ni Paolo Villanueva, mahirap kunin ang loob ng lalaki hindi katulad ng pamangkin nito na si Tristan, isang ngiti ko lang naakit na sakin. Dahil likas na maawain si Tristan nadala sya sa mga kwento ko. Pero itong si Paolo masyadong masungit. Parang alergy sa akin,
Nang umalis si Tristan at di nagpaalam sakin, nabigo ako, pati ang pangarap kong makapagasawa ng mayaman.. Alam ko naman na hindi seryoso ang namamagitan samin pero sumugal ako.
Oo gold digger ako, sawang-sawa na akong maging mahirap. Nang malaman kong mayaman si Tristan inakit ko agad sya. Kahit lagi sa tabi nya si Yuna nagawa ko syang agawin.
At ang Yuna na yon, galit na galit ako sa babaeng yon. Una palang ....pareho lang naman kaming mahihirap pero kung umasta ang babaeng yon daig pa ang prinsesa. Nagpanggap lang akong nakikipagkaibigan sa kanila para mapalapit kay Tristan,,
Lingid sa kaalaman ng lahat noon ko pa kilala si Tristan at Paolo.nakita ko sila sa eco bar na pagaari ni Paolo Villanueva. Minsan kase akong na invite don ng isa kong manliligaw noon kaya nalaman ko ang tungkol sa dalawa. Then nagkataon na sa A&A ngtratrabaho si Tristan kaya nagapply ako.
Si Paolo Villanueva talaga ang target ko hindi ang pamangkin nya, alam kong buhay reyna ako pag sya ang napangasawa ko pero mahirap makalapit sa lalaki.
At nakilala ko nga si Yuna, nainis ako sa attitude ng babae kaya binalak kong agawin si Tristan sa kanya. Para naman makita kong masaktan sya kahit minsan. At nanalo ako, napaiyak ko sya. Pero nang makita kong muli si Paolo sa house blessing nya,at nanumbalik ang pangarap kong maahon sa hirap. Pero Nakaharang na naman si Yuna, naradaman kong gusto sya ng lalaki and i hate her for that. Bakit lahat ng lalaki gusto sya?
At si Tristan iniwan nya ako, gumuho ng tuluyan ang pangarap ko.
" hindi kana nya babalikan, yun ang nasisiguro ko"
Yun ang sabi ni Paolo sakin ng unang beses akong pumunta sa bahay nya kahapon.
" mahal nya ako" sabi ko kahit di ako sigurado sa bagay na yon.
Tumawa lang ang lalaki.
" mahal? I know the likes of you Jane at alam kong alam mo na pleasure lang ang gusto ng pamangkin ko sayo, kung mahal ka nga nya, pasensya na pero hindi ko gugustuhin na mapabilang ka sa pamilya namin"
Ang mga salitang yon ni Paolo Villanueva ay patalim na tumarak sa puso ko. Isa lang ang ibig sabihin non, hindi nya ako gusto lalo na para kay Tristan.
Pero bakit si Yuna okey lang na maglabas pasok sa buhay nila, pareho lang naman kaming dukha .
" Paolo naiintindihan ko kung bakit ayaw mo sakin para sa pamangkin mo, kase mahirap ako, kaya hindi ako naniniwala sa sinasabi ni Yuna na may relasyon kayo, mahirap din sya alam ko----"
" do you really believe na ang pagiging mahirap mo ang dahilan kaya ayoko sayo para kay Tristan? "
" ha? ".
" your thoughts.... Yan ang ayoko sayo, kung paano ka magisip, magplano.., "
" i dont understand"
"Pera lang ang habol mo sa pamangkin ko, nung hindi kita patulan, sa kanya ka lumapit at inakit mo sya.. Mabilis mo syang naakit dahil bata pa sya at mapusok pero hindi mo kilala si Tristan, hindi ang tulad mo ang ihaharap nya sa altar., "
Nabigla naman ako sa sinabi ni Paolo, alam pala nya lahat ng yun. Kumapal ang mukha ko sa hiya dahil sa sinabi nya. Insultong -insulto ako. Pero kaya ko yung tiisin mangyari lang ang plano ko.
" makakaalis kana, ito na ang huling beses na pagpunta mo dito.,i dont really like a guest"
Saka nya ako inabutan ng isang sobre, pera ang laman non.
" bayad yan sa relasyong tinapos ng pamangkin ko, you may go "
Pinalis ko ang munting luhang pumatak sa pisngi ko pagkalabas ng bahay.
You will pay for this Yuna
I hate you Paolo Villanueva.
Yuna's POV......
Nagpuputok ang butse ko sa silid, gusto kong marinig kung ano ang pinaguusapan nila Jane at Paolo sa ibaba pero pinaakyat ako ng lalaki sa library na yun.
Ano naman kaya ang paguusapan nila? Baka maakit din sya ng bruhang yon kagaya ni Tristan. Hindi tuloy ako mapakali. Sasabunutan ko na talaga ang bruhang yon pag napikon ako. Hmmmp..
Nabuhayan ako ng loob ng pumasok don si Paolo.
" si Jane? "Agad kong tanong na bahagyang sumulip sa labas ng nakabukas na pinto.
"Nakaalis na, " sagot nito at isinara ang pinto.
" bakit kase napunta yon dito? Close ba kayo? " inis na tanong ko na ikinangiti nya.
" dinalaw lang nya ako"
"Dinalaw? Bakit kaibigan mo ba sya? E diba hindi naman kayo personal na magkakilala, anong pinagusapan nyo? " sunod -sunod kong tanong. Hindi ko alam pero sobrang inis ako sa pagdalaw ni Jane sa lalaki. Noon hindi naman ako ganito kainis sa kanya kay Tristan pero ngayon iba na.
" sinabi ko na wag na syang pupunta dito dahil nagseselos ang girlfriend ko! " sabi nya .naguluhan ako saglit pero nang maalala ang usapan namin ni Jane kanina ay namilog ang mga mata ko. Narinig pala ni Paolo ang pagsisinungaling ko na kami na.
Lumapit sya sakin kaya napa atras ako.
Hinila nya ako sa kamay saka pinihit ako patalikod sa kanya at niyakap sa bewang mula sa likuran. Nagsimulang pumintig ang puso ko lalo na nang maramdaman ang hininga nya sa taenga ko.
" P-Paolo.. " tawag ko sa pangalan nya.
" akin kana Yuna, sa bibig mo mismo nanggaling na akin kana.. Mula ngayon hindi kana maaagaw ng ibang lalaki sa akin and I promise to love you forever. "
"P-paolo, ..." Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanya na sinabi ko lang yon para asarin ang babae.
" im so happy right now, let's have a date, san mo gusto? " sabi nitong nakangiti. Kumawala ako sa yakap nya.
Gusto ko sanang sabihin na nagkakamali sya ng akala pero totoong masaya ang lalaki. Nakita ko sa mga mata nya na masaya sya. At ayokong alisin yon.
Bumisita sa apartment si Vanessa nang malaman na nakabalik na ako galing manila. Nabigla pa ito pagkakita sa mga paper bag na dala ko, mga damit at sapatos na binili ni Paolo para sa akin nung namasyal kami sa mall.
"Wow ang gaganda, bestie puro signatured items ang mga to" humahangang sabi niya.
" tama ba ang ginawa ko bestie? Pumayag akong maging kami kahit may iba pa akong mahal"
Binitawan ni Vanessa ang mga hawak saka humarap sakin.
" ano paba ang ayaw mo kay Paolo? At ano paba ang hinihintay mo kay Tristan? Bestie mahal ka ni Paolo, si Tristan hindi...."
" alam ko naman yun kaya nga nagi-guilty ako, "
" alam mo confused ka lang eh pero tingin ko in love kana rin kay Paolo.. wag mo kasing pigilan ang nararamdaman mo para kay Paolo, hayaan mong mahalin sya ng puso mo, makikita mo ang totoong feelings mo"
" paano kung di ko sya matutunang mahalin? " tanong ko.
" imposible, kase alam ko ngayon palang mahal mona sya"
"Ano? Paano mo nasabi yun" kunot noong tanong ko sa kaibigan.
" nakikita ko, hindi mo palang napapansin kase akala mo naghihintay kapa kay Tristan pero ang totoo masaya kana sa tito nya"
Inisip kong mabuti ang sinabi nito. Tama sya, hindi na ako nalulungkot pag naaalala si Tristan dahil napapasaya ako ni Paolo. Pero ibig bang sabihin non mahal kona sya?