...
Yuna's POV...
Mula nang maging boyfriend ko si Paolo Villanueva, aaminin kong nagbago ang lahat, lalo na ng makilala sya ng pamilya ko. Nagpumilit kase syang ihatid ako sa amin sa laguna at nakilala sya ng buong angkan ko.
Mas nauna pa syang makilala nila nanay at tatay kesa kay Tristan. Nakita ko din na magaling makisama ang binata kahit milyonaryo sya .nararamdaman ko na gusto sya ng pamilya ko .maging ang ilang kapitbahay namin ay hanga sa kabaitan ng lalaki.
Ako naman ay open din sa pamilya nya. Ang mama at papa nalang nya ang di ko pa nakikita dahil nasa probinsya ang mga ito pero nakausap kona sila sa vc.
Naging masaya ang relasyon namin. Aaminin kong mas magaan sa pakiramdam. Ganon pala yon. Masarap pala pag alam mong mahal ka ng lalaki, hindi katulad non kay Tristan na nangangapa pa ako kung ano ang lagay ng relsyon namin.
Samantalang kay Paolo, i feel secure sa kanya .masyado nyang ipinaparamdam ang pagmamahal sa akin. Nasanay tuloy ako sa atensyon nya. Hindi ko makita ang sabi noon nila Mona na masungit at istriktong lalaki. He is gentle and sweet sakin. Minsan sinasadya kong inisin sya para makita ko yun ibang side nya pero laging mahinahon ang kasintahan.
Dahil doon naging kampante ang mga pamangkin nya na bumisita sa bahay lalo na pag naroon ako. Masayang -masaya sila Mona at pinilit pa ako na ipagpaalam sila na magswimming sa bahay ni Paolo.
" you're the best Ate Yuna, ang laki talaga ng pool ni Uncle, buti nalang napapayag mo sya na mag swimming kami dito" sabi ni Mona ,kasama nya ang mga pinsang sila Margarette, Cassey ,Jade, Xander at Harry. Saka ang dalawang kaklase ni Mona .
" sus kahit naman ikaw ang magpaalam papayag yun. "
" i dont think so. "
Nasa pool kami nang makarinig kami ng tila nabasag na pigurin. Mabilis kaming pumasok sa loob at nakita namin ang nanginginig sa takot na si Jade, nakita ko ang pira- pirasong parts ng laruang barko na nakadisplay don. Wala akong alam sa mga antigong gamit pero alam kong hindi biro ang presyo non .
" God, thats from spain, what have you done Jade? Lagot tayo kay Uncle" si Margarette.
"Baka hindi na naman nya tayo papuntahin dito" si Harry.
" ate Yuna help me? " naiiyak na sabi ni Jade sa akin.
Medyo kinabahan din ako para sa bata. Napasulyap ako sa taas, anumang oras ay pwedeng bumaba si Paolo .bakit kase yon napakialaman ni Jade.
" bumalik na kayo sa pool, ako na magaayos nito" sabi ko.
Nagaalinlangan man ay mabilis na sumunod ang mga bata. Kinuha ko ang naghiwa-hiwalay na parts ng pigurin at inilagay sa isang plastic. Saka kinakabahang pumunta sa library kung saan naroon ang nobyo.
Marahan akong pumasok don at nakita ko syang nakatutok sa laptop na nasa table. Ngumiti sya nang makita ako. Nagaalangan akong pumasok at itinago ang kamay sa likod na hawak ang plastic na pinaglalagyan ng nasira ni Jade.
" naliligaw kaba? Nasa baba ang pool" sabi nito, naalala kong naka one piece nga pala ako dahil naki join ako sa mga bata sa swimming pool.
" may kasalanan ako sayo" sabi ko.
" as long as hindi yan tungkol sa ibang lalaki at wala kang nabasag na gamit dito sa bahay then i will forgive you" hindi nagaangat ng mukang sabi nito.
Napasimangot naman ako sa sinabi ni Paolo. Madalas kase akong nakakabasag ng gamit tulad ng baso at pinggan, kaya hindi na ako pinapatulong ni Lutchi sa kusina.
Marahan kong inabot sa kanya ang tangan. Nakayuko ako ng gawin yun.
"Ano to? "
" sorry... "I tried to look cute pero kinakabahan ako.
Lalo na ng itigil nya ang ginagawa at tingnan ang plastic.
" what have you done?, paano mo to napakialaman? "
"Nadulas ako kaya natabig ko yan" pagsisinungaling ko.
" are you kidding me? Nadulas ka at natabig to? " tumango naman ako.
" liar... " bigla itong tumayo at lumabas ng silid. Natakot naman ako nang maKitang papunta sya sa pool. Mabilis ko syang sinundan.
Kitang-kita ang takot sa mata ng mga bata lalo na si jade.
" sino ang nakialam nito? Sagot! " malakas na tanong ni Paolo.
" a-ako nga kase ,nadulas ako-----" isinara ko ang bibig nang tingnan nya ako ng masama. Saka ulit bumaling sa mga bata.
" Jade! " tawag ng lalaki. Namutla ang tinawag.
"Uncle, sorry.. Nagandahan lang naman ako e diko alam na fragile pala---"
" ano ang sabi ko sa inyo bago ko kayo payagan dito? "
"W-wag makikialam ng gamit " nanginginig na sabi ni Jade.
" and you broke that rule" tiningnan muna nito ng matiim si Jade bago umalis doon.
Napabuntong hininga ako sa kaba, di ko malaman kung susundan ang kasintahan o aaluin ang batang umiiyak na.
Masyadong metikulosa sa gamit si paolo.
Kinakabahan man ay sumunod ako sa kanya. Naabutan ko itong
Tinitingnan ang nasirang gamit.
" paano mo nalaman na si Jade ang nakasira? " tanong ko sa kanya.
" ikaw, bakit ka nagsinungaling na ikaw ang nakabasag? "
" eh kase naawa ako sa mga bata, takot na takot sayo, "
" kung marunong silang sumunod hindi ako magagalit sa kanila"
"Bakit nga alam mong si Jade ang nakabasag.? "
"Dahil bata palang sya gustong gusto na nyang pakialaman to. "
Lumapit sya sakin at hinapit ako sa baywang.
" dont you ever do that again" anito. " ang akuin ang kasalanan ng iba, lalo na ng mga pamangkin ko, kalalakhan lang nila ang magsinungaling, masasanay sila na may tumutulong sa kanila, i only teaching them to be responsible"
Tumango-tango ako ,ngayon naintindihan kona .
Isang umaga sinundo ako ni Paolo sa apartment sa cavite papunta sa bahay nya. Nagkataong wala kami laging pasok.
" masyadong revealing ang suot mo sweetheart" sabi nya ng makasakay ako ng kotse. Naka spaghetti strap ako at tattered short na maong na hanggang kalahati lang ng hita ko.
"Okey naman to ah" sabi ko.
" its not okey with me,alam kong makinis yang legs mo pero hindi mo kailangan ipangalandakan yan sa ibang tao lalo na sa mga lalaki" sabi nya sabay pisil sa naka exposed kong hita.ikinagulat ko ang kiliting naramdaman sa ginawing iyon ng lalaki.pinalis ko ang kamay nya sa hita ko.
" sa susunod na magsuot kapa ng ganitong kaikling short,ako na ang magpapalit sayo "
Namula naman ako sa sinabi ni Paolo, pero bakit parang na excite ako sa sinabi nya.
Shit ang landi ko.
Mula ng maging kami ni Paolo , nasanay ako sa halik nya , nagpapaubaya ako dahil alam kong nasa kanya ang kontrol, tumitigil sya pag alam nyang nadadarang na kami. Pero kakaiba ang sandaling yon. Masyadong malalim ang halik, mas mapusok. Naroon kami sa movie room sa bahay nya. Pero wala sa palabas ang atensyon namin kundi nasa isat-isa.
First time nyang pinababa ang labi sa leeg ko. Sobrang kiliti ang naramdaman ko nang pasadahan nya ng labi ang dekikanteng kurba ng leeg ko paakyat sa tenga ko na pinaka sensitibo sa lahat. Ang palad ni Paolo ay gumapang sa aking braso paakyat sa king punong dibdib. Nakakandong na pala ako sa kanya sa couch na naroon. Sa halip na mapaso ay alo ko pang inilapit ang katawan ko sa lalaki. Namilog ang mga mata ko ng maramdamang sapo na niya ang isa kong dibdib. Habang nasa leeg ko pa rin ang labi nya.
May parte sa utak ko ang naguutos sakin na pigilan si Paolo sa ginagawa pero tinututulan yon ng puso ko.
Muling umakyat sa bibig ko ang labi nya at doon muling nanaliksik. Naramdaman ko nalang na wala na akong suot na pangitaas at maging ang bra na suot ko ay tinanggal na rin ni Paolo.
Nakalalango ang sumunod na pangyayari. Di ko alam kung kaya ko pang magpigil sa mga oras na yon. Hindi ko yata kayang pigilan ang binatang sumisimsim na ngayon sa magkabila kong dibdib. Ramdam ko ang basa sa ibabang katawan ko. Papunta na doon ang kamay ng lalaki pero napigil yon ng pagtunog ng cellphone nya.
Tila kami natauhan sa tawag na yon. Humugot muna sya ng malalim na hininga bago tiningnan ang natawag. Ramdam kong na tense ang kasintahan ng makita ang screen ng cp.
" i need to take this call," paos ang tinig na paalam ni Paolo.
Tumango naman ako habang nakayakap ang dalawang braso sa hubad kong dibdib. Tinulungan pa nya akong ayusin ang sarili bago ako iwan.
Napapikit ako ng mariin nang lumabas ang nobyo. Ano bang nangyayari sakin? Handa ko naba talagang ibigay ang sarili kay Paolo, mahal kona ba sya? Halos matikman na nya ang lahat sa akin.
Sabi ko hindi sya ang mahal ko, naging kami lang dahil sa maling akala nya sa paguusap namin ni Jane pero ang pagpapaubaya ko ay pagpapatunay na may puwang na sya sa puso ko. Ang pagganti ko sa halik at yakap nya ay ginagawa lang ng babaeng nagmamahal.
Mahal kona ba sya?
" Nadilaan na yan tapos nagtatanong kapa kung mahal mo yun tao" buska ni Vanessa ng ikwento ko sa kanya ang nangyari. Hindi man detail pero hindi ako nagsikreto pa. naguguluhan kase ako.
" paano na yun, hindi na ako makakawala sa kanya ganon ba yun? "
" at balak mo pang kumawala nasarapan ka na nga" nakatawang sabi nito.
" seryoso ako Vanessa, ano ba"
Bumuntong hininga sya.
"Ang totoo nagaalala ako para sayo" sabi nito. Nagtaka naman ako sa kaibigan.
" b-bakit? "
" nagaalala ako na baka nga hindi mo mahal yun tao, kase kung sa tingin mo hindi mo sya Mahal... Baka kailangan mo na syang layuan! "
Kumunot ang noo ko sa narinig. Bakit pabago -bago ng sinasabi ang babaeng to.
"Bestie sa ginagawa mo kase binibigyan mo sya ng pagasa na kanya kana, paano kung si tristan pa rin ang nandyan? Anong mangyayari? Hindi birong tao si Paolo, mayaman yon..baka di kana makawala "
Ilang araw kong pinagisipan ang sinabi ni Vanessa. Tama sya.. Hindi ko dapat paasahin si Paolo, ilang beses kong tinangka na kausapin sya pero nahahadlangan yon. Hanggang lumipas ang mga araw na kinasanayan kona ang sitwasyon na min. Naramdaman ko nalang na mahal kona ang nobyo.