Chapter - 13

1899 Words
.... Yuna's POV.... . Pagkatapos ng nangyari sa movie room ay iniwasan kong mapunta muli don ang sitwasyon. Agad kong pinipigilan si Paolo kapag nalalim ang halik nya. Though i admit na sobrang hirap gawin yun lalo nat gusto ko rin naman. Matakaw pa naman sa halik ang binata. Walang nabago sa relasyon namin,  pero malaki ang nabago sa feelings ko.. Mahal kona si Paolo, although mahal ko pa rin si Tristan, hindi ko alam kung kelan ko mabibigay ng buo ang pagmamahal ko sa boyfriend. " ano to? " tanong ko nang may iabot sya saking itim na card " you can use my card, bilhin mo lahat ng kailangan mo" sabi nya. Napatingin ako sa iniabot nya. " ano naman bibilhin ko?  " tanong ko sa kanya kahit ang totoo ay nakapila na agad sa utak ko ang mga bag at damit na gusto kong bilhin. "Anything. I can give you everything Yuna, just to make you happy,, mag shopping ka ng mga gusto mo, magiging busy ako sa mga susunod na araw. Baka madalang tayong magkita. " Ayun naman pala, suhol naman pala yun. Ikinainis ko ang mga sumunod na araw. Totoo nga ang sinabi ng lalaki na busy sya dahil halos isang buwan na kaming di nagkikita. Pag pumupunta naman ako sa bahay nya ay hating gabi na sya nakakauwi at maagang naalis. Hindi ko napaghandaan yon. Nakalimutan kong maraming work ang nobyo at busy din to sa kompanya nya. Nasanay akong lagi kaming magkasama, na nakalaan ang oras nya sakin. Oo nga at lagi kaming magkausap sa VC or chat pero iba pa rin sa personal. My God, in love na talaga ako sa kanya Dati hindi ko pa to naramdaman kay Tristan, yun parang mababaliw pag hindi nakikita ang lalaki. Parang gusto kong ihagis lahat ng bagay na naroon sa kwarto ko. " are you freak?,  nagpaalam naman sya sayo na busy sya sa work ah" sabi ni Vanessa. Isinama ko sya sa sm dasma para lustayin ang pera ng lalaking yon. Naiinis kase ako kay Paolo. Madalang na nga kaming magkita pati chat nya dumalang na rin. Minsan nakakatulugan pa nya ako sa telepono. " mamili sya, ako o yan trabaho nya? " sabi ko, nasa department store kami at natingin ng mga damit. "Naks, ganda mo te, anong klaseng pamimili yon, hoy wag ka ngang isip bata" sabi ng kaibigan pero sinimangutan ko lang sya. " ngayon hindi na ako matatakot para sayo kase confirm na, in love kana talaga sa kanya. " Kumuha ako ng kumuha ng gusto ko at inilagay sa basket. Naiinis pa rin ako. Ang hirap palang main love lalo na pag magkalayo kayo. " bestie, ang dami nitong dala natin, sigurado kaba na may laman yan card na yan? "Bulong ni Vanessa. Napatingin ako sa hawak na card. Nakapila na kase kami sa counter. Ngayon ko lang gagamitin ang card na bigay ng nobyo. Ginamit ko para mawala ang inis ko sa kanya. " siguro naman meron no, bakit naman ako lolokohin non" "Naniniguro lang, daming tao no, ayokong mapahiya. " Yun lang kase ang dala ko, wala kaming pera dahil mababa ang sahod namin, lagi kase kaming no work. Nakahinga kami ng maluwag ng nakangiting ibinalik samin ng cashier ang card nagulat pa ako sa total ng pinamili namin. 15k plus na yun? " sarap ng may mayamang boyfriend no? " tukso ni Vanessa sakin. "Tara na kumain, " Paolo's PoV.... Isang message ang narecieve ko. Nakita ko ang perang nagastos ni Yuna sa araw na yun, napangiti ako. .... Miss na miss kona ang kasintahan ,kung pwede lang na puntahan ko sya sa cavite, ginawa ko na, kaya lang sobrang dami ng ginagawa ko. Sumabay pa ang eco bar, kaya wala akong panahon na makita ang minamahal. Kahit alam kong nagdaramdam na ito sakin. Isang tawag ang nakapagpawala sa ngiti ko. " hello" "Uncle" " i told you na wag kana munang tumawag sakin diba? " "Kukumustahin ko lang sana si ----" " i was so busy right now, i'll call later" agad kong pinutol ang tawag na yon. Alam kong darating ang araw na pagbabayaran ko ang mga nagawa kong kasalanan pero handa ako don.. Basta masiguro ko lang na akin na si Yuna ng buong - buo pag nangyari yon. Dahil hindi ko sya isusuko kahit kanino. Tumunog na muli ang cellphone ko at isang text messages ang galing sa babaeng minamahal. BREAK NA TAYO! BYE!!!! What?  Pagkatapos lustayin ang pera ko ay makikipag -break ? Yuna's POV....... Tatlong araw na ang lumipas halos maluka na ako sa apartment, magisa lang ako don dahil ako lang ang walang pasok, sa sobrang inis ko kay Paolo ay tinext ko sya na break na kami, paano naman diko na kaya ang ganitong sitwasyon na madalang kaming magkita at magkausap. Inaasahan kong pupunta dito ang lalaki once na mabasa iyon kaya ngiting tagumpay ako nang dumating nga sya bandang tanghali. " Sweetheart anong ibig sabihin ng text na yon? Nakikipag break kana sakin? "  tanong agad ng lalaki. Nakasuot pa ito ng office suit, mukhang galing pa ito sa trabaho. " oo, mag break na tayo tutal wala ka namang panahon sakin. Don ka nalang sa trabaho mo" ismid ko sa kanya. Lumapit sya sakin at niyakap ako, pinigilan ko ang sariling gantihan yun dahil sobrang nami-miss ko na ang lalaki. " please try to understand sweetheart, may problema lang sa trabaho ko, pero pagkatapos non babawi ako sayo.. Kahit saan mo gustong pumunta" Kumawala ako sa kanya. " hindi ko kailangan mamasyal kung saan saan, hindi ko kailangan mag shopping, ang gusto ko kasama kita lage! " madiing sabi ko. Isang malawak pero pagod na ngiti ang sumilay sa labi ni Paolo, hinawakan nya ang kamay ko at dinala sa labi nya. " miss na miss mo na ako no, " "What?  Excuse me! " tanggi ko, naiinis ako sa sinabi nya.. " kakasabi mo lang eh," hinapit nya ako sa bewang at idinikit sa katawan nya. " marry me, " Nabigla ako sa sunod na sabi nya. Hindi ko inaasahan na aalukin nya ako non. " kasal? Agad -agad? " " para lagi na tayong magkasama, twing uuwi ako naroon ka sa bahay, hindi mo ako masyadong mami-miss" ngiti la nya. " hindi pa ako handang magpakasal no, marami pa akong gustong gawin " Medyo tempted ang alok na yon ng lalaki. " okey, hihintayin ko ang time na ready kana but dont you ever break up with me, don't be a childish.. Alam mong may trabaho tayong pareho, dalawa lang ang pagpipilian mo para hindi mo ako ma-miss ,magpakasal ka sakin o magresign ka sa trabaho mo and live with me. you are mine Yuna, only mine" mariing sabi nito, may possesiveness sa tinig nyang yun pero masarap sa pandinig ko. Kasal?  Resign?  Wala sa dalawa ang plano ko. Kailangan ko ng trabaho para sa pamilya ko, kahit mayaman sya ay hindi ko gustong iasa ang responsibilidad ko sa pamilya sa kanya. Kaya pagkatapos non, hindi parin kami madalas magkita, busy pa rin sya ,kahit magkaharap kami sa video call ay hindi din naman nya ako nakakausap. Naiinis na naman ako. Pero wala akong magawa. Tulad ng sabi nya dalawa lang ang pwede kong gawin, magpakasal o tumira na ng tuluyan sa bahay nya. " malala kana insan" sabi sakin ng pinsang si Lovely. Napansin siguro nyang aburido ako sa apartment. " naiinis kase ako sa Paolo na yon, nakalimutan na yatang may gf sya dito hmmmp" inis kong sabi. "Basta mangako ka sakin na kahit anong problema mo,... Wag na wag kang magba-bangs" buska nito. Akala ko naman ay concern ang bruha, anong bangs?  No way, hindi ako fans ni Dora no. Nang hindi kona matiis ang pagka-miss ko sa lalaki ay pumunta na ako sa bahay nito. Naabutan ko ang mga maid na busy sa paglilinis, hihintayin ko nalang ang paguwi ni Paolo at least makikita ko sya kahit sa gabi manlang. My God, nababaliw naba ako sa lalaking yon?  Kelan pa to nagsimula? Tsk! Para di mainip ay naisip kong magbasa-basa ng libro sa office-library nya. Nakita kong makalat ang silid.,  madaming papel na nakahampalang sa mesa. Linisin ko nalang kaya to?  Napangiti ako sa naisip at saka inayos ang table ng kasintahan.itinapon ko na rin ang maliit na basurahan sa office na yon. Dahil sa pagod ay inantok ako kaya natulog muna ako sa kwarto ni Paolo. Wala akong kamalay-malay na dumating na pala ang binata bandang alas sais, agad itong dumeretso sa office nito na magmamadali. Paolo's POV... Pagod ako sa maghapong trabaho ng araw na yon, pero kailangan ko pa rin tapusin ang naiwan kong papeles sa opisina sa bahay. Mainit pa naman ang ulo ko dahil sa sunod sunod na kapalpakan ng mga empleyado. Mabuti nalang at naayos. Pagdating ko sa bahay ay agad akong dumeretso sa opisina.,nagtaka pa ako nang makitang malinis ang iniwan kong kalat sa table. Sino ang naglinis don?  Walang maid ang basta napasok don para maglinis nang hindi ko iniuutos, at wala akong natatandaan na inutusan ko ang isa sa kanila na linisin yon. Lumawak ang kunot ng noo ko paglapit sa table, bigla akong kinabahan ng di makita ang isang blue print na iniwan ko lang don. Pati ang contract ng isang customer namin ay nawawala. What the hell? Nag-alimpuyo ang galit sa dibdib ko , pinaka ayoko sa lahat ang may nakikialam sa gamit ko lalo na sa trabaho ko. Galit na galit akong lumabas ng silid at tinawag si Lutchi. "Lutchi! " "Sir? " lumapit naman ito. " sino'ng pumasok sa office ko?  Bakit nawawala ang mga papeles sa table. Hindi ba kabilin-bilinan ko walang papasok don ng di ko sinasabi? " sunod-sunod na tanong ko sa namutlang katulong.. " hindi ko po alam, hindi ako napasok don" tanggi nito. " tawagin mo nga ang mga kasama mo, dali! " sigaw ko. Bakas ang takot sa mga katulong ng lumapit sa akin. Pero lahat sila ay di daw pumapasok sa office ko. " kung wala sa inyo, sino? " muling sigaw ko. " sir hindi kami napasok don dahil kabilin-bilinan nyo na wag papasok don " " Sir,  baka po si Ms. Yuna.. Nakita ko kase na may dala syang mga basura sa likod, hindi ko po alam kung saan galing" nanginginig na paliwanag ng isa. " Yuna? Nandito sya? " "Opo sir, kanina pa sya nandito, nanghingi pa nga po sya sakin ng basahan, may lilinisin daw sya, hindi ko naman po alam na papakialaman nya ang office nyo. " sabi naman ng isa. So, my spoiled girlfriend again? Bukod sa magbasag ng mga gamit sa bahay, hindi ko akalain na maiisip nyang maglinis ng silid at pakialaman ang mahahalagang papeles don. " sir ito po ba ang hinahanap nyo? " si Lutchie, humahangos ito dala ang mga basurang papel na nilamukos , Napabuntong hininga ako.... Mabilis kong tiningnan ang mga papel isa-isa. Matapos niyon ay pumasok ako ng kwarto ko, and there she is... Sa gitna ng kama ko at mahimbing na natutulog na tila fetus .. Walang kamalay-malay na muntik na nyang itapon ang 3.5 million pesos ng kompanya ko... Buti nalang at nagusot lang yon. Naupo ako sa gilid at kama at hinaplos ang makinis na pisngi ng pinakamamahal na babae. Kung alam lang nito na sobrang miss na miss kona sya. Kung pwede nga lang na doon na itira ang dalaga sa bahay ko para lagi kaming magkasama.. Hayssss... 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD