Chapter - 14

1503 Words
........ Yuna's POV... Naalimpungatan ako mula sa mahimbing na pagtulog dahil sa haplos ni Paolo. Naaalala kong nasa bahay nga pala ako ng nobyo, nakita ko syang nakaupo sa gilid ng kama habang seryosong nakatitig sakin. " kanina ka pa? " balikwas ko. Niyakap ko ang sarili dahil parang nilamig ako sa aircon ng silid, nakalimutan kong mag kumot kanina nang mahiga ako. " kadarating ko lang, " sabi nito .hinalikan nya ako sa pisngi na ikinapikit ng mata ko. " hindi mo na ako dinadalaw, sobrang busy ka kaya pumunta nalang ako dito " i pout my lips , " im sorry, marami lang talagang problema ngayon, " aniya. "Hmmf, parang gusto ko na ngang makipag break talaga sayo eh, " pagsisinungaling ko na ikinakunot naman ng noo niya. " you can't do that,remember?" " eh kase parang wala rin naman akong bf, mabuti pa noon kay Tristan alam ko kung-----" napatakip ako ng kamay sa bibig nang masabi yun. Nakita kong nagdilim ang mukha ni Paolo pero saglit lang yun. " j-jowk lang! " bawi ko. Humugot sya ng malalim na hininga bago tumayo. " do you miss him? " malamig na tanong nito. "H-ha? " kinabahan ako sa tanong na yun. " si Tristan, nami-miss mo pa ba sya? " Nami-miss ko pa nga ba si Tristan?.. Oo siguro pero hindi na tulad ng dati, nami-miss ko nalang ang mga alaala namin na magkasama sa mga lakaran. He is my bestfriend kaya natural lang naman siguro yun. Pero nanatili akong nakatingala sa nobyo at nangangapa ng isasagot. " it's okey,  i understand, kalimutan mo nang may sinabi ako, i'll take a shower" malungkot na sabi nito. Hindi ko kayang makita ang lungkot sa mukha ng kasintahan kaya tumayo ako sa kama at niyakap sya mula sa likuran. Ilang saglit kami sa ganoong posisyon bago nya tinapik ang kamay ko na tila sinasabing nauunawaan nya, " i'll take a shower" mahinang sabi nito bago kumalas sa yakap ko. Look what you've done, Yuna.. Bakit di ko sinabi na mahal ko na sya, as in mahal na mahal,.. Nasaktan ko tuloy sya. Ilang araw ako sa mansyon ni Paolo kasama ito, kontento naman ako kahit araw-araw syang wala at nasa trabaho basta pagdating ng gabi kasama ko sya. Minsan pareho kaming nasa office sa bahay nya habang nagtatrabaho sya ako naman ay nagbabasa o kaya kumakain ng tsitsirya. Madalas akong antukin kahihintay sa kanya na matapos sa ginagawa. Binubuhat nalang nya ako papunta sa kwarto . Tuwing nasa trabaho naman sya ay laging napunta si Mona at Cassey sa bahay, nagluluto kami ng kung ano ano. Nagaral kaming mag bake ng cookies. Yun nga lang lagi kaming nakakasira ng gamit. Tinatawanan nalang namin ang mga sunog na cookies. Gusto ko sanang ipagluto ng masarap si Paolo pero wala akong alam na putahe, kaya naisip kong bumili ng cook book. At pinagaralang lutuin ang paborito nyang kaldereta. Pero wala talaga akong talent sa kusina, " Lutchi, baka magka sakit sa bato ang Sir mo pag kinain yan, " bigong sabi ko, nakita ko ang pigil na ngiti ng katulong, " aayusin ko nalang Maam, pwede pa tong ayusin" sabi nito, nagliwanag naman ang mukha ko. Nang dumating si Paolo ay agad ko syang hinainan ng niluto namin. " ikaw ang nagluto nito? " nakangiting tanong nito habang maganang kumakain. Tangong -tango naman ako sabay kindat kay Lutchie. " good, next week darating sila Mama at papa, gusto ko ipagluto mo sila nito.. " sabi nang lalaki na ikina-nganga ko. Shit!, Kailangan ko talagang pagaralan ang kaldereta. Sa sumunod na sabado na wala akong pasok ay sa laguna muna ako umuwi, kailangan kong magpaturo ng pagluluto sa nanay ko dahil sa myerkules darating na ang magulang ni Paolo. " Nay, bakit kase di mo ako tinuruang magluto non, nahihirapan tuloy ako ngayon" nakasimangot na sabi ko na ikinatawa ng tatay ko, " ako pa ang may kasalanan?, batang to talaga" iiling -iling na sabi nya. " kase anak ang gusto talaga ng nanay mo mag artista ka kaya di ka nya pinapagawa sa bahay para di masira ang balat mo! " sabat naman ng tatay. "Artista?  " "Oo, aba eh muka kang manika nung bata ka, ang daming kumukuha sayo na mga agencies" sabi ni nanay. " talaga ba?  Eh wala yata akong nababalitaang may comercial ako kahit isa" sabi ko. " eh kase lagi kang umiiyak pag magsho-shoot na kaya hindi rin nagkaigi, takot ka sa camera, nung high school naman eh puro aral kana" Totoo ba yon?  Aba kung di pala ako nag-inarte non baka sikat na artista na ako ngayon. Hihihi " mayaman ang nobyo mo anak, mahirap lang tayo.. Wala kang maipagmamalaki sa kanila kundi ang kalinisan mo bilang babae, alam mo sana yon. " Tumango-tango ako bilang pagsangayon. Araw ng myerkules, naroon lahat ng pamilya ni Paolo sa mansyon dahil sa pagbisita ng mga magulang nito. Personal ko rin nakilala ang mga ito at panay ang puri sakin .napaka ganda ko raw,.. At buti nalang naluto ko ng maayos ang kaldereta sa tulong ulit ni Lutchi.Masaya ang hapunan ng lahat... " Yuna natutuwa talaga kami nang malaman na may girlfriend na ang bunso namin, akala ko wala syang balak mag-nobya eh" nakangiting kwento ng mama nya na si tita Mercy. Nasa late 60 na ito. Ngumiti naman ako sa ginang, naramdaman kong pinisil ni Paolo ang kamay ko na nakapatong sa hita ko sa ilalim ng mesa. "Tama, matagal na naming kinukulit yang si Paolo na magasawa na aba hindi na sya bata, nagkaka edad na sya" Napangiti ang mga kapatid ng lalaki sa sinabi ng ama ng mga ito. " kelan nyo ba balak magpakasal? Nasa edad na naman kayo pareho" sabi pa nito na ikinabigla ko. Napatingin ako sa katabing nobyo. Nakangiti nman ito sa mga taong naroon. " ikaw talaga George, kasal agad ang sinasabi mo binibigla mo si Yuna" saway naman dito ng ginang.. " pero tama ang Papa nyo. Paolo succesful kana sa buhay, pwede mo nang pakasalan si Yuna" Tila ako pinagpawisan ng malapot sa topic na yun. Pinisil ko ang kamay ng lalaki na nakahawak sakin. " abay ako, " masayang sabi ni Mona. " ako din" si Jade. " lahat kayo abay ," nakiki ngiting sabi ni Ate Mylene. Tila naman hinihintay ng lahat ang isasagot naming dalawa. " dont worry, nasa plano na namin ang kasal, pero sa ngayon ini-enjoy muna namin ang relasyon namin,24 palang si Yuna ,hindi pa sya pasok sa legal age ng pagaasawa.." Nakahinga ako ng maluwag ng magsalita si Paolo. " pag nag 25 years old kana hija pwede mo nang pakasalan ang anak namin... "Si tito George. "Sya nga pala hanggang kailan ba sa canada si Tristan? " Natigilan ako sa tanong ni Tita Mercy pero hindi ako nagpahalata lalo na at nakikita ko sa gilid ng mata na nakamasid sakin si Margarette. Tila naman naging un-easy si Paolo sa tabi ko. " matagal pa po sya don mama" si tita Lolita ang sumagot. " ganon ba?, nalulungkot lang ako at kung kelan uuwi na si Juaquin for good eh saka naman pumunta sa ibang bansa ang anak mo" Uuwi na pala ang papa ni Tristan " hindi ko rin po alam mama na may balak mag masteral ang batang yun, sila lang po ni Paolo ang magkausap sa bagay na yun eh" Napatingin naman ako sa lalaki, tila bigla itong nalito . "sya nalang kausapin nyo sa bagay na yan, " tanging nsabi nito. Marami sana akong gustong itanong pero pinili kong manahimik nalang. Ayokong malungkot na naman ang nobyo pag binanggit ko ang pamangkin nya. Ilang araw pa ang lumipas, pang gabi kami nila Vanessa sa A&A. Namomroblema kami dahil tila mahina na ang kompanyang pinapasukan, lagi na kming walang over time at madalas wlang pasok. " baka mag-apply nalang ako sa iba" sabi ni Criselda, nasa Restroom kaming tatlo non. " apply agad, ngayon lang naman daw yan paghina natin, " sabi ko. " naku tatlong bwan na kaya tong mahina, tatlo ang pinapagaral ko no, kulang pa sa sarili ko ang sahod dito" " oo nga eh, ako din nga " sabi ni Vanessa. Sabagay lahat kaming tatlo ay mga bread winner ng pamilya. Maging ako ay tatlo ang sinosoportahan, next year ay dalawa na ang magko kolehiyo sa mga kapatid ko. Mabuti nalang at tinutulungan ako ni Paolo sa pinansyal. "Maiba lang ako mga friend, alam nyo ba ang balita? May mayamang  manliligaw daw si Jane na taga manila din" Natigilan ako sa binalita ni Criselda. "Talaga? Sila pa kaya ni sir Tristan? " " ewan ko lang, wala naman silang contact na ,". Napaisip ako sa sinabi ng kaibigan. Sino kaya ang mayamang manliligaw ni Jane.? Mas lalo pang sumaya at tumibay ang relasyon namin ni Paolo. Nung mag birthday sya ay nagpunta kami sa Vigan ilocos, kami lang dalawa,masayang masaya ako kasama ang binata. 30 years old na sya. Nung birthday ko naman ay sa el nido kami nag travel. Kontento na ako sa gumaganda namin g pagsasama. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD