Yuna's POV......
SINO KAYA YON?
Palingon- lingon ako sa lalaking nakabangga ko habang nilalakad ang daan papuntang swimming pool. Nakita kong nakatayo pa rin sa dulo ng hagdan ang lalaki at waring nakatingin sa kin.ang tangkad ng anino nito .nasa 5'11 siguro kaya pala nagmukha akong unano kanina katabi sya,halos magkasing tangkad sila ni Tristan, mas maganda lang ang katawan nito. Diko na sya pinansin at mabilis na narating ang pupuntahan.
Pero nahinto ang paa ko sa paglapit sa lugar na yon ng makarinig ng tila naghaharutang mga tinig. Kilala ko ang tinig ng lalaki. Kay Tristan yon. Kinakabahan man ay nagawa ko paring sumilip sa swimming pool para makita kung sino ang kasama nya.
And there she is..... Jane with a two piece swimsuit, napaka sexy pala ng babae. Nakaupo silang magkatabi sa gilid ng pool. Patalikod sa gawi ko kaya di nila ako nakikita. Ang malapad na likod lang ni Tristan ang nakikita ko. Masayang naghaharutan ang dalawa.
Kelan pa sila naging close?
Bakit ganoon? Diba ako ang ka-close ni Tristan? So dapat ako ang naroon kasama nya. Bakit di ako ang inakit nyang mag swimming? Diba kaming dalawa ang laging magkasama. Pero bakit pakiramdam ko may magiiba na.
Akala ko yun na ang pinakamasakit, ang makita kong masaya silang naguusap na dalawa. Pero napuno ng luha ang mga mata ko ng makitang naglapat ang mga labi nila. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko.
Walang ingay akong umalis sa lugar na yon. Umiiyak akong nagtatakbo pabalik sa taas ng kwarto. Diko na pinansin ang lalaking nakabangga ko kanina na di pa pala umaalis sa pwesto nya sa tabi ng hagdan. Alam kong naaninag nya ang luha ko mula sa liwanag na nanggagaling sa kusina ng bahay. Pero di ko sya pinansin. Ang tanging nasa isip ko ay ang nasaksihan sa pool at ang sakit na nararamdaman ng puso ko ng mga sandaling yon.
Kinabukasan, matamlay ang pakiramdam ko ng mag-byahe kami pabalik ng cavite. Ako lang siguro ang nakapansin na close na close sila Jane at Tristan. Parang gusto kong umiyak habang nakatingin s kanila pero nakita kong nakatingin sakin si Vanessa. Iniwasan ko nalang na mapasulyap sa kanila.
Pagkadating ng boarding house ay doon ako umiyak ng umiyak. Mabuti nalang at solo ako sa bahay. Malaya kong iniluha ang sakit...
Tristan bakit???
Sa company ay kapansin pansin ang panglalata ko. Parang wala akong ganang magtrabaho. Nagkataon pa na di namin ka shift si Jane, Norman at Tristan. Panggabi sila.
" may nahahalata ako sa Jane na yon". Si Criselda. Nasa may vendo machine kami non.
" ako din". Sangayon ni Vanessa.
" para kasing mula ng pumunta tayo kina Sir Tristan eh di na nya nilubayan yun tao, porket nalaman nyang anak mayaman hahahah" inis na sabi ni Criselda.
" may pagka gold digger daw yun sabi ng operator nya" sabi ni Vanessa.
" nakipag-break daw si Jane sa Bf nya, baka dahil kay Sir Tristan" si Criselda.
Tahimik lang ako sa dalawang naguusap.
" ang tanong seseryosohin ba sya ni Tristan? ". Si Lenard.
" di naman playboy si Sir Tristan ah" si Vanessa.
" oo nga di sya playboy, pero alam naman natin na si Yuna ang pinaka malapit sa kanya. Akala nga namin liligawan kana nya, bigla lang umeksena si Jane. " paliwanag ni Jun.
" maharot din pala ang pinsang yon ni Norman. Hmmmp"
Oras ng uwian ,nagmeryenda muna kami ni Vanessa sa canteen bago umuwi.
" sila Jane at Tristan ba ang dahilan ng pananamlay mo? " tanong ni Vanessa sakin,hindi ako nakakibo .
" ha, bakit mo naman naisip yan? " deny ko.
" sus wag kanang tumanggi. Alam kong magkasama silang nag-swimming ng gabing yon ni Tristan. "
Napatingin ako sa kaibigan. Alam pala nya. Lasing na lasing ako non kaya di ko alam ang nangyari.
" ikaw kase ang dapat aakiting magswimming ni Tristan, kaya lang plakda kana sa higaan, antok na rin kami ni Criselda kaya itong si Jane ang sumama. "
Sukat sa narinig ay di kona napigilan ang luhang pumatak sa mata ko ng maalala ang nakita ko ng gabing yon.
" hoy bakit ka naiyak? "
Wala akong choice kundi ikwento sa kanya ang lahat.
" what? May gusto ka kay Sir Tristan? Akala ko friends lang kayo" reaksyon ni Vanesa
" para sa kanya siguro, pero mahal ko sya. "Saad ko. Pinahid ang luhang tumulo sa pisngi.
" bestie..... Paano ngayon yan? Naka first move na pala ang Jane na yan.. Grabe di ako makapaniwala. "
" bestie anong gagawin ko, ang sakit - sakit talaga"
Ilang segundong nagisip si Vanessa bago ito nagsalita.
" dont worry bestie, sabi nga ni Jun ikaw ang pinaka close ni Sir Tristan, malay mo wala talaga syang balak siryosohin si Jane, "
" pano kung meron? "
" e di akitin mo si Sir"
"Ano? "
" pag may gusto may paraan bestie, wag kang patalo sa Jane na yan okey..."
Hayzzz kaya ko kaya yon?
Iniisip ko pa rin ang pinagusapan namin ni Vanessa hanggang sa paggo-grocery ko, lutang tuloy ako kaya kung ano ano lang ang nabili ko at yun mga basic needs ko eh hindi ko nabili. Kase naman sa dami ng ipapayo ni bestie bakit yun pa. Ang akitin si Tristan? No way.... Dalagang pilipina ako no. Ano nalang ang sasabihin ng pamilya ko pag nalaman yon? Kakahiya....
Erase, erase, erase...
Hmmmm pero pwede naman in a different way...
Nagisip ako ng gagawin, kailangan kolang gisingin ang puso ng Tristan na yon, kailangan kong ipaalala sa kanya na ako ang para sa kanya. Na ako ang laging nandyan ,..next week ka-shift kona si Tristan, kailangan kona talagang kumilos...
Madali akong nagbayad ng pinamili sa cashier at mabilis na umalis ng department store.
Sakto namang pagkauwi ko sa boarding house naroon at naghihintay sakin ang lalaki. Kausap ng pinsan kong si Lovely.
Agad umalis ang pinsan pagkadating ko.
" musta kana, di tayo magka shift kaya na-miss kita. " nakangiting sabi ni Tristan. Nakita kong may dala itong donut na alam nyang paborito ko.
Na-miss mong lelang mo. If i know lagi kayong magkasama ni Jane. Hmmmf ayan ka na naman sa mga pa-sweet mo, pag naman nahulog na ako di mo naman ako sasaluhin.
Gusto ko sanang sabihin yon sa lalaki pero di ko mahanap ang lakas ng loob ko.
" okey lang naman ako, " naupo ako sa tabi nya. Inakbayan ako ng lalaki.
" i just want to ask you, may problema kaba? "
" ha? W-wala, wala naman"
" para kasing di mona ako masyadong tsina-chat, dati inaabot tayo ng madaling araw kaka VC pero ngayon di mona sinasagot ang tawag ko. " medyo malungkot ang boses niya ng sabihin yon. Nalungkot din naman ako, kaya lang di naman nya kase alam ang dahilan ko eh. Manhid kase sya.
" naisip ko kase na baka busy ka kaya di kita inaabala". Baka kase busy ka sa Jane na yun.
" alam mong lage akong may time sayo Yuna.. Please dont change, " sabi nya sabay hawak sa kamay ko.
Nag-rigodon na naman ang puso ko sa ginawi nya. Lalo na nang mamasdan ko ang gwapo nyang mukha. Sa ayos naming yon na akbay nya ako at hawak ng isa nyang kamay ang kamay ko, pra kaming magkasintahan.
" please Yuna, ayoko na may mabago sa tin, hindi ko kaya" dagdag pa ni Tristan nang di ako sumagot.
At dahil nagmamahal ako kahit lihim, hindi ko kayang makita na malungkot sya. Kaya ginantihan ko ng pisil ang hawak nya sa kamay ko.
" wala naman magbabago, promise! " sabi ko. Nakataas pa ang isang kamay.
" promise yan ha. " nakangiti Ng sabi ni Tristan.
Ang gwapo talaga ng lalaki, kahit mas matanda ako ng 3 years dito diko napigilan na mahulog ang loob sa kanya. Napaka sweet kase nya at mabait. Palagi nya akong napapasaya.
"Ahm Tristan pwedeng magtanong"sumandal ako sa malapad nyang balikat.
Nagaalangang sabi ko. Hindi kase ako matatahimik hanggat di nalilinawan ang mga bagay bagay .tulad ng tungkol sa kanila ni Jane.
"Ano yon? "Masuyong tanong ng lalaki.
" ahmm, m-may napapansin kase ako, actualy kami pala.. "
" ano? "
" p-para kaseng masyado kayong malapit ni Jane ,i just------"
He stop me by patting my head. Ginulo-gulo nya ang buhok ko sa tuktok ng ulo na nakasandig sa kanya.
" w-what, just want to--" pilit akong kumawala sa kamay nya.
" in time Yuna okey, masasagot ko din yan, but not this time... Masyado pang komplikado. " he said.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman sa sagot ni Tristan. Matutuwa ba ako o kakabahan ?