Chapter - 04

1993 Words
Yuna's POV.... Lumipas ang isang linggo,magkagaya na kami ng shift ni Tristan,  inspirado na naman akong pumasok sa work. Nakalimutan ko pansamantala ang mga nangyari.. Nang magpunta ako sa rest room sakto naman na naroon din si Jane .ka shift nga din pala namin ito.. Nginitian ko sya kahit pangiwi. Naaalala ko kase ang paghalik nya kay Tristan sa pool twing titingnan ko ang mukha ng bababeng to. "Hi! ". Bati ni Jane. "Hello" " hindi nakapasok si Tristan ngayon, pinatawag kase sya ng uncle nya, may importante daw na paguusapan". Sabi nito habang naglalagay ng pulbos sa mukha. Sanay na kaming laging naka make up si Jane sa company. First bakit Tristan lang ang tawag nya kay Tristan?  E diba dapat with SIR kase nasa company premises kami?  At bakit alam nya na absent ang lalaki? Bakit di nagpaalam sakin si Tristan, diba dapat ako ang unang makakaalam non. Ngayon si Jane na ? " a-ah ganon ba? " sabi ko nalang. Di ako nagpahalatang upset sa nalaman. Nagpanggap akong iihi para makalayo sa kanya kahit di naman ako naiihi. Para kasing ayokong makita ang pagmumuka ni Jane. Pero tila nananadya ang babae,paglabas ko ay naroon pa rin sa tapat ng salamin si Jane at tila hinihintay ako. "U-una na ako," paalam ko sa kanya.pero nakakailang hakbang palang ako ay.... " nakita mo kami diba?" She said. Na ikinalingon ko,kunot-noo ko syang tiningnan. " alam kong nakita mo kami ni Tristan nung gabi ng party sa pool" Parang natuyo ang lalamunan ko sa literal na pagkakasabi ni Jane niyon.at muling nanumbalik ang alaala sakin.ang kissing scene ng dalawa. " a-anong nakita? Lasing ako non ,diko alam kung anong sinasabi mo!". Pagsisinungaling ko . Nagsimulang maglagay ng lip gloss ang babae.bago humarap muli  sa akin. " hindi ganyang Yuna ang kilala ko, ang Yuna na kilala ko palaban, diba nga lahat nakukuha mo? Kahit sinong lalaki ...isang pitik lang magkakandarapa na sayo? Remember?". Sabi ni Jane. Nagsimulang mag sink in sakin ang laman ng salita ng babae.ang alam ko kaibigan ko na rin to eh ,one year ago ng magapply to sa A&A at ipakilalang pinsan ni norman, mula non ay naging kabarkada narin namin ang babae.. bakit parang sa pagsasalita nya ,may gusto syang mangyari,pwes di ko sya uurungan. " sinabi ko ba yon? " may konting halakhak na sabi ko.tumaas ang kilay nya.. " yes,diba nga nagparamihan pa kayo ng manliligaw ni Vanessa,and you won,kase iba kang dumiskarte" " what do you mean?" May talim na ang tinig ko. " nothing,naalala ko lang.." Aniya " kung wala ka ng sasabihin una na ako" " okey......wait" Muli na naman nya akong tinawag ,konti nalang papatulan kona tong babaeng to.inis na humarap ako sa kanya. "I know you like Tristan, but he likes m, kung ano man ang meron kayo, hanggang don nalang yon" sabi ni Jane. "Lahat ng lalaki pwede mong makuha ,but not Tristan Villanueva.....mark my words!" Yun ang sinabi ni Jane bago nya ako iniwan don na tulala ,.. "Sinabi nya yon?" Namimilog ang matang di makapaniwalang sabi ni Vanessa ng ikwento ko sa kanya ang paguusap namin ni Jane. " oo,hindi ko lang maintindihan bakit parang may galit sakin ang babaeng yon? As far as i know were all friends diba, " nagtatakang sabi ko. " yan din sana ang sasabihin ko bestie, may nakaraan ba kayo ng Jane na yan at parang hate ka nya. " " wala naman,  pinsan sya ni Norman no,nakilala ko lang sya nung nagwork na sya dito. " Saglit na nagisip ang kaibigan. " hays pano ngayon yan, mukang disidido syang agawin si sir Tristan sayo? " " i need to do something" "Korek, wag kang patalo don,, remember 2nd runner up lang sya sa Ms, A&A pageant,  ikaw ang reyna... Laban lang bestie" Napatawa ako sa sinabi ng kaibigan, naalala ko kase yun time na nakalaban ko si Jane sa pageant last year, taon-taon kase ginaganap yon. Naalala kong halos talop ang katawan ng babae pero ako pa rin ang nanalo, kahit kung tutuusin mas pang beauty queen ang height nya kase maliit lang naman ako samantalang 5'6 sya. Tristan's POV...... Maaga pa ay nagpunta na ako sa bahay ni Uncle Paolo, sabi nya kase sakin dapat pagka out nya sa work ay nasa bahay na nya ako. Knowing him ,time is gold para kay uncle kaya umabsent ako sa trabaho dahil minsan lang  sya magpatawag sakin. Ang kasambahay nyang si Lutchi ang nagpapasok sakin. Fully renovated na ang bahay ni Uncle Paolo. Kaya sya tumira samin dahil nire-renovate pa ang mansyon nito.pinalaki at pinaganda ang bahay mula sa old fashion house ay naging modern mansion ito, karangyaan ang makikita mo sa paligid,. ang totoo nyan, si Uncle Paolo ang may ari ng bahay na tinitirhan namin, nalulong kase sa sugal ang daddy ko noon na panganay na kapatid ni uncle kaya naisanla ang bahay at lupa. Si uncle ang tumubos non sa bangko at nangako si daddy na magbabago na sya, thats the reason kaya nagsisikap sya sa ibang bansa. At ngayon nga ay okey na ang mismong bahay ni uncle Mas malaki pa ito sa bahay namin samantalang magisa lang naman sya kasama ang tatlong katulong at isang driver. Si Lutchi ang pinakamatagal nang naninilbihan don, dalagita palang si Lutchi katulong na sya sa mansion ni Uncle. At the age of 29 milyonaryo na si Uncle Paolo.. He is my idol, sya ang iniidolo ko dahil para sa akin napakagaling nya. Gusto ko rin maging katulad nya someday. Prente akong naghihintay sa malawak na living room ng mag ring ang cp ko. Tumatawag si uncle paolo.. " yes uncle? " " where are you?  Nasa bahay kana ba? " ma-awtoridad na tanong nito. " yes" kahit kinakabahan ay kalmado lang ang sagot ko. Hindi ko masisisi si Mona at ang lahat ng pinsan ko kung bakit kabado kapag nasa paligid ang lalaki, nakakakaba kase ang presensya nito, parang isang mali mo lang malalagot kana, kahit hindi naman ganon si Uncle, yes istrikto sya at mahigpit pero sobrang cool din nya lalo na pag may lakad ang pamilya. Wag lang gagalitin. " balik ka sa bahay nyo, kunin mo yun naiwan kong gamit don sa guess room nyo. Pauwi na ako" he said.. "Okey uncle" " and one more thing, wag mong papakialaman yun, naka packed na yon" sabi pa. "Of course" " cge na dalian mo, " Mabilis nga akong bumalik sa bahay namin. Nasa kabilang kanto lang naman yon ng village, magkakatabi ang bahay namin ng mga kapatid ni daddy,  sa bikol sila lumaki lahat, kaya naroon pa rin ang lolo at lola namin dahil hindi maiwan ang malawak na palayan at ari arian doon. Bahay lang ni Uncle Paolo ang medyo napalayo ng street. Dali dali akong umakyat ng room na inokupa ni uncle ,agad ko naman nakita ang bag na puno ng damit nya. Kinuha ko yon para makabalik agad kay uncle paolo ,napansin kong di masyadong nakasara ng sagad ang zipper ng bag kaya inilapag ko iyon muli sa kama at inayos, pero may matigas na bagay na humaharang don. Kunot noong tiningnan ko kung ano yon. Picture frame? Laloong kumunot ang noo ko, kelan pa nahilig sa photo frame si uncle? Kinuha ko yon at tiningnan. Lalo akong nagulat ng makitang larawan yon ng isang babae, Imposibleng girlfriend nya yon. Walang hilig sa babae si Uncle Paolo, alam yun ng lahat,  never pa nangyaring may ipinakilala o dinala syang babae sa bahay nya. Kaya sino tong babae sa picture.? Pilit kong sinisipat mula sa dimlighr ng kwarto ang mukha ng babae sa frame, medyo malayo kase ang kuha, parang stolen ang pagkaka-shot. Habang tumatagal ang titig ko don ay tila pamilyar sakin ang babae, Mabilis kong binuhay ang ilaw sa kwarto at tinitigan ang larawan. Ganon nalang ang panlalaki ng mata ko nang makilala ang babae sa Picture frame. Yuna? Dahil sa natuklasan ko, napaisip tuloy ako ng malalim.. Magkakilala ba sila Uncle Paolo at Yuna?  Ang date kase na nasa photo ay 3 years ago pa, medyo chubby pa si Yuna sa larawan, may hawak itong mic at tila kumakanta, tila sa isang resort yon kinunan.. " bakit ang tagal mo?  Kanina pa kita hinihintay" bungad ni Uncle pagkadating ko sa bahay. " may iniutos kase si manang sakin" pagdadahilan ko. Agad nyang kinuha sa kamay ko ang bag. " okey, wait moko sa library, aayusin ko lang to. " aniya,  Tumango ako at pasimpleng tiningnan ang kilos nya. Agad na inilabas ni uncle ang frame ni Yuna saka tinawag ang isang maid at ibinigay ang bag doon, samantalang pumasok sya sa silid dala ang frame. Lalo akong naguluhan kay uncle. Ano ba sila ni Yuna?  Gusto ko sanang itanong pero natatakot ako baka magalit sya sakin. Sa ikinikilos kase nya ay tila sya hopeless romantic na teen ager. Ilang minuto lang ay sumunod na rin sa library si uncle. May dala itong folder. " gusto kong itanong sayo kung kelan ka magreresign sa company na yan? Ayokong maliitin ang trabaho mo don pero hindi yon ng linya mo, you are civil engineer graduate, top natcher sa bar. Pero anong trabaho mo don?  Magbantay lang ng mga sirang computer?  " mahabang sabi ni Uncle. " masaya pa ako sa work ko don uncle, saka na siguro ako magaaply "maingat na pagkakasabi ko. Naiintindihan ko ang panliliit nya sa A&A, ano nga bang laban nito sa kompanyang pagaari nya. " kelan pa? Kapag ma-edad kana? Bakit di ka mag-masteral sa ibang bansa kesa naman masayang lang ang kabataan mo dyan sa A&A...I warn you Tristan, planuhin mo ang future mo. O baka naman babae ang dahilan kung bakit di ka makaalis don" sabi nito na ikinakunot ng noo ko.   " i saw a girl crying sa bahay nyo nung birthday ni Mona,  while you are flirting with another girl at the pool" Napatingin ako kay uncle sa sinabi nya.. Crying?  Sino? At bakit alam nya ang naganap sa pool ng gabing yon?  Never nanilip sa ibang tao si uncle. How come he knew everything. " aksidente ko lang nakita,  nakasalubong ko kase yun isang bisita mong babae sa may hagdan,  hinahanap ka kaya tinuro ko kung nasaan ka. Malay koba na iiyak sya pagkakita sa inyo" dagdag pa ni Uncle Paolo. " s-sinong babae?  " " i dont see her face dahil madilim non, pero kulot ang buhok nya." Yuna? Si Yuna lang ang may kulot na buhok sa mga kasama ko non. She likes to curl her straight hair .pero bakit umiyak sya?  Hindi kaya?  Nakita nya ang halikan namin ni Jane?  " Just tell her straight kung sino ang gusto mo, ang mga babae mabilis umasa ang mga yan kapag pinakitaan mo ng special treatment. " He has a point, kahit wala syang girlfriend, imposibleng walang nakaka fling si Uncle, with his looks and money. Babae ang kusang lalapit sa kanya. Kaya naiintindihan ko kung bakit nya nasabi yon. Pareho kaming lalaki at ilang taon lang ang tanda nya sakin. Pero si Yuna?  Anong dahilan para umiyak sya?  Kaibigan ang turing nya sakin. Kaya imposible ang naiisip ko. " i-ikaw ba uncle , do you have a girlfriend?  " nagaalangang tanong ko sa kanya. Naalala ko ang larawan ni Yuna. " wala akong oras sa ganyan, i was so busy, alam mo yan. " he said, then lumapit sya sa bookshelve at nagbuklat buklat ng libro don. Bakit may picture ka ni Yuna?  Alam mo bang si Yuna ang nakita mong umiiyak ng gabing yon?  I want to asked him that pero pinili ko ang manahimik muna, palaisipan pa pati sakin ang pagiyak ni Yuna. " wala kabang balak mag-asawa? "Muling tanong ko.matalim ang tingin nya nang lingunin ako.... Ako lang ang may kakayahang prangkahin ng ganoon ang tiyuhin saming magpipinsan. Dahil konti lang ang tanda nya sakin at kabarkada ko rin sya non nagaaral pa kami. Mahabang sandali bago sya sumagot. " meron,  kapag nakita kona sya, magpapakasal na ako" " sino? " " tapos na ang usapan na to, may gagawin pa ako" sabi nito. Naiwan akong nagiisip. Si Yuna ba ang hinihintay nya? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD