Chapter - 05

1689 Words
Paolo's POV.... They said nasa akin na ang lahat, ka-gwapuhan, pera, kotse bahay at magandang trabaho.. Tatlo kaming magkakaibigan mula college ang nagtayo ng sarili naming business, lahat kami architect, bukod don may bar din kami na itinayo, ang Eco Bar. Malapit na akong mag-30.pero tulad nga ng sabi ni Tristan, still single pa rin ako. Pero hindi ibig sabihin non walang babae sa buhay ko, woman come and go,. I need s*x, they need something from me. Pero pera lang ang kaya kong ibigay. Hindi ang puso at oras ko.hindi ko pa natatagpuan ang babaeng pagaalayan ko ng lahat lahat.una paman ay tinapat kona ang babae ,ayoko kasing may matapakan. Kusa akong lumalayo kapag alam kong nahuhulog sila sa akin. I tried to fall in love many times. Pero hindi ko mapilit ang sarili. Sa isip ko ay may isang mukha ng babae ang di magpatahimik sakin.ang nakangiti nyang labi, ang makinis nyang mukha, Ginugulo nya ang sistema ko gabi gabi sa loob ng tatlong taon. At tatlong taon na rin akong nanghihinayang kung bakit di ko nakuha manlang kahit pangalan nya. Sana nakinig ako sa payo non ng kaibigang si Brix "Ano pare, type mo yon nasa kabilang kubo no? " " hindi ah, naalala ko lang sa kanya yun pamangkin kong si margarette, pareho silang slim " "Ulol, ako pa lolokohin mo, tara pakilala tayo. " "Wag na" " bahala ka, one day manghihinayang ka nalang at di mo sya nakilala. Pagbalik natin ng manila san mo pa makikita ang tulad nyan?  Dalagang pilipina" Akala ko kase simpleng crush lang ang naramdaman ko non, im only 26 that time. Pero parang may gayuma ang babaeng yon na di ko maalis ang tingin ko sa kanya. After ng outting namin sa resort na yon sa batangas. Back to manila kami, isang araw may picture na sinend sakin si Brix , Alam kong na love at first sight ka sa kanya kaya pinicturan ko sya para sayo. Yun ang sabi ng kaibigan. Tinawanan ko lang yon pero after a week, natagpuan ko nalang ang sarili kong pina develop ang picture na yon at bumili pa ako ng frame. Idinisplay ko sya sa side table ng kama ko, alam kong maging ang mga maid ko ay nagtataka kung sino ang babae sa frame sa table pero di nila magawang magtanong. Now i've longing for her, i know i need to see her, to get to know her. Mayaman na ako, siguro panahon na para hanapin sya. Pero saan at paano ko sya hahanapin? Yuna's POV... Tahimik kaming kumakain sa canteen ,break time non. Apat lang kaming magkakasabay, kami nila Criselda, Jane at Tristan. Nagiba kase ang break time ng mga kasama namin, si Vanessa naman ay di kumain. Nagkakatinginan nalang kami ni Criselda tuwing lalagyan ng ulam ni Jane ang plato ni Tristan, kulang nalang ay subuan nya ang lalaki, naiinis ako sa kanya. Pero wala akong magawa. Naiinis din ako kay Tristan dahil hinahayaan lang nya ang gawi ng babae. " Yuna, can i ask you!? " maya-maya ay tanong sakin ni Tristan. " hmm? "Napansin ko ang lihim na pagsimangot ni Jane. " may kilala kabang Paolo? " he asked. "Paolo? " kunot -noong tanong ko. " Paolo Villanueva? " siryoso ang mukang tanong ni Tristan. " Villanueva?  Wala" sagot ko. " he's my uncle" " oh,yun masungit at istrikto daw?  di ko naman nakita yun uncle mo na yon" sabi ko. " are you sure?, isipin mo mabuti" pangungulit ng lalaki. Na lalong ikinataka ko. " hindi nga,ano kaba!" " Tristan, imposibleng kilala yon ni Yuna, kung kilala man nya yun i doubt kung maalala nya yon, wala syang hilig sa. Matatanda, she likes younger man" sabat ni Jane. Inirapan ko lang sya ng palihim. " hindi pa naman matanda ang uncle ko, he's only 29" " bakit mo ba naitanong kung magkakilala kami? " i asked. " a-ah wla naman, " "Anong wala? " "Sinabi kase nya na nakita ka nyang umiiyak nong nasa bahay kayo" Natigilan ako sa narinig. Naalala kona.ang uncle pala nya ang nakabangga ko sa hagdanan non. Pero bakit ikwinento pa ng lalaking yon kay Tristan na umiiyak ako. May pagka tsismoso din pala ang lalaking yon. " bakit ka naman umiiyak? " si Criselda. " hindi naman ako umiyak, baka malabo ang mata ng uncle mo " sabi ko nalang. I saw Jane smirked. Pero di ko nalang pinansin yon. Tumango-tango si Tristan pero kakaiba ang titig nya sa kin. Parang binabasa nya ang iniisip ko. Naiilang man ay nagpatuloy ako sa pagkain. Maya-maya lamang ay nagsalita muli ang lalaki. " anyway, invited nga pala tayo ni Uncle sa pa house blessing nya, may pool party sa gabi, he said na magsama ako ng mga kaibigan, " "Wow, akala ko nakikitira lang ang uncle mo sa inyo" si Jane. " may inayos lang kase sa bahay nya kaya don muna sya tumira samin, he has his own house. " Ano pa nga ba ang aasahan ko, mayaman sila Tristan, natural mayaman din ang uncle nito, pero 29 palang daw yun?  Kala ko matanda na ang uncle nya, bata pa pala, pero bakit sabi ni Mona wala itong girlfriend?  Hmmm di kaya pangit ang uncle nila?  Hahahaha Pero maling mali pala ako sa pagaakalang pangit ang lalaki,  nang dumating ang araw ng house blessing ng bahay ng Uncle ni Tristan, kami lang nila Criselda, Jun at Jane ang nakasama, nagkasakit si Vanessa kaya umuwi muna ito sa kanila. Sobrang laki ng bahay,  to think na Si Paolo Villanueva lang ang nakatira don kasama ang tatlong maid at isang driver. Konti lang ang bisita, mostly mga kilala kona na pamilya nila at yun ilan sa mga ka work ng Uncle ni Tristan,  di na masyadong nakakailang, kung di lang dahil kay Tristan di ako sasama eh, ayoko lang masolo ni Jane ang mahal ko. Kumain muna kaming magkakasama, dahil ang layo ng byahe. "Asan na ang tito mo Tristan? " tanong ni Jane. " ayun pa eh, busy pa. Wait lalapitan ko lang sya, ipapakilala ko kayo" he said. Isang matangkad na lalaki ang uncle ni Tristan, mga 5'11 ang height non naka amerikana at kausap ng tita Romina nya. Di ko pa Masyadong makita ang mukha dahil nakatagilid ito. Nakita kong nilapitan na ito ni Tristan. Tristan's POV... Sinadya kong isama sila Yuna sa House blessing ng bahay ni Uncle Paolo, to confirm something. Im just curious about Yuna and unlce, mas curious pa ako sa bagay na yun kesa sa dahilan ng pagiyak ni Yuna non. Ang totoo hindi alam ni Uncle na magsasama ako ng bisita. Masyado kase itong private na tao kaya halos family lang ang envited don at yun ilang kaibigan nya. Nilapitan ko sya kausap nya si Tita Romina at tita mylene. Maya-maya lamang ay malalaman kona ang sagot sa picture frame ni Yuna. " Hi uncle" bati ko. " hi, buti naka attend ka" tinapik pa nya ako sa balikat. " i envited my friends here ,i hope okey lang, balak naming mag swimming sa pool mo,dito na rin kami matutulog-----" "Wait.. " pigil nya sakin.  " anong swimming?  It's just a house blessing, not a pool party., alam mo namang ayoko ng kung sino-sino ang mga bisita na pumupunta dito, you know me Tristan" salubong ang kilay ni Uncle,na inaasahan ko naman. Alam kong naiinis sya dahil di ako nagsabi sa kanya bago ko dalhin ang mga bisita ko. Pero may dahilan naman ako eh. And i know that im doing him a favor. A big favor. " im sorry uncle, i just want to show them your big swimming pool, dont worry sa amin nalang kami magswimming later" sabi ko nalang. " okey, pakainin mo na sila" sabi nito bago humugot ng buntong hininga. " kumakain na sila, c'mon i want to introduce the master of this house to them" akit ko sa tiyuhin. Sumunod naman sa akin si Uncle Paolo kahit napipilitan. Nagpatiuna ako pabalik ng mesang kinakainan nila Yuna, kasalukuyang kumakain ng kare-kare ang babae, naalala kong mahilig nga pala ito sa kare-kare. Si Yuna ang tipo ng babae na walang pakialam sa diet, basta may food sa harap nito ..pero hindi naman ito tumataba. "Guys, i want you to meet my uncle, the owner of this house, Paolo Villanueva,my uncle" pakilala ko sa lalaki. " Uncle they are my Friends in A&A, Jun, Criselda , Jane and Yuna".  Isa isang kinamayan ni uncle ang mga kaibigan ko. At tila slow motion na biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Uncle nang bumaling ang mata nito kay Yuna na di naman nakatingin sa kanya dahil busy ito sa bagoong ng kare-kare. Kitang-kita ko ang biglang pagkunot ng noo ng tiyuhin habang tila kinikilala ang dalaga .saka rumehistro sa mukha nito ang rekognisyon. "Yuna, meet my uncle" tawag ko ulit sa babae,  di naman nito makuhang magsalita dahil puno ng pagkain ang bibig nito. And i suddenly find her cute in that gesture. Tumango-tango si Yuna kay Uncle, na matiim nang nakatitig sa kanya ng mga oras na yon. Confirm, si Yuna nga ang nasa picture frame, kilala nya si Yuna, hindi lang basta kilala, gusto nya ito, pero bakit tila hindi sya kilala ng babae?  Namumuwalan pa ang bibig ni Yuna ng di tanggapin ang pakikipagkamay ni uncle. "S-sorry po, amoy bagoong ang kamay ko, no shake hand nalang po" she said na ikinangiti ko. Wala talagang kaarte-arte sa katawan tong babaeng to. Halata ko na pilit nagpaka kalmado si Uncle Paolo, pero huli na ang lahat, i already saw him off guard, nakita ko na ang reaksyon nya.yun ang kauna-unahang pagkakataon na nakita kong hindi sya handa. Na tila di sya makapaniwala. The almighty Paolo Villanueva look like a teen having a crush with a girl. Napako na ang atensyon nito kay Yuna na walang kamalay-malay ng mga sandaling yon. " kain lang kayo, and i want to remind you na may pool party tayo mamaya" Uncle Paolo said na inaasahan ko naman. Nagalak sila sa narinig. Kung kanina halos parang gusto na ni uncle paalisin ang mga bisita ko, ngayon naman ay parang gusto na nyang doon tumira si Yuna. Is it okey with. Me? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD