Chapter - 06

1644 Words
   ...... Yuna's POV.. "kain lang kayo, and i want to remind you na may pool party tayo mamaya" Yun ang sabi ng Uncle Paolo ni Tristan. Hindi ko inaasahan na ganoong ka-gwapo ang lalaki, superb, parang artista, iba ang dating nya, may something sa kanya na kakaiba, siguro dahil sa authority sa look nya. Mas gwapo si Tristan dito pero yung appeal nito ang nakaka goose bumb. Paolo Villanueva is so hot. Lalaking -lalaki ang katawan nito.kesa kay Tristan, well Tristan is just 21 and he is 29 already. At ang ikinapagtataka ko pa ay ang pamilyaridad nito sakin, parang nakita kona sya somewhere, di ko lang matandaan o baka namamali lang ako. " uncle, tawag kana nila Mommy" sabi ni Tristan dito. Tila naman nagulat pa ang lalaki. " excuse me guys" paalam ni Paolo na matiim pa rin ang titig sakin. Tila napilitan lang itong umalis sa table namin. Well assuming na kung assuming pero ramdam ko kase na kanina pa kakaiba ang tingin ni Paolo sakin eh. Hmmm ..ganon na ganon akong tingnan ng mga manliligaw ko na binasted kong lahat. Mas intent nga lang tumitig ang Uncle ni Tristan. Para kaseng pagaari nya ako kung makatingin. " Sir Tristan, di mo naman sinabi na ganoong kagwapo pala ang tito mo" kinikilig na sabi ni Criselda. Natawa lang si Tristan. Pero nahuli kong sinusundan din ni Jane ng tingin ang tiyuhin ng lalaki. Tumigil lang ito ng mapansing nakatingin ako s kanya. After non, bigla akong nailang,  mula nang ipakilala sa amin si Paolo Villanueva ay tila lagi nang nakabantay sakin ang binata. Kahit saang sulok ako ng mansyon nahuhuli ko syang matiim ang tingin sakin. Problema nito? Paolo's POV.... " now i know kung bakit biglang nagkaroon ng pool party dito sa house mo! " Nakangiting sabi ng kaibigan kong si Brix, nahuli nya akong pinagmamasdan ang grupo nila Tristan sa kabilang side ng pool partikular kay YUna. "I dont know what your saying" " weh,....  Para namang ako pa ang nagsend ng picture nya sayo three years ago, tapos ganyan de-deny ka" Alam kong wala na akong lusot sa lalaking ito. Lahat kasi sila ay nagulat ng sabihin kong may pool party ng gabing yon. Kaya dali daling nagpuntahan ang iba pa naming college friend sa bahay. Pito kaming magkaka barkada non. Ako, si Brix, Brian,  Kobi,  Charls,  Hiroko,  at Sonny.  Si Brix at Charls ang kasosyo ko s negosyo. Dalawa palang samin ang may asawa na ,si Brix at Brian. " i just want to know her" i said to Brix. " and?  " tukso nito. " and? Wala" sabi ko. " ayan kana naman, sige deny pa, pero di mo ako maloloko, lalaki din ako, alam ko na sa mga oras na to, gusto mo nang magasawa! "  Malakas ang halakhak ni Brix pagkasabi non. Itinulak ko naman sya agad sa pool .loko! He knows me well. Paano ba naman mula kinder garden kaklase kona ang gago. Best man ako ng kasal nya at Ninong pa ako ng anak nya. He was my bestfriend. Kalog at masayahin ito. Muli kong pinagmasdan si Yuna mula sa malayo. After 3 years nakita ko na ang babaeng gumugulo sa sistema ko, hindi ko akalain na katrabaho lang pala sya ng pamangkin ko. Sobrang lapit na pala namin non paman, bakit ngayon ko lang sya nakita. Muli ko syang tinitigan sa malayo, she was so beautiful and sexy. Kahit di katangkaran. Bagay na bagay sa height nya ang katawan nya. And she has a perfect legs, flawless kumbaga. Walang bahagi sa katawan nito ang di ko hinangaan. Unang kita ko palang sa kanya noon, alam kong iba ang dating nya sakin. At alam ko rin sa sarili ko na hindi ako matatahimik hanggat di sya napapasa-akin. Kahit alam kong si Tristan ang nagugustuhan nya. Well i can see that in her eyes, love triangle ang nangyayari sa kanila. I finally realized that. Kaya sya umiiyak nong unang magkabanggaan kami sa bahay nila Tristan ay dahil nakita nyang may kahalikang iba ang pamangkin ko. Good thing  na walang gusto si Tristan sa kanya. Mahirap kung magkakatalo kami ng pamangkin ko dahil sa iisang babae. Dahil kung mangyari man yon, God knows kung ano ang kaya kong gawin to win this girl. Nalaman kong magkaibigan pala ang dalawa. I wonder kung bakit mas pinili ng pamangkin ko yun Jane, i dont like the attitude of that gf of him. Hindi sa pangdya-judge pero may something sa Jane na yon. Lalo na at madalas kong mahuli ang nang-aakit nyang tingin sa akin. Alam na alam ko ang tingin na yon dahil yun ang tingin ng mga babaeng nagdaan sa buhay ko. Yuna's POV.... Lumalalim ang gabi, unti - unti na akong nabo-bored sa pool party na yon lalo na at na kay Jane ang atensyon ni Tristan. Magkatabi ng dalawa sa tubig. Lihim kong sinisisi kung bakit masyadong malawak ang pool ng Paolo Villanueva na yon, lalo tuloy nagkaroon ng chance na magsolo ang dalawa sa tubig. Hindi pa naman ako marunong lumangoy. Sila Criselda at Jun naman ay kainuman ng mga kaibigan ni Paolo, ayokong uminom dahil baka malasing ako at makatulog agad kagaya ng nangyari sa bahay nila Tristan non. Kailangan kong bantayan si Tristan. " Yuna bakit di kapa nagpapalit ng swim suit, " tanong ni Criselda. Naka short at tshirt na puti kase ako. " di ako magsu-swimming" sabi ko. " ano, e di wala akong kasabay paglangoy, sige na palit kana. " " sige na nga" Napilitan akong pumunta sa guess room na nakalaan samin para magpalit ng swimwear. Isang kulay blue na one piece ang pinili ko sa mga dala ko, Pinatungan ko yun ng manipis na cycling para di masyadong daring .pero lumutang pa rin ang kaseksihan ko. Lumabas ako na naka roba, sakto namang paglabas ko ang paglabas din  ni Paolo Villanueva sa isang silid. Nailang ako dahil matiim na naman syang nakatitig sakin. Naka sando sya na kulay black at short na stripe. May hawak syang towel sa isang kamay habang may kausap sa cp. Binati ko sya ng isang ngiti. Pagkuway nagmamadali ko syang iniwan para makawala sa titig nya. Grabe naman kase kung makatingin sya sakin. Napasipol ang mga kalalakihan sa pool nang magalis ako ng robe at lumakad sa gilid ng pool. Hindi nman bastos ang pagkakasipol nila. Puro mga pghanga lang naman. At ang alam ko ay may mga gf at fiance na ang mga kaibigan ng uncle ni Tristan. Nahuli kong napatitig din sakin si Tristan at inismidan naman ako ni Jane. " Yuna,masyadong sexy ang suot mo" yon ang sabi ni Tristan nang lapitan ako sa bench na naroon. Naupo sya sa tabi ko. Sa gilid ng mga mata ko nakita kong lumabas nang bahay si Paolo at naki join sa mga kaibigan sa inuman. Si Jane ay nakikitagay na rin. Naiwan kaming dalawa ni Tristan. Alam kong tiningnan muna ako ni Paolo bago naupo sa inuman. " ganito naman lagi ang suot ko twing magsu-swimming ah" sabi ko. " pero tayo tayo lang non, iba ngayon, may mga bisitang iba si Uncle,  " " they look nice naman eh" Hindi ko maintindihan ang Tristan na to, lagi syang nakadikit kay Jane pero nagpapakita sakin ng concern at sweetness. Ano ba talaga. Saka bakit pati swim suit ko pinupuna nya eh mas desente naman ang suot ko kesa sa suot ni Jane na halos kita na ang singit. " put that robe ,malamig na"seryosong utos nito napilitan akong sundin sya dahil kakaiba ang paguutos na kalakip ng tinig ng sabihin yon. Habang isinusuot ko ang roba ay dalawang tao ang nahuli kong nakatingin sakin. Si Paolo at si Jane na sobrang talim ng mata. "Tara na, lets join them" Hinila ako sa kamay ni Tristan kaya napilitan akong magpadala. Lumapit kami sa grupo. " Yuna may bf kana ba? " may isang lalaking nagtanong sakin. Charls ang natatandaan kong pakilala nya kanina. " w-wala pa" sabi ko na ang mga mata ay nakay Tristan. " sa ganda mong yan" dagdag pa nito. Ngumiti lang ako. Muli ko na namang nahuli ang matiim na titig ni Paolo Villanueva sakin habang nainom ng beer. Nailang ako sa titig ng lalaki. Ilang sandali pa ay tila tinamaan na si Jane sa nainom nito. Ako naman ay medyo tipsy palang. Si Criselle ay malakas uminom kaya ok pa naman sya. Maya maya lang ay tumayo si Jane hawak ang isang bote ng beer. Muntik na itong mahulog sa pool kung di maagad na nasalo ni Tristan. " Guys may ia-announce ako, " sabi ni jane. Ewan ko ba pero parang kinabahan ako ng sabihin nya yon. Lalo na nang tumingin sya sakin ng may kahulugan. " listen everyone" sigaw ng babae, nakaalalay pa rin dito si Tristan. Ang mga taong naroon naman ay naghihintay sa sasabihin ng dalaga. " i want you to meet my boyfriend, and we are celebrating our monthsary" Ganon na lamang ang kabog ng dibdib ko habang hinihintay ang pagsasalita ni Jane. " my boyfriend is Tristan Villanueva" malakas na sabi ni Jane na ikinatayo ko.maging si Tristan ay nabigla sa annoucement ng babae. Hindi nito inaasahan na gagawin yon ng nobya. Lalo na ang kasunod na ginawa nito. Hinila nya sa batok ang lalaki at hinalikan ng mariin sa labi habang nasa akin ang tingin niya. Makukuha mo ang lahat ng lalaking magustuhan mo but not Tristan Villanueva, mark my words. Naalala ko ang sinabi ni Jane sakin non. And i cant help but cry in front of them. Sa kabila ng mga pagbati ng mga tao don. Napayuko ako para ikubli ang luhang hindi mapigilang umalpas sa mata ko.inaasahan kona naman yun eh pero masakit parin its hurt like hell. " the Party is over, You may go home now! " Boses ni Paolo Villanueva,  and i saw him looking at me crying. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD