"What?" Sigaw ng pipe kong bestfriend. Nakakabingi. "ARRANGED MARRIAGE?"
Oh sige isigaw mo pa, at para pati ang mga daga dito sa school ay mabalitaan yon. Oo nga pala nandito na ko sa school ko at ewan ko ba bakit ko kwinento sa supportive kong bestfriend ang nangyari sa bahay.
Flashback
"Belle, let's talk about this. Sit here." Sinunod ko naman ang utos ni mama e. Kasi ayaw ko magconclude kaagad.
"Ano to ma?" Mahina kong sinabi. Medyo nanghina kasi ako sa mga narinig ko. "Belle, listen to us, we dont have any choice!" Paliwanag ng dakila kong ama.
Di ako makapaniwala na ako si Rinabelle Kyo at 20 years old ay ikakasal sa taong hindi niya mahal at ang worse, di ko pa nakikilala.
"Bakit niyo ko ipapakasal ng di ko alam, tapos di ko pa kilala? 20 years old palang ako ah? Di pa ko tapos mag-aral." ..at may iba kong mahal. Gusto kong ituloy, pero di ko na kinaya. Tama, sinagot ko sila, at napatayo sa kinauupuan ko. Ayoko talaga, swear.
"Belle, Ginagawa namin to dahil sa lagay ng kumpanya. They said na the only way to save our company for being bankrupt is to let you, the only daughter of our family, marry their only son." sabat ng kuya ko.
"Pero have you ever thought about my feelings?” pagalit kong sagot, ni hindi ko na mapigilan ung tono ko. Bago pa makasagot ang kuya ko, binigyan ako ni mama ng tubig.
"We're not being selfish, ayaw lang namin gumuho ang iniingatan nating kumpanya noon pa" sabi ng papa ko. Medyo napaisip ako doon sa sinabi ni papa. Tama siya, sa katunayan may point siya. Iniingatan namin ang kumpanya na yun. Halos dugot pawis ang inalay ng papa ko para dun. Pero bigla nalang mawawala kung hindi ko magagawa ang gusto ng lecheng investor na un? Deep down, alam kong marahil napunta na sila sa situation na ito because they ran out of choices.
Hindi na ko nakapagsalita at hindi na rin sila nagsalita. Nakikita ko sa mga mata nila na worried sila sa company's standing ngayon pati na rin saakin. Wala na kong maaring sabihin kaya naman tumayo na ko at umakyat sa kwarto ko at doon inilabas ang iyak na kanina pa gusto kumawala.
Back to present
Grabe maga nga ang mata ko e, dahil kagabi sobra ang iyak ko. Nahalata naman ng best friend kong baliw ang maga kong mata kaya ayun si tanong-era. Pero in the end, gusto ko din ng kadamay kaya kwinento ko.
"Yeah, you're right. Arranged marriage nga kung tawagin yun." sabay buntong hininga ko.
Agad naman lumapit sa kin ang best friend ko at kinocomfort ako. Di ko napigilang yumakap sakanya at nagstart na naman umiyak. I dont know pero, I think I have no choice but to sacrifice para sa mga taong nagtratrabaho at umaasa sa kumpanya namin. Lalo na ang family ko.
"Nakita mo na ba ung guy?" Tanong niya habang hinihimas niya ang likod ko. "Nope." Garagal kong tugon dahil na rin sa pag-iyak. Pinunasan ko na ang luha ko ng panyo ko.
"Okay, Let's not talk about it. Tara-lets sa cafeteria" Tinayo niya ako. Nasa tambie kasi kami ngayon at ngayon papunta na kami ng cafeteria.
"Am I imagining things or why is everyone staring at us?" tanong ni Heidi.
Oo nga no? Hindi kaya sobrang maga ng mata ko para mapansin nila? Ang babaw naman kung ganun, eh hindi naman ako pinapansin ng mga tao dito dati na kahit magplanking pa ko sa harap nila o kaya gitna ng quadrangle.
"Wala akong idea Heidi." Yun nalang ang nasabi ko sa kanya.
Maya maya lang ay may lumapit saming 3 babae. Wait, sila ung tatlong girls na tinulak ako last time. Buti nalang niligtas ako ng Hon Steve ko.
"You! What is your status with Josh?" sabi ng isang babae. Curly at Medium ang hair niya. Nakaheadband kaso tadtad naman ng make-up. Ano to gabi? Kailangan talaga heavy make-up lagi? Okay sana kung maganda ang pagkakamake-up.
"What are you talking about?" Nagtaka si Heidi. Halos gusto ko matawa kasi akala ni Heidi siya ung tinutukoy at kausap, pero okay nadin wala naman akong isasagot e.
"We're not talking to you, okay? Shut up!" Sigaw ng isang babaeng mukha ding clown.
Pero oo nga pala si Josh ay si Steven. Joshua Steven Hoa— his full name. Malandi lang tong mga to kaya gusto nila Josh ang tawag.
"Kapal naman mukha niyong mga clown kayo..Wala kayong karapatan sumigaw." Nakakainis na kasi sila. Hamon ba ng away? Bwisit pala tong mga to e. Ako? Uurong? Jologs yata to, pero konti lang.
"What? Clown? You bitch." Sasampalin na sana ako ng babaeng nasa gitna nilang tatlo, ready na kong umilag e. Pero walang tumama sa pretty face ko.
Gulat ko nalang ng may sumanggi ditto, "Dont do that just because you want to." Wow, ang cool nun ha. Di ko masyado makita kasi nakatalikod samin e.
"Prince.. Kei?" Sigaw ng tatlong clown at sabay pa silang tatlo ha. "Get out of my face quick." Parang pinapaalis niya talga to kasi ung kamay niya ginegesture ung parang “alis”.
Tapos nun tumakbo na ang mga Malditang clowns. Tas humarap siya samin. Oh no! What with this angelic face. Tae. Manonose-bleed ata ako sa kapogian nito. "Hi! Sorry for that." Tapos ngumiti siya. Hala ang pogi, pero dahil biased ako, mas pogi si Hon Steve ko sa aking mata.
Oo nga pala, siya nga pala si Kei Henry Fernandez. Tyaka hindi nya pangalan ung prince. Kaya lang prince Kei ang tawag sa kanya kasi may mga prince kasi dito sa school. Pang-una nga si Steve at si Kei naman ang pumapangalawa.
"Uhmm" Di ko alam anong sasabihin ko. "Thanks." sabi ng bestfriend ko tas sabay pacute. Ayyy! Kaloka si ate mo biglang naging anghel oh? Hahahaha.
"Are you okay, Rina?" Ha? Malapit na ba gumuho ang mundo? Did he just say my name? Teka, bat niya alam?
"Ah, oo..yata" kinakabahan ako at nakakaloka ung sagot ko, anong yata ka dyan, Rinabelle.
Ngumiti lang siya at tumalikod na paalis. Tapos gulat ko nung, lumingon uli siya para kumindat sakin. SA AKIN?
Nung natapos na ang tulala namin ni Heidi at narealize naming na para kaming galing sa paradise at bumalik sa Earth pano ba naman pagtapos nun eh napatingin kami sa tao na masama ang tingin sa amin. Dahil dun, tumakbo kami.