Pwede na kong mamatay! Nako po! Hindi ko inaakala na gagawin to ng Campus Crush ng school na to. Sandali! Gusto ko siyang pigilan habang naglalakad siya at magthank you man lang, pero parang nakadikit lang ang paa ko sa sahig.
Langya! Naaalala ko ulit, pero shems! Kinikilig ako! My Gooooood!
Mga ilang minuto lang eh bumalik na ko as normal ng biglang nakita ko ang reaksyon ng mga tao sa canteen. Halos matulala sila. Yung iba nga nakanganga pa! Hoy, may langaw oh! Tss. Problema ng mga to? Kung pwede ako mamatay kakatitig nila e kanina pa ko namatay! Dyusmiyo!
"Rinaaaaaaaaaa!" Napalingon ako. Oo nga pala si Heidi nga pala e kumuha ng Band-aid. Medyo masakit kasi ung sugat sa siko ko. Although, maliit siya, di kasi ako sanay na nasusugatan. Ito nga lang sobrang sakit na ng nararamdaman ko, pano pa kaya pag malaki at marami ang mga sugat ko. Love ako ni Lord e. Bwahahaha.
"Oh, ito na ung band-aid. Akin na kamay mo. " Kinuha naman ni Heidi ng dahan - dahan ung braso ko at nilagay ung band-aid. Okay na sana kaso pagkatapos niya lagyan e. Pinalo ba naman ng malakas?
"Aray! Ano bayan, masakit na nga e.” Inarte ko. Eh masakit naman talaga e tapos need pa ba paluin?
"Eh kasi hindi mangyayari yun kung di ka nagpumilit na sumingit." Sermon niya sakin! Wow? Nanay?
"Sorry naman. Ganun talaga pag gutom." Sabi ko ng mahina.
"Basta. Next time, magbaon ka na, alright?" Tumango nalang ako pero mamaya nalang e, nakita kong nakatitig siya sa pagkain na binigay ni Hon Steve ko! Kaya dali-dali kong tinago sa likod ko sabay ngiti sa kanya.
"Oh. Nakabili ka pala? I thought they didn't let you buy." Napakamot siya ng ulo. Nagtataka siguro siya? Hays, di ko kaya itago sa BFF ko to. Sige I'll tell her, but better kung in private kasi baka may makarinig at ako ay mamatay ng di oras, at sabihin pa nilang pinagmamalaki ko! Well, ganyan talaga pag mahaba ang hair.
"Okay, fine. Lets go to our tambie (tawag namin sa tambayan namin.)" Hinila ko siya papunta doon. Sigurado ako na walang makakarinig samin nito. Syempre wala naman tao dito e. Kaya nga namin gusto dito e. Bali ung itsura ng place ay very accomodating. Kasi pag napunta ako dito, nakakarelax tlaga! May bench dun. Tas may mga puno kaya malamig. Dun kami naupo sa bench tas kinuha niya na yung baon niya bago pa siya sumubo e, kwinento ko na.
"Bigay to sakin ni Hon Steve ko" excited kong sabi.
*PAK!!!!!!!*
"Aray ko! Masakit ha?" Himas ko sa ulo ko kasi binatukan ba naman ako. Sabi ko na nga ba na magiging ganto ang reaksyon niya but, I'm not prepared!
"Pwede ba wag kang daydreamer? Si Steven na campus prince ng school na 'to? Kapalan tayo dito ‘teh?" Sabi niya na ayaw talaga maniwala. Ay aba.
"Oo nga! Halos ako nagulat, at pwede ba maniwala ka sakin hindi naman ako gagawa ng kwento, you know me for so long..." Sabi ko ng with matching serious-pretty-ever-living face (feel ko lang). Syempre kilala na naman niya ako. Simula nung nagcollege ako, siya na lagi kasama ko. Imagine, eversince we're little, she's been a friend to me, more like, a sister to me. She's the person whom I can trust.
Bumuntong hininga siya, "Okay, I believe you so just tell me what happened habang nasa clinic ako at nakaharot ka?"
Thank God, naniwala na din di ko na pinansin ung huli niyang sinabi. Ayun kwinento ko sakanya lahat at halos malaglag na yung panga niya sa bawat kwento ko. Ayun pagkatapos ko magkwento ay nagulat ako ng biglang sumigaw. More like, tumili.
"Halaaaaaaaaaaaaaaa!” Tinakpan ko nalang ang tenga ko habang seryoso pa din ang mukha. Sabi sainyo, sanayan lang yan.
"Ano ba ang ingay mo naman. Shh, calm down." habang ung isang daliri ay nasa bibig ko signing her to keep quiet.
"Okay, breathe in, breathe out. Gosh, kinikilig kasi ako sa ginawa niya sayo. Dont you know na lahat ng estuyante eh nandun. For sure, they all saw it! Gosh, No one expected na may gaganunin siya na girlash. Dahil ang alam nila, their prince is not interested in girls kahit na sobrang ganda pa nito. So proud of you bestieeee" Potek! Porket un lang? I know they saw me as a lucky girl who caught the Campus Prince’ attention. But, malaking BUT! Hindi naman niya tinitreat ung attention na yun as a special case. Sad but true.
"Tssssss. Makareact ka wagas! Dont get the wrong idea. I don’t want to expect nor assume." Bitter ko no? Kasi ayoko lang talga yung ganun na umaasa sa wala, sa maliit na bagay o kaya sa mga bagay na walang kasiguraduhan. Yes, inaamin ko, I really have a crush on him. I'm one of those girls who are waiting para kahit isang sulyap lang ay sobrang saya na, na pwede ng mamatay. Yung tipong ganun. But let me remind you, di ako stalker, okay? Pero suko naman na ko sakanya. Minsan na kong umiyak dahil sa one-sided love na to para kay Hon Steve ko. And I don’t wanna talk about it anymore.
------------------------------------
Tapos na ung klase. Eto ako nakasakay ng jeep. Tss. Nakatingin sa bintana, nakatanaw sa malayo. Hahahaha! Ang drama eh no? Feeling may music video. Joke lang yun. Eto na kasi pauwi na ko. Di ko kasabay si Heidi, kasi nga iba ang way ng bahay nila sa way ng bahay ko. Medyo malayo nga yung bahay ko sa school.
I really wonder bakit ginawa niya yun. Bakit kaya ginawa ni Steven yun? I'm not close to him, of course. Simpleng student lang ako sa school. Pero bahala na at ayoko na mag-isip. Di kinakaya ng brain kong small capacity lang kaya.
Malapit na nga pala ako sa house. Kasalukuyan akong naglalakad.
Papasok na ko ng pinto ng nagulat ako saaking nadatnan. Si mama, papa at kuya ay may conference? Nakaupo sila sa table and they even have their coffees? Ano to? Meeting? But, somehow it feels like their talking about a serious matter, I can see it through their faces.
"Dad, we don’t even know him. Ano nalang gagawin niya kay Belle?" Gulat ko naman sa kuya ko. Biglang sumigaw.
Wait? "Dad, we dont even know him ? Ano nalang gagawin niya kay Belle?" Anong sabi ni kuya? By the way, my family call me “Belle”. Sa school walang natawag sakin ng Belle, most of them call me "Rina." Di din ako papayag na tawagin akong Belle. Back to the topic, are they talking about me? Hell yeah, because it's obvious that I am the only one who is called Belle in this house.
Di pa rin ako pumapasok, di nila siguro napapansin na nandito ako sa door. I want to hear more. It's about me. I didn't heard it wrong, right?
"But they leave us with no choice!" sigaw ng papa ko. "Kailangan natin sundin ang gusto nila, or our company...."
I dont get it, I really dont. I need to hear more.
"I dont know but I think if Belle marries their son. I think it would be a great idea kasi their family has a good backround. Di na tayo mamomoblema.." Sabat ng nanay ko habang umiinom ng kape! Mali.. milo ata...wala pa kaming kape. naubos na..pero..
Uh- oh wait. Recap. “I dont know but I think if Belle marries their son. I think it would be a great idea kasi their family has a good backround. Di na tayo mamomoblema.." Holy cow! Did she just said that? Me marry someone's son?
"NOOOOOOOOO!" Napasigaw ako sa sobrang gulat.
I guess nagulat sila kasi napatayo sila Mama. As in, gulat na gulat sila. Kasi nga they dont know na nandito na pala ako kaso chismosa lang na nakikinig. Pero ako ang pinaka-nagulat sa narinig.
"Belle.." mahinang sambit ng kuya ko. I know it, my kuya against the idea of me marrying someone kasi kanina narinig ko siya na worried siya about me. Aww, close kami ng kuya ko and I know he cares deeply for me.
"What did you just said? Me marrying someone?" tumaas na ang boses ko. Medyo naiirita na ako, I cant help it coz who wouldn't? A stranger is my husband. They are practically selling me to someone! No way.
"Belle, Lets talk about this. Sit here." sinunod ko naman ang utos ni mama, I am trying to calm my senses, I want to hear their side and the whole thing kasi ayaw ko magconclude kaagad.