Nakita ko si Kei na nakahawak sa braso ni Jun. Napahinga ako ng maluwag ng mapagtantong ligtas na ang first kiss ko.
"Kei, dont worry, I can handle this, may masamang plano 'tong babaeng 'to. Ba-blackmailin niya si Steven." Sabi ni Jun kay Kei ng may iritadong ekspresyon.
Bigla naman napatingin si Kei sakin. Oh no! Kailangan kong ipaliwanag ang side ko. Baka mas lalong lumala pag dalawa na silang galit sakin.
"A-ah, ano kasi, hindi ko naman siya ano e, BASTA HINDI KO NAMAN SIYA BA-BLACKMAILIN." Dahil nga di ko mapaliwanag ang side ko napasigaw ako sa inis. Sabay takbo ng mabilis na akala mo ay isang magnanakaw.
Ewan ko. Pero may point si Jun. Tama nga naman na gagawin ko yun dahil may balak akong masama. Pero totoo naman na hindi ko siya blablackmail-in! Tss. Nakakainis naman.
Tulalang naglalakad ako at di ko namalayang nakauwi na ko ng bahay. Napatagal tuloy ang pag-uwi ko dahil sa sobrang pagkatulala ko. Hays. Blanko ang isipan ko dahil sa nangyari. Ano na kaya ngayon ung pinaguusapan nila, ako ba? Siguro sinisiraan na ako ng Jun na yun kay Steve at Kei. Tss. Ano naman? Parang close kayo.
"Belle."
"Ay butiki ka!" Nakakagulat naman 'tong Kuya ko. Biglang nasulpot.
"Bakit ngayon ka lang? At bakit di mo sinasagot ang phone mo ha?" Hindi ko pwede sabihin kay Kuya kung anong nangyari. Ano naman pake niya dun diba? Saka pagsasbihan niya lang akong masyadong pakelamera. Sermon na naman iyon so no way.
"Ano kasi Kuya, nagpunta pa ako kayla Heidi." Siguro naman okay na ung reason na un kasi naman kilala ng Kuya ko ang bestfriend ko.
Biglang may rumehistro na kung ano sa mukha niya pagkabanggit ko ng Heidi. "Eh tawag ako ng tawag ha! Di mo sinasagot.'' Wehhh?? Wala akong naririnig na ringtone mula sa cellphone ko.
Matignan nga kung may missed calls.
Wait.
Oo nga pala ang Cellphone ko. Darn!
Na kay Jun! Di ko nakuha. Sh*t, lagot ako nito! Pano na?
"Ano kasi, naiwan ko pala ang cellphone ko sa bahay ni Heidi." Sana naman di to malista sa mga kasalanan ko.
"Kahit kailan ka talaga, napaka-clumsy mo. O sya, pumasok ka na nga sa loob, malamig dito. May nag-aantay sayo sa loob" Sabi ng kuya ko.
Hay salamat naman at tumalab ang mga palusot ko. Sino namang nag-aantay?
Pumasok na ko sa loob para naman makita ko na kung sino ung tinutukoy ng kuya ko na nag-aantay sa akin.
Nakita ko si Mama at Papa na nakaupo. Tas may isang babaeng nasa edad ni mama ang nakaupo sa gilid at isang lalaking kasing edad ko. Sino to? Pinsan ko?
Ganto ung sitting arrangement, magkatabi si mama at papa tas nasa gilid tas nasa harap naman nilang upuan ung lalaki at babae na nakatalikod sa pinto kung nasaan ako kaya di ko makita ang mukha nila.
"Belle, finally, you're here." Tumayo si Mama at Papa pati ung babae na di ko kilala. Nginitian niya ako at nginitian ko rin siya. Ang ganda naman niya kahit may edad na. Yung lalaki naman ay di tumayo at nanatiling nakaupo.
"Come here, child. Join us, I'll introduce you." sabi ni Papa.
Lumapit ako ng konti lang. Nahihiya kasi ako, di ako sanay na may bisita sa bahay.
"Ito si Mrs. Hoa, siya ang magiging byenan mo." Hala! So this is it? Siya pala yun? Maganda talaga siya. Mukhang napakayaman. Mukha pa rin siyang bata despite of her true age.
"Hi iha. Ang ganda mo naman sa personal kaysa sa picture na binigay sakin ng Mama mo. Nice to meet you." Wow. Ang ganda ng boses. Kakatibo naman oh. Tapos sinabihan pa kong maganda. Magkakasundo kami nito. Nafi-feel ko. Napangiti nalang ako sa loob ko.
"And this is Joshua, you're husband-to-be." Di ko alam pero kinakabahan ako. So ito na ba ang moment of truth kung saan magwawala ako at iiyak na parang napapanood ko sa movies?
Tumayo ung lalaki at humarap sakin.
Inabot ang kamay niya at kinuha nalang basta ang kamay ko...
"Joshua Steven Hoa, you're fiance." Shinake hands niya ako ng isang beses at dali-daling binitawan agad ang kamay ko na parang napapaso sa hawak namin.
O_O
O_O
O_O
O_O
O_O
"WHAAAT!" Napatakip ako ng bibig ko pero malakas pa rin ang pag-sigaw ko.
Hindi ko inakala na siya ang mapapangasawa. Kaya pala HOA ang surname! Bakit di ko agad naisip na posible ito?
"Anak, bakit?" Tanong ng Mama ko na nagulat sa pagsigaw ko. Actually, lahat sila nagulat.
Tumawa lang si Steve. Mukha siyang baliw.
"Ah..Kasi.." Di ko masabi, shems!
"We're classmates, I think that's what she thinks." Sabat ni Steve. Bakit ganun? Di ba dapat maging masaya ako? Pero, bakit hindi? di maganda ang kutob ko sa mga mangyayari dito?
"Then that's great! Mabuti yun at you'll be comfortable with each other." Tuwang tuwang sabi ng Mommy niya habang pumapalakpak. Ano daw?
"So I think, we should all sit. Kanina pa tayo nakatayo. Join us here, child." Sabi ni Papa.
Umupo na sila at umupo na rin ako, bali katabi ko si mama.
Feeling niyo siguro uupo ako sa tabi niya? No Way..
Ang nangyari ay usap lang ng usap ang Mama niya at ang parents ko. Gusto nila ng bonggang kasal. Nasa legal age na daw kami at kailangan sa simbahan daw at dapat dadalo ang lahat ng kaibigan namin. Kung ako ang papapiliin, hiling ko'y sana'y maging sikreto muna ito kasi paniguradong kukuyugin ako ng fans nitong si Steve. Di kami nagsasalita. Minsan nagkakatinginan kami pero iwas agad.
"Saan kaya ang honeymoon para naman sa apo natin? " WHAT! Ano bang problema ng mama ni Steve? Nakadrugs ata. Napakabilis ng daloy ng usapan nila at nakaabot agad sa ganun.
"What?” “Huh?” Sabay kaming napasambit ni Steve.
Dahil doon ay nagkatingininan kami pero sabay ring nag-iwas agad ng tingin sa isa't-isa. Ano ba, Belle. Bakit ba nag-iinit ang mukha mo dyan!
"What's the fuss? You're going to be married so it's only natural. Dont be silly." Sabi naman saamin ng Mama ni Steven. Aish! Bahala kayo.
"Excuse lang po. Papahangin po muna ako." Siguro nga lalabas nalang ako kasi parang planado na lahat sa buhay ko e.
"I'll go with her." Lah!? Problema nitong si Steve? Ayoko nga, sasama pa! Damn, nahiya ako bigla.
"Sure. Go ahead, spend time together." ngi-ngiting sabi ni Mama ko. Napairap tuloy ako.
Lumabas na ko at ramdam kong sumunod naman siya. Nung nasa kalsada na ko. Medyo madilim. Tapos nakauniform pa ko. Buti nga siya hindi e, sobrang tagal ko bang maglakad kanina? Ang hot niya tignan sa suot niya. Syempre siya pa! Mukhang laging nagmomodel ng isang brand sa magazine.
Ewan ko ba kung kailangan ko bang mag-isip ng topic. Mahirap ang sitwasyon ngayon. Nako naman.
"Here, next time, dont step into my business. Dont step into my life." Bigla siyang may inabot. Cellphone? Anong gagawin ko sa cellphone?
Ay, cellphone ko pala to. Di kaya...
"Jun gave it to me, telling me na sa isang baliw na babaeng gusto mangblackmail sakin yang cheap na cellphone." sabi niya habang nakapamulsa.
Tss. Ang yabang. Huh? Pero paano nya nalaman na akin to?
"Pano mo naman nalaman na akin to?" tanong ko. Di naman alam ni Jun ang pangalan ko, at si Steven ay di rin ako kilala.
"Wallpaper." - Steve
Ay potek ! Pakelamero? Tingin ng tingin ng may picture? Kahiya.
"But better remember this. Not because I agreed to our parents' game, I am also letting you to mind my business. This is my fvcking life and you dont have the right to step into your fvcking boundaries."
Tinalikuran ko na siya at bumalik na siya sa loob ng bahay habang ako ay nakatulala lang at speechless lang sa mga sinabi niya.
What's the matter with that idiot? Feeling naman niya, gusto ko siya! Huh!
Oo tama siya. Gusto ko nga pala siya. Bwisit naman! Nakakainis.
Pero, gagawin ko ang lahat para magustuhan niya ko. Tama, gagawin ko ang lahat.
Promise ko yan.
I'll make you fall head over heels to me, my future husband.