CHAPTER 5: Him ❤

1487 Words
Sobrang nakakahiya naman! Shemay. Nakapasok na siya ng room. Maya-maya lang e, magriring na at magstastart na ang klase. Kaso..shit! Nakakahiya pumasok! Tae.Umiinit ang mukha ko. Sasabog ata ako sa hiya. Dito ako ngayon sa labas ng room. Nagtatago. Di ko talaga alam kung pano. Lakas ng kabog ng dibdib ko. *Dug..Dug..Dug...* Ayoko ng feeling na ganito. Ayoko na siya maging crush. Dati ko na siyang minahal at nasaktan. Lagi nalang ako nakatanaw lagi sa malayo at nagiintay sa sulyap niya. Ang hirap. "Hoy! Bakit ka nandyan?" "Ay palaka." Potek! nagulat naman ako kay Heidi. Ano ba yan. "Ano bang problema. Tara na sa loob." Hinila niya nako. Maingay talaga sa room pero nung pumasok ako parang biglang tumahimik, nakayuko lang ako pagpasok. Pero, syempre curious ang lola niyo kung bakit tumahimik kaya naman inangat ko ang ulo ko. Napatingin naman ako sa grupo ng mga lalaki na nakapalibot sa isang upuan. One, two , three, four, and five. Lima silang lalaki dun kasama na ang nakaupo. Nung natitigan ko na sila ng mabuti saka ko lang narealize na its the "Princes". Oo mga prince sa school. Wanna know them? Okay, lets start sa Top 5, he is Yuan Chua. He is a Scholar. Matalino. Gwapo. Pero pilyo. Maingay at magulo. Daming natutuwa sa kanya lalo na pagnagjoke yan. Pamatay. Oo pamatay sa kakornihan. Pero naman, dahil nga gwapo siya, nakikisakay nalang ang madlang pips sa kanya.   Ganyan talga ang life. Unfair.   Top 4 naman itong si Jun Himenez. Siya naman e, yung playboy sa kanilang lima. Halos araw-araw iba ang kasama ng loko. I heard he even sleep with his girls. Major turn off para sakin. Pero marami talagang baliw dyan. Biruin niyo ba naman na, ung mga girls dito na baliw sa kanya e, ayos lang sa kanila na hindi sila ang onlu girlfriend kundi one of his girlfriends. Its a privilege daw. Lol. Si Lanz Kalie Fuentes naman ang Top 3. Wag kayo maingay ha. Pero naging crush ko to. Kasi cute. Baby face tong loko. Tsaka kala mo di makabasag pinggan pero pagtumawa, nako! Buong mundo makakarinig. Tss. Dont judge the book by it's cover nga diba?           So ito naman ung dalawang sobrang sikat talaga. Naiisip ko, bakit ba sila naging magkaibigan eh, halos pinagsasabong sila. What i mean is, parang lagi silang magkalaban sa bagay. Kaya nga sila ang Top 1 at Top 2. Si Kei Henry Fernandez nga ang top 2 kung naaalala niyo pa ang sinabi ko sa inyo. Para sakin, siya ang pinaka mabait. Di dahil sa ginawa niya samin, pero marami na kasing nakakakita. Mayamang tao yan si Kei, well, halos lahat naman sila actually. His father is a rich successful business man. Gwapo siya, given na yun. Pero alam niyo ba, ex-crush yan ng aking mahal na bestfriend pero ngayon, hindi na daw. Si Jun ang crush niya. Binalaan ko na siya dito. Kasi nga playboy. Pero sabi niya, di daw siya kakagat sa landi ng lalaking to. Kaya hinayaan ko na lang siya. Baka nga naman di siya papatol if ever. Oh eto na. Di naman pwedeng si Heidi lang lang ang lumandi paminsan. Pati syempre ang lola niyo, sino pa ba, edi ako! Si Joshua Steven Hoa lang naman ang crush ko ng matagal na. Siya ang Campus Prince dito. The Top 1. The best among the best. Tuwing school year, nagbobotohan ang mga estudyante kung sino ang magiging CAMPUS PRINCE. Si Steven lagi ang nananalo. Maraming nagkakagusto sa kanya. Malamang! Akin yan eh. Joke. Nakakapagtaka lang kasi, he's very serious. Di masyado nakikipagusap, pagkinausap mo e susupladuhan ka. Pero kahit ganun lagi siya ang nagiging Top/Campus Prince. Di ko naman kinakaila na; MATALINO, MAYAMAN, GWAPO, at HOT siya. Di lang sa paningin ko. Kundi naming lahat. Almost perfect na. Pero may isang kulang sa buhay niya.. AKO NGA! Joke! Hahaha. I mean, babae. Kasi naman he is not interested kahit yung pinakamagandang babae pa sa school ang magkagusto sa kanya. Hays, no one knows why. Pero good news yun sakin. Kahit wala kami chance atleast di ako nasasaktan kahit papano. Nung napatingin ako sa kanila, nakita ko nakatingin sila sakin. Ewan ko kung bakit pero, damn bakit ganun? Nakatingin sila? Di naman ako late? Di ko alam pero hayaan mo na, baka ilusyonada lang ang lola niyo. Umupo na ko sa upuan ko. Di pa nagstastart ang klase kaya naman, ang mga classmate ko ay napakaingay ingay. Tumingin lang ako sa may bintana, dahil sa tabi ng aking upuan ay bintana na. A good place. Napatingin naman ako sa gilid ko, syempre ang Hon Steve ko! He's just looking in front. Kaya naman bumalik ako ng tingin sa may labas. Matagal ko na siyang crush, noong First Year College palang ako eh siya na talaga ang napansin ko. Di ko talaga alam kung ano o sino siya nung mga time na un. Kaya napagpasiyahan kong makipagkilala sa kanya, inantay ko siya sa locker niya at nung dumating na siya....     "A...ee...Hi..Ako nga pala si Rinabelle Kyo. Gusto ko lang sabhin na matagal na...na... kitang ...gusto..." Nakayuko ako at minadali kong sabihin yan nung nasa harap ko siya. Halos nakayuko parin ako. Hinihintay ko siya sumagot kaso iba ang sagot na natanggap ko. Nilagpasan niya lang ako at umalis. Halos mamaga at bumalde na ang luha ko. Kasi ewan ko pero parang feeling ko nung mga panahon na yun e mahal ko na siya. Sabihin niyo ng OA pero pagnakikita ko siya kinikilig ako at parang di makukumpleto ang araw ko ng di ko siya nasisilayan man lang. Halos madami akong natamong insulto, at p*******t sa mga babae sa school dahil sa ginawa ko. Di ko alam na ganun pala siya kasikat dito. Ang kapal ko daw. Fine!   At dahil dun nakilala ko ang bestfriend ko, si Heidi. Yun ung araw na binato ko ng isang babae ng bato sa ulo at dumugo ito dahil nagkaroon ng malaking sugat. Aaminin ko ang weekness ko, pag nakakakita ako ng dugo ay nangangatog ako sa kaba at takot. Nagpapanic ako. Kaya naman minsan lang ako masugatan kasi todo ingat ang Mama ko na hindi ako masugatan dahil nga sa takot ko sa dugo. Si Heidi ang naglakas loob tumulong sakin nung panahon na yun, hanggang naging close na kami at pinangako na hindi na magkwekwentuhan tungkol sa mga nangyari pa ng araw na yun.   At dahil dun, tinapos ko ang pagmamahal ko kay Steven.   Hanggang ngayong Third Year College na kami,   It's still one-sided love. No one knows.   ***   Hay Salamat! Tapos na ang klase. Pauwi na ko ngayon, at katulad ng mga nakaraang araw, di ko nakakasabay si Heidi dahil iba ang way ng bahay namin. Kaya eto, lakad lang ako mag-isa.   Tsk.         O_O   O_O   Am I seeing things? Is that really Steven? Nakita ko si Steven sa may park. Dali-dali akong nagtago sa pader para di ako makita. Kasi naman, may kasama siyang babae na di ko makita ang mukha. Nako, picturan ko kaya? Malay niyo yumaman pa ko nito pag binenta ko ang picture na 'to. Okay na ung 1k per bluetooth! Hahaha. So evil, Belle.   Pero sino kaya yung girl. Naguusap silang dalawa. Medyo badtrip kasi di ko maririnig ung usapan nilang dalawa kasi nga nasa kabila akong daan. Pero, mukhang seryoso ang usapan nila. Bakit naman kaya?   Basta! Di na ko affected! Wehhh? Oo nga! Basta back to business, ilabas ang cellphone at ready to capture the moment na magiging susi ng aking pagiging mayaman. Haha. Dahan-dahan ko inangat ang cellphone ko ng.... "Hey, what are you doing?" Nako patay! Kinuha niya ang phone ko sabay hinigit ang braso ko at hinarap sa kanya. Kung mamalasin ka naman! Si Jun na kaibigan ni Steven. Ba't nandito siya? Paano niya ako nakita? Nandiyan ba silang lima? Gosh. Pano na. "A...e" Hala. Paktay ako nito! Think, Belle! Humanap ka ng lusot kundi malilintikan ka talaga. "I get it. Gonna take them a picture and use it as a blackmail." Bingo! OMG, ang galing naman niya. Fvck. Rina, think immediately. Hindi naman blablacmailin eh, mali siya. "No.That's not what you think---" Napahinto ako dahil sa paraan ng pagtitig niya saakin. Nakakatakot! Pero bakit ba? Hindi naman siya ang pipicturan, ano ka? Bading at todo protekta ka sa Steven na yan?   Pero hindi siya sumagot. Hawak niya ng mahigpit ang braso ko. Sh*t, ang sakit ng pagkakahawak niya. Nilapit niya ko ng konti sa kanya..at....at... Packaging tape, is he going to kiss me? For Christ sake!!! ANG FIRST KISS KO! NO WAY. Papalapit na siya. Shocks, ilang inches na lang---   NOOOOOO!   "Cut it out." Huh? Sino un? May tao ba talaga? Dahil nga napapikit ako, unti unti kong minulat ang mata ko.   It's Kei.   Damn!     Should I thank him for stopping Jun na kunin ang first kiss ko? O matakot dahil baka mas lalo akong malintikan na dalawang Prince na ang nasa harapan ko? Damn this situation.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD