SERENA composed herself. Hindi siya dapat na makaramdam ng sakit dahil wala siyang karapatan. She isn’t his wife, nagpapanggap lang siya kaya hindi dapat. Ngunit nang maalala niya ang paghalik nito sa kaniya no'ng isang araw, agad na nagtagis ang mga bagang niya. Hindi siya pinatulog ng gabing iyon tapos makikita niya ito ngayong may kahalikang iba? Sabihin na nating hindi naman ito ang unang humalik sa babae at hindi rin nag-respond but still, he let that leech kissed him in front of her and his men! Kumulo ang dugo niya kaya sa halip na gawin niya ang ginawa ng mga tauhan nito ay naglakad siya palapit dito at sa babaeng haliparot na ayaw na yatang tumigil sa paghalik. Huminto siya nang isang pulgada na lang ang layo nila. Gusto niyang hilahin ang babae palayo kay North pero pinigila

