Chapter 13

2379 Words
NAKITA ni Serena ang pagkawala ng emosyon ng mukha ni North. Inalis nito ang pagkakatungkod ng isang kamay nito sa pader at dumistansiya sa kaniya. Mas lalong tumalim ang mga mata nitong hindi man lang inalis sa pagkakatitig sa kaniya. Then he chuckled lowly. "Ganiyan ba ang strategy mo para makawala ka sa mga salitang binitiwan mo?" he asked. Ramdam niya ang galit sa katawan nito. Desperadang umiling-iling siya. "Maniwala ka, Mr. De Sandiego—" "And why would I believe you, b***h?" putol nito sa sinasabi niya. "Kating-kati ka na ba at gusto mo ng bumalik sa mga lalaki mo habang naglulustay ng pera?" She gasped. Umawang pa ang bibig niya. Hindi siya makapaniwalang ganiyan ang tingin nito sa kaniya. But then, naisip niyang gano'n nga pala ang pagkakakilala nito sa kakambal niya. A b***h, party goer, maraming lalaki at nagwawaldas ng pera nito. Kinumo niya ang dalawang kamay niyang nakapirmi lang sa tagiliran niya at kunot ang noong iniwas niya ang tingin dito. Paano ba niya ito papaliwanagan kung makitid pa sa butas ng karayom ang utak nito? At paano ba niya babaguhin ang imahe ng kapatid niya sa utak ng asawa nito? “How dare you! Hindi ako ganoong babae!” madiing sabi niya. "Kung gusto mo ng mag-file ng annulment, then do it. Hindi mo na kailangang magsinungaling pa." Magsasalita pa sana siya nang may kumatok mula sa labas ng pintuan ng kuwarto. Si North ang unang nakakilos at pinagbuksan ang kung sino man ang kumakatok. "Mom," Narinig niyang sambit ni North nang buksan nito ang pinto. Nahigit niya ang hininga. Iyong kaba niya ay mas domoble pa. Nandito ang mga magulang nito? "Nasaan na ang asawa mo? Nasaan si Selena?" Narinig niya ang boses nang babae at hinahanap ang kapatid niya. Nakita niyang nilakihan ni North ang pagkakabukas ng pinto at bahagya pang gumilid para bigyang daan ang ina nito. Kaagad niya namang nakita ang isang simple ngunit napakagandang babae na pumasok sa loob ng kuwarto. She's wearing a simple white stripe three-fourth sleeve chiffon blouse and a black pants. Maliban sa pares ng earrings, isang gold watch na pambabae at expensive shoulder bag ay wala na siyang ibang accessories na nakikita sa katawan nito. Bumalik ang tingin niya sa magandang mukha ng ginang. Walang bahid na lipstick o kung anu-ano pang gamit para gumanda pero napakaganda ng ginang. Kung pagbabasehan niya ang hitsura nito, parang nakatatandang kapatid lang ito ni North. Inilibot nito ang tingin sa buong kuwarto at ngumiti na para bang natutuwa. Nang dumako ang mga mata nito sa kaniya, para namang tinubuan ng ugat ang mga paa niya at hindi na nakagalaw pa. Nakita niyang bahagya itong natigilan at kumunot pa ang noo. Para bang may nakita itong hindi tama sa hitsura niya. Pero saglit lang iyon at umaliwalas na kaagad ang mukha nito at ngumiti sa kaniya. Hindi naman siya mapakali. Nagkakakilala na ba ito at si Selena? "Selena, hija," nakangiting sambit nito sa pangalan ng kapatid niya at naglakad palapit sa kaniya. Nagulat pa siya nang bigla na lang siya nitong yakapin. Hindi naman sinasadyang magtama ang mga mata nila ni North. Wala pa ring emosyon ang mukha nito pero may pagbabanta naman sa mga mata nito. Napalunok siya at nag-iwas na lang ng tingin dito. "Hello po, Ma'am. Magandang araw po sa inyo." Nahihiya niyang bati sa ginang nang bitiwan na siya nito. Sumimangot ito at nilingon si North. "Ikaw na bata ka, hindi mo ba sinabi sa asawa mo na tawagin niya akong Mommy?" pagalit na sabi ng ginang sa anak nito. Nanlalaki naman ang kaniyang mga mata. “Where’s Dad?” tanong nito sa ina sa halip na sagutin nito ang tanong ng ginang. Bastos nga talaga itong lalaking napangasawa ng kapatid niya. “Downstairs.” “I’ll go to him.” sabi ni North at lumabas na ng kuwarto. "Naku!" Tila nakukunsiming sambit ng ginang. Napangiwi siya. Nang bumaling ulit ang tingin nito sa kaniya ay agad siyang napaayos sa pagkakatayo. “Mapapalo ko talaga ang lalaking iyon." nakukunsumisyong sabi pa nito. "Anyway, tawagin mo akong Mommy Noreen, okay? Mag-asawa na kayo ni North at ang sabi niya sa amin ay susubukan daw niyong dalawa na ayusin ang pagsasama niyo sa loob ng anim na buwan at mukhang nagsasabi naman siya ng totoo dahil magkasama na kayo sa iisang kuwarto.” nakangiting sabi nito. Gulat at namimilog pa ang mga mata niya. “Po? Naku po, Ma’am! Hindi po, nag-uusap lang kami ni North kaya po siya nandito sa kuwarto ko.” “Oh, sorry. Nasa kuwarto ka kasi ng anak ko kaya akala ko, nagsasama na kayo.” nakangiting sabi ng ginang. Oh, s**t! Kuwarto ni North itong napili niya? “Hija,” napakurap siya nang hawakan nito ang dalawang kamay niya. “Sana maayos niyo ng anak ko ang kasal niyo.” Hindi niya alam kung umuo ba siya o hindi. Hindi naman kasi siya si Selena at gusto na niyang itigil itong kahibangang ginawa niya. Sh*t, talaga itong pinasok niyang problema! “Please, hija.” Ma'am Noreen plead. Haist! Bahala na nga! "Sige po, Ma’am." “At please, tawagin mo na rin akong Mommy.” Napangiwi siya at napakamot siya sa kaniyang kaliwang kilay. Pagbibigyan ba niya ito? Mukhang mabait naman ito. At kung ano man siguro ang issue niya kay North ay labas na ang ginang doon. Malalim siyang napabuntonghininga saka tumango. “Sige po, M-Mommy.” Pakiramdam niya may bumara sa lalamunan niya nang sambitin niya ang salitang matagal ng hindi niya nagagamit. Ang salitang simula ng mamatay ang kaniyang ina ay hindi na niya nasasabi pa. Ikinurap-kurap niya ang mga mata para alisin ang nagsimula ng namuong luha sa mga mata niya. Sumakit din ang lalamunan niya sa pagpipigil na hindi maiyak kaya tumikhim siya at huminga ng malalim para mawala ang paninikip ng dibdib niya. "Good." nakangiting sabi ni Ma'am Noreen. Tinititigan pa siya nito na para bang mini-memorize nito ang mukha niya. "Alam mo ba na gustong-gusto talaga kitang ampunin noon nang makita kita kasama ang lola Ida mo?" Namilog ang kaniyang mga mata. Kailanman ay hindi niya nakasama ang lola Ida hanggang sa namatay na lang ito dahil bukod sa taong bahay lang siya ay hindi siya ang paborito ng lola niya na isinasama sa kung saan-saan. Kaya alam niyang si Selena ang nakita nito. "T-Talaga po?" Tumango-tango ito. "Kaya hiniling ko na lang sa lola Ida mo na ipakasal ka na lang sa panganay ko. Kaya sana maaayos talaga ninyo ang kasal niyo ng anak ko." may lungkot sa boses na sabi nito. May lambong rin sa mga mata nito habang nakatingin sa kaniya. Hindi na siya nakaimik pa. Para bang may nagbara na sa utak niya at hindi na siya makaisip pa ng sasabihin. "Oh, siya! Halika sa ibaba at ipakilala kita sa ama ni North." may sigla na sa boses na sabi nito sa kaniya. Hinawakan pa siya sa braso pero agad naman itong natigil sa akmang paghakbang nito at humarap ulit sa kaniya. "Did North has treated you well?" Napakurap siya sa naging tanong nito. Maganda ba ang trato ni North sa kaniya? The answer is no. Hindi. Pero hindi naman niya puwedeng sabihin iyon sa ina nito dahil paniguradong mas magagalit lang ang lalaki sa kaniya. "Oo naman po," Tumaas ang isang kilay nito at mataman siyang tinititigan na para bang makikita sa mukha niya ang katotohanan ng sinabi niya. "Are you sure?" paninigurado pa nito. Tumango siya at ngumiti. "Opo. Sigurado po." "Okay. Mabuti naman kung gano'n." Pagkababa nila ng ginang ay agad nilang nakita si North sa loob ng opisina nito. May kausap itong dalawang lalaking may mga edad na rin at pareho pang nakasuot ng formal suit. "Halika, hija, puntahan natin sila." sabi ng ginang at hinila na siya papunta sa opisina ni North. Natuon kaagad ang mga mata niya sa lalaking hindi nakasuot ng kurbata pagkapasok nila sa loob ng opisina ni North. Sa tingin niya, matanda lang ito ng ilang taon kay Mommy Noreen. Magkasing tangkad din ito at si North, magkahawig ang hitsura at magkasing kulay rin ang mga mata kaya agad niyang nahinuha na ito ang ama ni North. Sa ama pala nito namana ang ka-guwapuhan nito. Napangiwi siya. Ipinilig niya ang ulo para burahin sa isip niya ang papuring iyon sa lalaki. Iyong katabi naman nitong lalaki na nakasuot ng kurbata ay medyo hindi naman katangkaran pero hindi naman maliit. Medyo malaki rin ang pangangatawan at sa isang kamay nito ay may hawak itong suitcase. Ito yata ang abogado ng namatay na lolo ni North. Kaagad naman siyang ipinakilala ni Mommy Noreen sa asawa nito pero tanging tango lang ang iginawad ng lalaki sa kaniya. Mukhang suplado rin yata katulad ng anak nito. Matalim din kung makatingin sa kaniya. Hindi naman pala nakapagtataka ang ugali ni North, may pinagmanahan naman pala talaga. "Thaddeus," may pagbabanta sa boses ni Mommy Noreen na tinawag nito ang asawa. Mukhang na-sense rin ng ginang na ayaw siya ng ama ni North. Inis din yata ito kay Selena. Kunsabagay, kung siya nga na kapatid ni Selena ay naiinis sa mga pinaggagawa nito, ito pa kaya? Sigurado siya na kung anong alam ni North sa mga pinaggagawa ng asawa nito, alam din ng ama nito. Pero bakit si Mommy Noreen ay tanggap pa rin si Selena at magiliw pa rin sa kaniya? Nakita naman niya kung paano lumambot ang mga mata ng lalaki nang tingnan nito ang ginang. Kitang-kita niya sa mga mata ni Mr. De Sandiego ang pagmamahal nito sa asawa. "Hija, meet also Attorney Lenard Besmonte. Siya ang abogado ng Papa Clifford." pagpapakilala ng ginang sa kaniya sa kasamang abogado. "Hello po. Magandang araw po sa inyo." aniya. Akmang yuyukod sana siya para magbigay galang sa matanda nang maramdaman niya ang kamay ni North na humawak sa beywang niya at bahagya pa nito iyong pinisil kaya napatayo siya ng tuwid. Hindi man lang niya namalayan ang paglapit nito sa kaniya. Nag-iinit ang mukhang tiningnan niya si North pero pormal lang ang mukha nitong nakatingin sa mga bisita nila. Hinawakan niya ang kamay nitong nasa bewang pa rin niya para alisin pero hinawakan lang nito ang kamay niya at pinisil. Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang kaniyang sarili. "Magandang araw rin sa'yo, hija. Ako ay natutuwa na napagkasunduan niyo ni North na ayusin ang pagsasama niyong dalawa." nakangiting sabi ng abogado. So, hindi lang pala sa mga magulang nito nasabi ang pagmamatigas niyang mag-file ng annulment, pati rin pala rito sa abogado ng lolo nito. "What made you decide, hija?" tanong ng ama ni North. Para namang nawalan siya ng hangin sa katawan. Narinig niyang tumikhim si North nang hindi kaagad siya nakasagot. Naramdaman din niya ang pagpisil nito ulit sa kamay niyang hindi pa rin nito binitiwan. "Why don't we seat first?" sabi nito. "Oh, oo nga naman." natatawang pagsang-ayon ni Mommy Noreen. Tumango naman si Sir Thaddeus at agad na iginiya ang asawa sa mahabang couch. Naupo naman si Attorney Besmonte sa kaharap na single couch. Mabilis naman siyang kumilos para makawala sa pagkakahawak sa kaniya ni North. Dahil hindi na niya nagugustuhan ang pintig ng puso niya. "So, inuulit ko, hija. What made you decide, para ayusin ang kasal niyo ng anak ko?" Napaayos siya sa pagkakaupo. Ramdam niya ang nakakapasong titig sa kaniya ni North pero hindi na niya ito sinubukan pang tingnan pa at mas lalo lang gugulo ang isip niya. Huminga siya ng malalim at tumingin ng diretso kay Sir Thaddeus. "Iyong totoo po, Sir, ayaw ko po sana at ibibigay ko na lang po ang hiniling niyang annulment kaya lang ang sakit niya pong magsalita kaya nagalit po ako sa kaniya kaya gusto ko siyang pahirapan." Nakita niyang gumalaw ang isang sulok ng labi ni Sir Thaddius. Amuse naman na nakatingin sa kaniya si Mommy Noreen. Totoo naman iyon. Kung hindi lang siya nito pinagsasalitaan ng hindi maganda ni North, kahit na si Selena ang pinatutungkulan nito sa mga salitang iyon, hindi talaga siya magdadalawang-isip na ibigay kaagad dito ang hiniling nitong annulment. "Yes, inaamin ko... I am a player, I love party, going to the club and wasting North's money for leisure but I am willing to change. At naisip ko na kapag nanatili akong kasal kay North at nagsama kami sa iisang bubong ay magagawa ko iyon." Okay, that was a lie. Kulang na lang umikot ang mga mata niya sa mga pinagsasabi niyang kasinungalingan. Pero iniisip talaga niya na baka sa pamamagitan n'yon mabawas-bawasan man lang ang masamang impression ni North kay Selena. Nakita naman niya ang paglamlam ng mga mata ni Mommy Noreen at marahan pa itong tumango-tango. "Pero hindi mo kayang magbago kaya sinabi mo sa akin kanina na hindi mo na itutuloy." malamig na sabi ni North sa kaniya. Manghang tiningnan naman ito ng mga magulang nito. Tahimik lang si Attorney Besmonte na nakikinig sa kanila. Napairap siya at hinarap ito. "Dahil nga ang sakit mong magsalita kaya biglang nagbago ang isip ko." "I thought North treated you well, hija. Tinanong kita kanina, hindi ba?" Naguguluhang tanong sa kaniya ni Mommy Noreen. Shit! Oo nga pala. Serena, you're so doomed! Mariing nakagat na lang niya ang kaniyang pang-ibabang labi. Kasi naman! Bakit pa sinabi ng lalaking 'to na gusto na niyang kumalas? "Haist! Sabi na nga ba at duda talaga ako sa sagot mo kanina na tinatrato ka ng maganda ng anak ko." nakapamaywang na napatayo si Mommy Noreen at masama ng nakatingin kay North. Kung wala lang siguro si Attorney Besmonte rito, sigurado siyang nasapak na ng ginang ang anak nito. "Noreen, calm down." malumanay na saway ni Sir Thaddeus sa asawa nito. Hinawakan pa nito ang kamay ng ginang at pinabalik sa pagkakaupo sa tabi nito. "But can I ask you a favor, hija?" pagsasalita ni Attorney Besmonte kaya napunta ang atensyon nilang lahat dito lalo na siya. "Puwede mo bang ituloy ang anim na buwan na pagsasama niyong dalawa ni North?" "Bakit po?" Marahas na tumayo si North na ikinagulat nila. Napasinghap siya nang hawakan nito ang palapulsuhan niya. "We need to talk." sabi nito at hinila na siya palabas ng opisina nito. Wala ng pakialam kung magmumukha itong bastos sa harap ni Attorney Besmonte at sa mga magulang nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD