Chapter 14

1988 Words
"Mr. De Sandiego, ano ba? Bitiwan mo ako!" malakas na angil ni Serena kay North. Pilit din niyang binabawi ang braso niyang mahigpit na hawak ng lalaki. Pero hindi man lang ito natinag at patuloy lang siya nitong hinahatak paakyat sa itaas ng malapalasyo nitong bahay. Binitiwan lang siya nito nang makapasok na sila sa loob ng kuwartong kaniyang inuukupa, na kuwarto din pala nito. Ini-locked nito ang pinto saka siya hinarap. She was violently panting and murderously glaring at him. Kung punyal lang itong mga mata niya, baka kanina pa bumulagta ang lalaki sa sahig at wala ng buhay. "Ano pa ba ang pag-usapan natin? Hindi ba at maghihiwalay rin naman tayo pagkatapos ng dalawang buwan? Then, bakit kailangan pang patagalin kung doon din naman patungo iyon? Kaya maghiwalay na tayo, magpa-file na ako ng annulment natin." Mas lalong nagdilim ang mukha nito. Naglakad ito palapit sa kaniya at bawat paghakbang nito ay pabilis nang pabilis naman ang pagtibok ng puso niya sa sobrang kaba. Umatras siya pero ilang atras lang ang nagawa niya dahil bumangga na ang likod ng tuhod niya sa paanan ng kama. "Why did you change your mind?" he coldly asked. "Paano ang mga Plano mo, kung gano'n?" Suminghap siya. Namilog pa ang mga mata niya. May alam ba ito kung ano ang mga pinaplano nila ni Selena? "Do you think I didn't know your plan?" mababa pero puno ng galit ang boses na sabi nito sa kaniya. Napalunok siya. Ito na ba ang kinatatakutan niya? Alam na ba nito ang lahat sa kaniya bago pa man niya sinabi kung sino siyang talaga? Pero bakit hindi naman ito naniniwala kanina nang sabihin niyang hindi siya si Selena? Nagpapanggap lang ba ito? Muli siyang napasinghap at pabagsak siyang napaupo sa paanan ng kama at halos pigilan na niya ang kaniyang paghinga nang mas lalong lumapit pa ito sa kaniya. Naramdaman na nga niya ang binti nitong dumikit na sa dalawang tuhod niya. Tiningala niya ito at pilit na nilalabanan ang takot na nararamdaman niya. "Hindi ko alam iyang mga pinagsasabi mo, North." madiing sabi niya. Sinikap din niyang hindi pumiyok ang kaniyang boses. Nakakatakot na ngumisi lang ito. Literal na tumigil ang paghinga niya nang yumuko ito. Humigpit ang pagkapit ng dalawang kamay niya sa mattress ng kama at inatras niya ang kaniyang katawan para hindi magdikit ang kanilang mga mukha. She's out of breath. Kung tatagal na ganito ang position nila ay baka mawalan na siya ng hininga at mamamatay. "I am not a lawyer for nothing, Selena." Magaan ang boses na sabi nito pero ramdam naman niya ang galit doon. "North—" Malakas na napasinghap siya nang marahas siya nitong itinulak kaya napahiga ang kalahating katawan niya sa kama. Babangon na sana siya nang ipitin nito ang tuhod niya gamit ang binti nito at mahigpit na hinawakan nito ang dalawang palapulsuhan at ipininid nito iyon sa magkabilang gilid ng ulo niya. Nagpumiglas siya ngunit mas malakas ito kumpara sa kaniya. “What are you planning that you want us to be together for six months, then out of the blue you changed your mind? Huh?" Naiiyak na umiling-iling siya, natatakot. Pero hangga't kaya pa niyang magsinungaling, hinding-hindi siya aamin dito. Mapapahamak siya at si Selena kung aamin siya. "A-Ano ba—" "You will tell me, or I'll make sure you'll say goodbye to your work. Choose." Nanlaki ang mga mata niya. Hindi puwedeng mawalan siya ng trabaho. Paano na siya kung pati trabaho niya ay mawala sa kaniya? Pero unti-unti rin na napalitan ng galit ang takot na nararamdaman niya. Naningkit ang mga matang sinalubong niya ang mga mata nitong nagbabaga sa galit. Wala itong karapatan na takutin siya ng ganito. Ito ang may kasalanan sa kanila kaya ito dapat ang matakot sa kaniya at hindi siya. Hindi nito alam ang mga pinagdadaanan niya, maka-survive lang siya sa buhay simula ng mawala ang Mama at Papa niya. “H’wag na h’wag mong pakikialaman ang trabaho ko, Mr. De Sandiego,” she said in gritted teeth. Pinagdikit nito ang dalawang kamay niya at itinaas iyon sa ibabaw ng uluhan niya at ipininid nito gamit ang isang kamay na lang nito. Kinuha nito ang cell phone sa bulsa ng suot nitong pantalon at idinikit nito iyon sa tainga nito. "Dr. Martinez," Mas lalong nanlaki ang mga mata niya nang marinig niya ang pagbanggit nito sa apilyedo ng director ng ospital na pinagtatrabahuan niya. "Yes, it's me, Atty. North De Sandiego. I want to—" "No, please..." naiiyak na iling niya sa lalaki. Nahinto ito sa pagsasalita. Malamig at walang emosyon ang mukha nitong nakatitig sa kaniya. "H'wag ang trabaho ko, N-North," "Dr. Martinez, something came up, I'll just call back later." pagkatapos ay pinatay nito ang tawag at ibinalik ang cell phone nito sa bulsa. He smirked. "Then tell me what was your plan?" Umiling-iling siya. "Wala akong plano, okay? Kung ano iyong sinabi ko roon sa Daddy mo at sa abogado, iyon lang ang plano ko. Pero ayaw ko na iyong ituloy pa." He stared at her darkly. "Bakit? Natatakot ka?" Hindi niya matagalan ang titig nito kaya iniwas niya ang luhaang mga mata rito. “Be my wife for six months and I will not interfere with your work, Miss Alegre.” he said, before he released her wrists. Mabilis siyang umatras palayo rito. “Napakasama mo.” asik niya rito at bumaba siya ng kama sa kabilang gilid. “You’ve started it, Miss Alegre. Binigyan kita ng pagkakataon noon pero pinili mo itong sitwasyon natin ngayon.” “Kaya ko nga binabawi—” “And I told you already, it was too late. Hangga't hindi ako nakasisiguradong hindi mawawala sa akin ang Law Firm ko, hindi ka puwedeng mag-file ng annulment,” putol nito sa sasabihin pa sana niya. Pinanliitan niya ito ng mga mata. Gusto niyang isumbat dito lahat ng sakit na pinagdadaanan niya mula ng mawala ang mga magulang niya. Lahat ng hinanakit niya. Lahat ng mga pasakit na naranasan nila ni Selena, simula ng mawalan sila ng mga magulang. Pero sa bawat segundong pagtitig niya sa mga mata ni North ay nawawalan naman siya ng lakas ng loob. Tila tinunaw ng mga titig nito ang galit na nararamdaman niya. Para itong may kung anong gayuma para mawala ang kaniyang galit na nararamdaman dito. Ganito na ba kalalim ang nararamdaman niya para kay North? Na kaya nitong tunawin ang galit na matagal na niyang iniipon sa dibdib niya? She felt frustrated and at the same time disappointed for herself. Muling nag-init ang sulok ng kaniyang mga mata at bigla ay tumulo na lang din ang mga luha niya. Hindi puwedeng ganito ang nararamdaman niya. Asawa ito ng kakambal niya at kahit na walang nararamdaman si Selena para sa lalaki, hindi pa rin mababago na asawa ito ng kapatid niya. Kasal ang mga ito. Hindi man ito minahal ng kapatid niya at gano'n din ito kay Selena, hindi pa rin niya puwedeng ibigin ang lalaki dahil ito ang dahilan kung bakit namatay ang Papa niya. Nakita niyang natigilan ito sa nakikitang reaksyon niya. "Gano'n ka ba talaga kasama na pati trabaho ko ay gusto mo rin na mawala sa akin? Huh?" tanong niya rito. Hindi ito sumagot at bigla na lang itong umalis at lumabas ng kuwarto. Napatitig na lang siya sa nakasaradong pinto. Sunud-sunod ang malalim na hiningang pinakawalan niya para mawala ang bigat na nararamdaman niya. Hindi siya dapat nagkaganito. Hindi siya dapat ang talunan dito. Fine, kung gusto nitong ituloy itong bahay-bahayan nila, puwes pagbibigyan niya ito. Pero sisiguraduhin niya na hindi lang siya ang magiging talunan pagkatapos ng lahat. Hindi lang siya ang masasaktan pagkatapos nitong pagpapanggap niyang si Selena. Pumasok siya sa banyo at naghilamos. Matapos ayusin ang sarili sa harap ng salamin, agad din siyang lumabas ng banyo at lumabas ng kuwarto ni North. Gustuhin man niyang magmukmok at magkulong na lang pero hindi naman puwede dahil may naiwan pa silang bisita sa ibaba. Pagkababa ng hagdanan, dumeretso siya sa kusina. Nagulat naman siya nang maabutan doon si Mommy Noreen na naghahanda ng meryenda. Ngumiti kaagad ito nang makita siya. “Pasensya na at nakialam na ako rito.” “Okay lang po iyon, M-Mommy. Ako nga po dapat ang humingi sa ’yo ng pasensya dahil ako naman dapat ang gumagawa nito at hindi kayo.” Mabilis siyang lumapit dito para tulungan ito sa ginagawa. Akmang dadamputin na sana niya ang pakete ng juice nang hawakan nito ang kamay niya at pinaharap siya rito. “Umiyak ka. Inaway ka ba ng anak ko?” Kaagad naman siyang napailing. “Naku! Hindi po—” “H’wag mo ng pagtakpan ang anak ko, hija. I know him. He is hard sometimes and heartless. Hindi rin siya marunong makinig ng paliwanag.” Nakagat na lang niya ang pang-ibabang labi at nagyuko ng ulo. Totoo naman kasi ang mga pinagsasabi nito. Kunsabagay, ina ito at kung may nakakakilala man kay North ng husto, ito iyon. Kinuha ng ginang ang isa pa niyang kamay kaya dalawang kamay na niya ang hawak nito at naramdaman naman niya ang pagpisil nito sa mga iyon. It was like a gesture of comforting her. At hindi niya inaasahan na ganito siya kung tratuhin ng ina ni North. In-expect kasi niya na maldita ito at galit din sa kaniya. "Bakit hindi kayo galit sa akin katulad ni North at ng asawa niyo po?" tanong niya. Kahit hindi sabihin ni Sir Thaddeus, pero sa kilos nito kanina ay alam niyang galit din ito sa kaniya "Dahil alam ko na mabuti kang babae kahit na masama ang tingin ng ibang tao sa 'yo dahil sa mga hilig mong gawin. At alam ko rin na kahit hindi mo sabihin, alam kong galit ka sa anak ko dahil sa nagawa nila ni Amber sa tatay mo noon,” sabi nito. Nakita niyang may luhang sumungaw sa gilid ng mga mata nito. “Po?” “Selena, my son suffered too—” “Sandali po,” pigil niya sa sinasabi ng ginang. Hindi kasi niya maintindihan. Sino si Amber? Hindi lang ba si North ang nakabangga at nakapatay sa tatay niya? Bakit iba ang pangalang sinasabi nito? “Sino si Amber?” Kumunot ang noo ng ginang. Tila naguguluhan din. “Si Amber, iyong girlfriend ni North at siyang nakabangga sa tatay mo nang gabing nangyari ang aksidenteng iyon.” Gulat na napaawang ang bibig niya. May girlfriend si North? At ito ang nakabangga sa Papa niya? “Hindi ba at nasabi ko na ito sa ’yo noon?” Napakurap siya. "Nasabi niyo na po sa akin?” parang tangang tanong niya. Mas lalong kumunot ang noo nito at mataman pa siyang tinititigan. Pagkuwan ay marahan itong tumango-tango. “Oo, hija. Minsan ko ng sinabi ito sa ’yo noon na hindi ang anak ko ang talagang nakabangga sa tatay mo noon, kundi ang girlfriend niyang si Amber na siyang nagmamaneho ng sasakyan ni North nang gabing nangyari ang aksidente at ikinasawi nilang pareho. Remember nang magkita tayo noon sa isang event?” Oh, s**t! So, nagkita na pala ito at si Selena. Kaya ba may nakita siyang pagtataka sa mukha nito nang makita siya kanina? Nakasuot lang siya ng pajama at loose black t-shirt, at kung nakita na nito si Selena, siguradong magugulat talaga ito dahil sa pananamit niya. Pero bakit hindi man lang nabanggit ni Selena sa kaniya ang tungkol dito? At ano ba talaga ang eksaktong nangyari nang gabing nabangga ang taxi na minamaneho ng papa niya? "But it's okay, hija. It's perfectly understandable na makalimutan mo na dahil matagal na rin naman iyon. And after that encounter, ay hindi na tayo ulit nagkita pa." Gano'n nga kaya? Nakalimutan kaya ni Selena kaya gusto pa rin nitong maghiganti kay North? Pero hindi siya naniniwala na nakalimutan iyon ni Selena. Kilala niya ito, mas matalas pa ang memorya nito kaysa sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD