Chapter 12

1998 Words
NANG makaalis na sina North at ang pinsan nitong si Columbus ay agad na nilapitan ni Serena ang bata. Nakaupo na ito sa mahabang couch rito sa living room at tahimik na naglalaro sa toy car na dala nito. Nasa tabi nito ang backpack na dala ng daddy nito kanina. Mukhang mahilig yata ito sa mga sasakyan dahil pati ang bag na dala nito ay puro toy cars ang naka-print. Naupo siya sa tabi nito. “Hi, baby Cloud—” natigil siya sa pagsasalita nang nakasimangot na tiningnan siya nito. Walang emosyon ang mukha. s**t! Ganito ba talaga lahat ng mga kalahi ni North? At pati bata, nakaka-intimidate. Kung hindi lang ito bata baka natakot na rin siya kagaya nang palagi niyang nararamdaman kapag kaharap niya si North at ganiyan na ganiyan ang hitsura. Ngumiti siya at itinaas ang isang kamay para haplusin ang matambok nitong pisngi. Hinayaan lang naman siya nito kaya mas lalong napangiti siya. Kung hindi lang siya nag-aalala na baka umiyak ito at magsumbong sa daddy nito, ang sarap sanang panggigilan ang matambok nitong pisngi. “Ayaw mo bang tawagin kitang baby?” tanong niya. Nawala ang pagkalukot ng mukha nito at tumango. Mas lumawak ang ngiti niya at nagkaroon pa iyon ng tunog. Sinundot pa niya ito sa tagiliran na ikinaigtad nito at napangiti na rin. Her heart leapt with his sudden smile. s**t! Panigurado marami rin itong babaeng paiiyakin in the future. “Oyy, ang choosy, ah. Baby ka pa naman talaga.” nangingiting sabi niya. Ngumuso ito at inosenteng nakatitig lang sa kaniya. “Pero sige, kung ayaw mong tawagin kitang baby, tatawagin na lang kita sa pangalan mo.” Tumango naman ito at ipinagpatuloy na ang paglalaro. Tahimik na pinagmasdan lang niya ito. “Nagugutom ka ba?” tanong niya ulit kay Cloud matapos ng mahabang katahimikan. Umiling lang ito. Tumayo siya at tumingin sa may round clock na nakasabit sa wall. Malapit ng palang magtanghalian. Tumingin ulit siya sa bata. Mukhang enjoy na enjoy pa naman ito sa paglalaro, magluluto na lang muna siguro siya ng kanilang tanghalian. “Cloud, maiwan na muna kita rito, ha? Magluluto lang ako ng tanghalian natin. Pero kung gusto mo, puwede kang sumama sa akin sa kusina at doon maglaro.” Tumingin ito sa kaniya at tumango. Itinaas nito ang dalawang kamay. Magpapakarga yata. Napangiti naman siya at yumukod para buhatin ito. Napangiwi siya dahil ang bigat nito. Tsk. Buti na lang sobrang cute at guwapo nito kaya okay lang kahit mabigat ito. Matapos makapagluto ay niyaya niya ang bata na mananghalian na sila. Tumango naman ito kaya mabilis siyang naghain ng pagkain sa mesa. Nagustuhan naman nito ang niluto niyang chicken adobo at chop suey. Natutuwa siya na kumakain pala ito ng gulay. Ang ibang bata kasi na laki sa yaman ay hindi kumakain n’yon. Mas pipiliin nito ang hotdog, itlog, ham at kung anu-ano pang hindi naman healthy sa katawan. "You want some?" alok niya pa, nang makitang naubos na nito ang pagkain sa plato nito. Tumango naman ito at itinuro ang chop suey. Ngumiti siya at mabilis na nagsandok ng chop suey at inilagay sa plato nito. "Alam mo, natutuwa ako na kumakain ka ng gulay. Healthy ito para sa katawan natin. Sobrang masustansiya ang mga ito." daldal niya rito kahit hindi naman ito sumasagot sa kaniya. Matapos kumain ay naglaro muna sila ni Cloud sa sala sa mga laruang dala nito habang hinihintay na makabalik sina North at Columbus. Mga laruan at dalawang pares na bihisan pala ang naroon sa bag nito. Ngunit inaantok na lang ang bata, pero wala pa rin ang mga ito kaya niyaya na lang muna niya si Cloud na matutulog na muna sila sa kaniyang kuwarto. Nagising lang siya nang makarinig siya ng may humintong sasakyan sa labas. Kunot ang noong babangon na sana siya nang may mabigat namang nakadagan sa kanang braso niyang nakadipa. Napatingin naman kaagad siya sa tabi niya. Agad din siyang napangiti nang makita niya si baby Cloud na himbing na himbing pa ring natutulog habang nakaunan sa braso niya. Kaya pala hindi niya maigalaw ang braso niya, may nakaunan palang guwapong bulilit. Dahan-dahan siyang bumangon kahit nahihirapan para hindi niya maistorbo ang tulog nito. Dahan-dahan din niyang kinuha ang kaniyang braso dahil masakit na at ngalay na ngalay na iyon at namamanhid pa. Ngunit bago pa man niya magawa nang bumukas ang pintuan ng kuwarto at pumasok si North. As usual magkasalubong na naman ang mga kilay nito at lukot ang noo. His hair was disheveled, and he looks exhausted. Nang gumalaw ang ulo ng bata ay agad siyang napangiwi. Sinubukan niya ulit na kunin ang braso niya pero agad naman siyang natigilan nang makita si North na nakatayo na sa gilid ng kama kung saan nakapuwesto ang pamangkin nito. "Wait, don't move yet. Iaangat ko lang ang ulo niya." pigil nito sa kaniya at maingat na hinawakan ang ulo ni Cloud at marahang inangat. Mariin siyang napapikit at nakagat pa niya ang pang-ibabang labi dahil ramdam niya ang pammnhid ng kaniyang braso. Nang maalis na ni North ang ulo ni Cloud mula sa pagkakaunan nito sa braso niya ay dahan-dahan niyang inalis ang braso at ipinatong niya iyon sa kaniyang kandungan. Napasinghap pa siya nang parang kinukuryente ang laman ng braso niya. "Are you okay?" Narinig niyang tanong ni North. Ewan, pero may narinig siyang pag-aalala sa boses nito. Umiling siya. Para siyang maiiyak dahil mas tumindi pa na parang tinutusok ng karayom ang braso niya. Nawala naman iyong pamamanhid pero pumalit naman iyong para siyang tinutusok ng karayom at masakit. Mabilis naman niyang naimulat ang mga mata nang maramdaman niyang hinawakan nito ang braso niya. Mahina pa siyang napasinghap nang magtama ang kanilang mga mata. Nakaupo na rin ito sa kama. Si Cloud naman ay himbing pa ring natutulog. Sinimulan naman nitong i-massage ang braso niya. Nakakahiya mang aminin pero nakaramdam siya ng ginhawa. Unti-unting nawawala ang pananakit doon. "Bakit mo naman kasi pinaunan sa kaniya iyang braso mo?" mahina lang pero may panenermong tanong nito sa kaniya. "Ayaw niyang gumamit ng unan, mas gusto raw niya ang braso ko." sagot naman niya. He just tsked and continue massaging her arm. Itinuon na lang niya ang mga mata sa natutulog pa ring si Cloud. He is really an adorable baby. Gusto niya ang bata. Hindi mahirap bantayan. Kahit alam niyang may ugali itong katulad ni North o sa ama nito pero alam niyang mabait ito. Hindi nga lang niya maintindihan kung bakit hindi ito makapagsalita. Mukhang healthy naman ito. At sa tingin niya matalino ito. Ang problema lang talaga nito ay hindi ito makapagsalita. Ano kaya ang nangyari rito? "North, bakit nga pala siya hindi makapagsalita?" Hindi na niya napigilang tanong sa lalaki. Nanatili pa rin ang mga mata niya sa bata. Nurse siya at na-assigned sa Pediatric Department pero ngayon lang siya nakaka-encounter ng bata na hindi nagsasalita pero healthy naman. Kunot ang noong tumingin siya sa lalaki nang hindi ito sumagot. Pero nagulat naman siya nang makitang titig na titig na ito sa kaniya at kahit nakatingin na siya rito ay hindi man lang ito nahihiya at nanatiling nakatitig pa rin sa kaniya. Mas lalong kumabog ang dibdib niya. "B-Bakit?" nauutal pang tanong niya. Naiilang siya sa pagtitig nito na para bang—s**t! Baka may muta pa siya sa mga mata. Pasimple naman niyang kinusot ang mga mata, kunwari napupuwing siya. Nakahinga naman siya ng maluwag nang wala naman siya makapa roon. "Now you're calling my first name." sabi nito. Natigilan siya at naibaba niya ang kamay na nasa mga mata pa niya. Nakita pa niya ang pagtaas ng isang sulok ng labi nito at puno ng amusement ang mga mata nitong nakatitig pa rin sa kaniya. Kaagad naman siyang pinag-iinitan ng mukha. "Uh..." napalunok siya. Hindi niya alam kung ano ang isasagot. s**t! Bakit nga ba niya ito natawag sa pangalan nito? "But I like it more than calling my surname." Patuloy pa rin nitong minamasahe ang kaniyang braso. Pero mas lalo lang yata siyang pinag-initan ng mukha. "And now you're blushing..." he chuckled. "Uh... salamat sa masahe." aniya at mabilis na binawi niya ang braso mula rito at nagmamadaling bumaba siya ng kama. Nagmamadaling pumasok kaagad siya sa loob ng banyo. Pagkasara niya ng pinto ay tutop ang dibdib na napasandal na lang siya roon. "Gaga ka talaga, Serena." sermon niya sa kaniyang sarili. Napukpok pa niya ang kaniyang noo sa nakakumo na niyang kanang kamay. Hindi siya puwedeng magkagusto sa lalaking iyon. Asawa ito ng kapatid niya kaya mali itong nararamdaman niya. Lumapit siya sa may sink. Binuksan niya ang faucet at naghilamos. Pero natigilan siya at napatitig sa repleksyon niya sa salamin. "No. Hindi ka puwedeng magkagusto sa lalaking dahilan kaya nawalan kayo ni Selena ng ama." kausap niya sa babaeng nakikita sa harap niya. Shit! Nababaliw na yata siya at pati repleksyon niya sa salamin ay kinakausap na niya. Pero hindi talaga puwede kaya bahala na kung magalit si Selena sa kaniya. Magpa-file na talaga siya ng annulment. Kumuha siya ng towel sa may rack at pinunasan ang mukha niya bago siya lumabas ng banyo. Pero agad din naman siyang natigilan nang makitang nandito pa rin ang lalaki sa loob ng kaniyang kuwarto. Nakaupo ito sa gilid ng kama pero agad din na kumunot ang noo niya nang makitang wala na si Cloud sa kama. "Nasaan na ang bata?" tanong niya rito. "Umuwi na kasama ang tatay niya." kaswal nitong sagot sa kaniya. Tumayo ito at isinuksok ang dalawang kamay sa bulsa ng suot nitong jeans. "Anyway, matutuloy sina Mommy at Daddy rito mamaya. Kasama ang abogado ni lolo." Napalunok siya. Bigla ay nag-init ang sulok ng mga mata niya. Ganito siya kapag natatakot o di kaya ay nape-pressure sa mga nangyayari. "Mr. De Sandiego, can we stop this?" mahinang pakiusap niya rito. Kumunot ang noo nito. Bahagya pa nitong itinagilid ang mukha at nakita niya ang pag-iigting ng mga panga nito. "Alam kong ako ang humiling nito sa'yo na magsama tayo sa loob ng anim na buwan—" "Exactly." galit na putol nito sa kaniya. Madilim ang mukhang naglakad ito palapit sa kaniya at hindi man lang inalis ang tingin sa kaniya. Kinakabahang napaatras siya. Pero hindi ito tumigil at patuloy lang ito sa paglapit sa kaniya. Patuloy din naman ang pag-atras niya. Napasinghap siya at namilog ang mga mata nang tumama ang likod niya sa matigas na bagay. Wala na siyang maatrasan pa pero patuloy pa rin ang paglapit ng lalaki sa kaniya hanggang sa gadangkal na lang ang distansiya nilang dalawa. Sa sobrang lapit nito ay naaamoy na niya ang pabango nito. Napasinghap siya at napaigtad nang itukod nito ang isang kamay nito sa pader malapit sa gilid ng kaniyang ulo. Dahil matangkad ito kaysa sa kaniya ay yumuko pa ito para makita ang mukha niya. Pero itinagilid niya ang mukha at nakatitig sa ibang direksyon. Ayaw niyang salubungin ang mga mata nito at baka makita nito ang takot sa mga mata niya. "Give me one f*****g reason on why you're backing out with your own words, Selena." sabi nito sa mababang boses. His words give her chills. Naramdaman pa niya ang mainit nitong hininga na tumatama sa gilid ng mukha niya na nagpadagdag sa kabang nararamdaman niya. Nakagat niya ang kaniyang pang-ibabang labi. Nakita pa niya ang pagbaba ng tingin nito roon kaya mas lalong dumiin ang pagkakagat niya. "Answer me Selena and f*****g release your lower lip or else..." ibinitin nito ang pagsasalita. He looks murderous, pero sa mga labi naman niya ito nakatingin kaya sa takot niya na baka may gawin itong masama ay kaagad niyang binitiwan ang pagkakagat niya sa pang-ibabang labi niya. Sunud-sunod din at mararahas ang pinakakawalan niyang hininga. Madiin siyang pumikit. Kailangan niyang sabihin dito ang totoo. Iminulat niya ang mga mata at matapang na sinalubong niya ng tingin ang malamig at walang emosyon nitong mga matang nakatitig pa rin sa kaniya. "Dahil h-hindi ako si Selena."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD