Chapter 11

2116 Words
“Oh! Sorry... I thought your name was Serena. Selena pala iyon. Mukhang nabibingi na yata ako,” ani Zephieru at mahina pa itong natawa. Kaagad namutla si Serena sa pagbanggit ni Zephieru sa tunay niyang pangalan. Nang tumingin siya kay North ay magkasalubong na naman ang dalawang kilay ng lalaki at matalim ang mga matang nakatitig sa pinsan nito. It was as if, he wanted to smash Zephieru's smiling face. “E-Excuse me, ikukuha ko lang kayo ng meryenda,” paalam niya sa mga ito at mabilis ng tumalikod. Pagkapasok niya sa loob ng kusina ay nanghihinang napasandal siya sa may pader. Alam niyang may ibig sabihin iyon. Pakiramdam niya may alam na iyong Zephieru kung sino talaga siya. “Hindi… baka praning lang ako.” mahina niyang kausap sa kaniyang sarili. Baka totoong nabibingi lang talaga ang lalaking iyon. At saka hindi ba at muntik na niyang mabanggit ang tunay niyang pangalan kanina rito? Tama. Baka iyon lang iyon at wala naman talaga iyong ibang kahulugan. "Tama! Walang ibang kahulugan iyon—" "What were you saying?" Nanlaki ang kaniyang mga mata at mabilis na napaahon mula sa pagkakasandal sa pader nang marinig niya si North. “Mr. De Sandiego!” gulat na bulalas niya. Napahawak pa siya sa tapat ng kaniyang dibdib. Pakiramdam niya, tumalon sa malayo ang puso niya. Napalunok siya nang makita niya ang pagsasalubong ng makakapal nitong mga kilay. Pero hindi siya nagpadaig sa nararamdaman niya. Tumikhim siya at pilit binabalik ang composed niya sa sarili. “May kailangan ka pa ba?” malumanay ang boses na tanong niya rito. Matagal pa muna siya nitong tinitigan, tila inaarok kung ano nga ba ang nangyari sa kaniya at nagsasalita siya na mag-isa. Agad naman siyang nakaramdam ng pagkailang. “I want coffee. Ideretso mo na lang din sa opisina ko.” anito at lumabas na ng kusina. Napairap na lang siya. Anong tingin nito sa kaniya, sekretarya nito? Pero kahit asar siya sa lalaki ay ipinagtimpla pa rin niya ito ng kapeng hinihingi nito. Bitbit ang tray na may lamang juice at snacks ay nagtungo siya sa opisina ni North. Nakabukas na ang glass door ng opisina nito kaya dire-diretso na siyang pumasok sa loob. Mabilis naman na tumayo si Zephieru at kinuha mula sa kaniya ang tray. “Salamat,” aniya sa lalaki. "You're welcome, Selena." he smirked. Pinagdidiinan pa talaga nito ang pagbanggit nito sa pangalan ng kapatid niya. "Ze, where's the report I'm asking you?" biglang tanong ni North. Kaya agad na napatingin sila ni Zephieru sa lalaki. Nakita naman niyang ngumisi ang isang lalaki na nakaupo sa isang single couch na nasa harap lang ng malaking desk ni North. Gano'n din ang isa pang lalaki na nasa mahabang couch naman nakaupo pero may kung ano sa mga ngisi nito na ikinailang niya. Ito iyong lalaking titig na titig sa kaniya kanina roon sa may sala. Namungay pa ang mga mata nito habang sinisipat ang mapuputi niyang hita. Nakasuot lang kasi siya nang isang soft printed mini dress at flat sandals na may strap. Above the knee ang dress kaya exposed na exposed ang kaniyang hita. Pero may iba pa siyang pakiramdam na hindi lang basta bisita ni North ang lalaki. Sa klase ng ngisi at titig nito sa kaniya, mukhang kilala siya nito. "Why are you still standing there?" Nabaling ang tingin niya kay North. "We're busy. Get out!" taboy nito sa kaniya. Napakurap siya. Napapahiyang kaagad siyang tumalikod. Hindi na siya nagpaalam at halos tumakbo na siya palabas ng opisina nito. Ang sama talaga ng ugali ng lalaking iyon. Hindi na nga nagpasalamat, sinigawan pa siya at itinataboy. Nagmamadali siyang umakyat sa itaas at pumasok sa kaniyang kuwarto. Nanginginig ang mga kamay niya. Buong buhay niya simula nang napunta siya rito sa Maynila at itinaguyod ang sarili na mag-isa ay ngayon lang siya napahiya ng gano'n. Hindi na niya napigilan at tuluyan ng tumulo ang mga luha niya. Suminghot siya at mabilis na pinahiran ang luhang naglandasan sa pisngi niya. Sunud-sunod na huminga siya ng malalim para gumaan ang pakiramdam niya. Ilang buntonghininga pa, bago niya napakalma ang sarili. Kinuha niya ang kaniyang phone sa bag at sinubukan niyang kontakin si Selena. Pauuwiin na niya ito. Hindi na niya kayang magpanggap pa. Ang sakit magsalita ng asawa nito. At kung magtatagal siya rito kasama ang lalaki baka masabi niya rito lahat ng mga hinanakit niya sa ginawa nito sa kanilang ama. At natatakot rin siya na kapag malaman nang lalaking iyon ang totoo, baka ipakulong siya nito at tatanggalan ng lisensya sa pagiging nurse niya. “Selena, sagutin mo naman, please…” aniya, habang pabalik-balik na nagpalakad-lakad malapit sa may paanan ng kama. Ngunit naubusan na lang ng baterya ang cellphone niya ay tanging operator lang ang sumasagot sa kaniya. Marahas na napabuntonghininga siya at pagbagsak na naupo sa may paanan ng kama. Ano ba ang ginagawa ng babaeng iyon at hindi na niya ito makontak? Kahapon nang subukan din niya itong tawagan ay hindi rin niya ito makontak. Hindi ito puwede! Suko na siya. Ayaw na niyang magpanggap! Ayaw niyang isugal ang lisensyang pinaghihirapan niyang makuha. Tumayo siya at nagtungo sa may closet. Inilabas niya ang kaniyang maleta. Good thing at hindi pa niya nailabas ang mga gamit niya mula sa loob n’yon. Natigilan siya at agad napatingin sa may pinto nang may kumakatok sa labas n'yon. Pero agad na bumalik ang inis niya nang maisip na baka si North ang kumakatok. Wala naman kasing iba dahil imposible naman kung aakyat iyong pinsan nito rito o di kaya iyong dalawang lalaking kasama pa ng mga ito. "Selena, are you there?" Napaigtad siya at napakurap pa nang marinig niya ang boses ni North. Ang lalaki nga ang nasa labas. Bigla ay bumalik ang inis niya sa lalaki sa pagpapahiya nito sa kaniya sa mga bisita nito. Mabilis siyang naglakad papunta sa pinto para pagbuksan ito. Mas mabuti na rin siguro na nandito ito para masabi na niyang hindi na niya tatapusin ang anim na buwan at magpa-file na siya ng annulment. Bahala na si Selena sa revenge na binabalak nito. Total annulment din naman ang gusto nitong mangyari pagkatapos nitong makapaghiganti sa lalaki. “My parents and Atty. Besmonte are coming here tonight,” bungad kaagad ng lalaki sa kaniya nang pagbuksan niya ito ng pinto. Hindi kaagad siya nakapagsalita at nakatingin lang siya rito. Sa sinabi nito ay mas lalong kailangan na niyang umalis dito. “A-Ano? B-Bakit?” nauutal na tanong niya rito. Nagpapanik na rin siya. "My parents want to meet you and Atty. Besmonte wants to talk to you about the last will." “H-hindi na kailangan, Mr. De Sandiego. Magpa-file na ako ng annulment.” sabi niya. Kumunot ang noo nito at naniningkit pa ang mga matang tiningnan siya. Then, he chuckled and tilted his head. Nakita pa niya ang paggalaw ng adam’s apple nito. “Isang araw pa lang, and now you’re backing out.” panunuya nito. “ Ano’ng nangyari at bigla-bigla ay nagbago ang isip mo?” Mas lalong tumalim ang mga titig nito sa kaniya. Napaatras siya nang umabante ito. “N-Nothing. N-Naisip ko lang na ibigay na sa’yo ang kalayaan na hinihingi mo.” aniya, habang umaatras dahil patuloy ang paglapit nito sa kaniya. Hindi na nga niya namalayan na tuluyan na itong nakapasok sa loob ng kuwarto. Namilog ang mga mata niya nang makitang isinarado nito ang pinto at ini-locked pa nito iyon habang ang mga mata ay nasa kaniya pa rin nakatuon. "Why? Are you afraid to fall in love with me?" Napahinto siya sa pag-atras. Kumunot ang noo niya at pinagtaasan pa niya ito ng isang kilay. “Hindi.” she said, confidently. Nahinto ito sa akmang paglapit sa kaniya. Pinag-krus nito ang mga braso sa ibabaw ng dibdib nito. “Hindi ako natatakot dahil sure akong hindi ako mai-inlove sa kagaya mo.” “Sa kagaya ko?” he smirked. “Then, why are you backing out? Wala ka pa ngang ginagawa para ayusin ang kasal natin pero magba-backed out ka na.” "Nagbago na ang isip ko." aniya at nilapitan ang kaniyang maleta. "Bukas na bukas din ay ipapadala ko sa'yo ang annulment papers—" Natigil siya sa pagsasalita nang tumunog ang doorbell. "Stay here. We'll talk—damn!" mura nito nang sunud-sunod na ang pagtunog ng doorbell. Mukhang naiinip na ang kung sino man ang bisita nito. Nanghihinang napasalampak na lang siya sa may paanan ng kama. Sinubukan niyang tawagan ulit si Selena pero hindi pa rin niya ito matawagan. Napaangat ang tingin niya sa may pinto nang bumukas ulit iyon. Nakita naman niya si North na pumasok pero may kasama na itong cute at napakaguwapong bata. Sa tingin niya ay nasa tatlong taon gulang pa ito. "Can I ask you a favor?" Mula sa bata ay napaangat ang tingin niya kay North. "What?" "Can you look after him? May pupuntahan lang kami ng kaniyang ama at walang magbabantay sa kaniya." Napatingin siya ulit sa bata. Nakatingin din ito sa kaniya. And s**t! Ang ganda ng mga mata nito, kulay abuhin din gaya ng katabi nitong lalaking arogante pa sa lahat ng mga minatay. "Anak mo?" nakataas ang kilay na tanong niya kay North. He smirked. Pero bago pa man ito nakapagsalita nang may lalaking pumasok sa kuwarto. The man was wearing a black button-down long sleeve, pero nakatupi naman ang manggas niyon hanggang sa siko nito. It was tucked in a black pants with a black belt. Madilim din ang mukha nito at walang emosyon ang mga matang nakatingin sa kaniya. Namatayan ba ang lalaking 'to? But in all fairness, ang guwapo rin ng lalaki at kahawig nito ang bata. Kasing tangkad din nito si North at pareho ang mga kulay ng mga mata kaya nasisiguro niyang isa rin itong De Sandiego, hindi nga lang niya alam kung kapatid ba o pinsan. "I am his father, Mrs. De Sandiego—" "She's Selena, Columbus." putol kaagad ni North sa sinabi ng lalaki. "Oh! Your wife." ani ng lalaking Columbus pala ang pangalan. Kaagad namang nag-iinit ang mukha niya sa sinabi nito. Lumapit ito sa kaniya at naglahad ng kamay sa harap niya. " I'm Columbus Alistair, North's cousin." pagpapakilala ng lalaki sa kaniya. "Selena, Sir," aniya at tinanggap ang kamay nitong nakalahad. "Nah, you can call me Alistair—" "Call him, Columbus, Selena." madiing sabat ni North at tumabi sa kaiya kaya agad na tumambol ng malakas ang puso niya. s**t! Isa pa itong nararamdaman niya sa tuwing nasa malapit lang ang lalaki. Kaya hindi talaga puwede na magtagal pa siya rito. Columbus laughed. Pagkuwan ay umiling-iling na tiningnan nito ang pinsan. Tila ba hindi ito makapaniwala sa iniakto ng lalaki. "It's nice meeting you, Selena." Naramdaman pa niya ang marahang pagpisil nito sa kamay niya bago nito binitiwan. "Anyway, he is Cloud Alistair, my three-year-old son." sabi nito at hinawakan ang maliit na kamay ng bata. May asawa na pala ang lalaking 'to. Yumuko siya para magpantay ang mukha nila ng bata. Nginitian niya ito. "Nice meeting you, Cloud. I'm Selena and you can call me..." inilapit niya ang bibig sa kanang taenga nito at ibinulong niya rito ang palayaw niyang Sere. Nagulat naman siya nang itinaas nito ang kanang kamay nito at masuyong hinaplos ang pisngi niya. "That was his signal that he liked you, Selena. Hindi kasi siya makapagsalita." Gulat na napaangat siya ng tingin. Umayos na rin siya sa pagkakatayo. "Hindi siya makapagsalita?" Pero bago pa man ito makasagot nang mag-ring ang phone nito. "Excuse me. I'll just answer this call." pasintabi nito sa kanila ni North. Hinarap naman kaagad niya si North para magtanong sa kalagayan ni Cloud pero naunahan siya nito sa pagsasalita. "I will call Mom and Dad to postpone our dinner tomorrow." sabi ni North. Kumunot ang noo niya. Nakalimutan ba nito ang sinabi niya kanina? "Ang sabi ko kanina, Mr. De Sandiego—" "We'll talk when we come back." putol nito sa sinasabi niya na ikinatahimik naman niya. Dumukwang ito at hinalikan sa noo ang pamangkin. "No, Mr. De Sandiego—" natigil naman siya sa pagpoprotesta niya nang makitang palapit na ulit sa kanila si Columbus. "Can you look after him, Selena? Naghahanap pa kasi sina Mom and Dad ng panibagong yaya niya." ani ng lalaki. "But don't worry, babalik din naman kami kaagad ni North." Wala na siyang nagawa kundi ang pumayag. Agad naman na nagpaalam ang lalaki sa anak nito, pero hindi man lang niya nakitaan ng reaksyon ang bata. Ngunit nang si North ang nagpaalam ay tumango ang bata at ngumiti pa ito. Mukhang close si North sa bata kaysa sa sariling ama nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD