Pagkalabas nila ng bahay ay agad silang nagtungo sa likod nito dahil doon diumano nakatanim ang mga strawberries ng binata. Mailap ang paningin ng dalaga dahil hindi niya pa rin nakikita ang dalawa. Labis na ang pag-aalala ng dalaga ng makitang marami pa rin ang bunga ng mga strawberry isa lang ang ibig sabihin nun: hindi napakialam nila Sinag ang mga pananim ng binata.
Ang inaasahan ng dalaga ay wala na silang madadatnang bunga ng mga ito dahil pinagpyestahan na ng dalawa ngunit nagkamali sya. Something is not right!
"Nasaan na ba kayo..." mahinang bulong ng dalaga habang nakasunod sa binata. Iginala niya ang paningin ngunit wala pa ring bakas ng dalawa.
"What's wrong? May problema ba?" takang tanong ng binata nang mapansin nito ang pagkabalisa ng dalaga.
"Ha? Wala naman, nilalamig lang siguro ako."Aniya sabay yakap sa sarili.
"Oo nga pala, wait kuha ako ng pambalabal mo sa loob..." anang binata habang nagmamadali sa pagtakbo pabalik ng bahay.
Sinamantala iyon ng dalaga gumamit ng mahika para makita at matunton ang dalawa. Dahan dahang pumikit ang dalaga habang umuusal ng salamangka.
Lumakas ang kabog ng dibdib ng dalaga ng maaninag niya sa balintataw ang dalawang lambana na nakakulong sa isang garapon at hindi makalabas. Nasa loob ang mga ito ng lumang bahay at madaming garapon ang nasa tabi ng mga ito na parang pinag eksperimentahan. Aninag niya ang takot sa mga mata ni Sinag habang pilit kumakawala.
Halos maiyak ang dalaga nang makita na halos nanghihina na si Luna habang nagpupumilit pa rin si Sinag na makawala sa garapon ngunit kahit anong gawin nito ay hindi ito makalabas.
"Hi, I'm back..." Inilagay nito ang balabal sa katawan ng dalaga.
"Logan, pwede bang magtanong?"
"Yes, of course, ano 'yun?"
"May bahay kubo ba dito malapit sainyo??"
"Yeah, ayun oh.." sabay turo sa bandang gilid ng bahay.
"Kaninong bahay 'yan?"
"Kay Aling Cely 'yan. Ginawa na lang na storage simula noog hindi na ako nag stay dito. Lumipat na siya sa bahay ko, why?"
Pagkasabi ng binata na galing 'yun sa matanda ay agad ng nagmadali ang dalaga sa paglalakad patungo roon. Kailangan niyang iligtas ang dalaga bago pa mahuli ang lahat. Mahal na mahal niya ang dalawa at hindi siya papayag na may mangyaring masama sa mga ito.
"Hey Riva! What's going on?" takang tanong ng binata habang patakbo ito sa pagsunod sa dalaga na lakad takbo na ang ginagawa makalapit lang sa bahay kubo.
"It's locked, matagal na 'yang hindi nagagamit at isa pa umalis si Aling Cely. We can't open it, nasa kanya ang susi." muling wika ng binata ng maabutan nito ang dalaga ngunit nananatiling tahimik ang dalaga.
Napanganga na lang ang binata ng makita nitong bumukas ang pintuan sa isang kumpas lang ng kamay ng dalaga at agad itong pumasok sa loob at nanghalughog.
Puno ng pagtataka at kaba ang namamayani sa dibdib ng binata dahil sa nakita ngunit sinundan niya pa rin ang dalaga. Naabutan niya ito habang tila naghahalungkat sa mga garapong nakita nila na nakahilera sa gilid.
"Ano ang mga ito?" nagtatakang tanong ng binata ng makita ang mga garapon na tila may mga nakapreserbang mga ugat at tila mga insekto.
"Sinag! Luna!" mangiyak-ngiyak na sigaw ng dalaga habang kinukuha nito ang garapon na may kalakihan ngunit sa pagtataka ng binata ay wala naman iyong laman.
"Sino si Sinag at Luna?"takang tanong ng binata habang nananatiling nakatitig sa dalaga. Ang alam niya ay sila lang ni Riva ang umakyat ng Baguio.
Bahagya pang pumikit ang dalaga habang bumibigkas ng mga wikang di niya maintindihan hanggang sa mapagtagumpayan nito na mabuksan ang garapon at maingat na sinalo ng mga kamay ang laman niyon na sa pagtataka ng binata ay hindi niya makita.
"R-riva? What is going on?"
"Ssshhhh!" anang dalaga habang patuloy na ginagamot ang nanghihinang lambana hanggang sa bumalik ang sigla nina Luna at Sinag.
"Riva?" muling usal ng binata dahil labis na siyang nagtataka sa inaasal nito.
Mayamaya pa ay nagbalik na sa dating lakas ang dalawa at masaya itong hinagkan ang dalaga.
"Riva, buti na lang niligtas mo kami. Akala namin ay mamamatay na kami!"Umiiyak na wika ni Luna sa dalaga.
"Oo nga Riva, buti na lang hindi mo kami pinabayaan..." wika naman ni Sinag habang paikot-ikot ito sa paglipad.
"Ano ba kasing nangyari? Paano kayo nakulong diyan?" naluluhang tanong ng dalaga sa mga ito.
"Yung matanda kasi, hinuli kami kanina kasi nakita niya kaming kumakain ng strawberry.." umiiyak na sumbong ni Luna.
"Sorry sa pang iistorbo. Pero sino kausap mo?". tanong muli ng binata na halos hindi na mapansin ng dalaga.
"Sina Sinag at Luna..." naluluhang ani ng dalaga sa binata sabay ngiti.
"Sinag? Luna? Sino sila?"
Nagkatinginan naman ang tatlo at sa marahang pagtango ni Riva ay tuluyang nakita ni Logan ang dalawang lambana.
"Hi, Logan, kumusta ka?" magkapanabay na wika ng dalawa habang nakangiti.
Tila nanlaki naman ang tenga ng binata at nagsitayuan lahat ng balahibo niya pagkakita sa dalawa. Hindi siya makapaniwalang makakakita siya ng ganoong klaseng nilalang.
"Sila ang mga tagapangalaga at kaibigan ko Logan..." pagpapakilala ng dalaga sa dalawa. Tiningnan niya si Logan at kita niya ang pagkatulala nito.
Ngunit sa halip na sagutin ang dalaga ay biglang nawalan ng malay ang binata. Mabuti na lang at naagapan ito ng dalaga bago bumagsak ang katawan nito sa lapag.
"Tulungan ni'yo akong ibalik siya sa loob." Anang dalaga sa dalawa habang inaalalayan ang binata pabalik sa bahay nito.
*******
Pagdilat ng mga mata ng binata ay waring nag iisip pa ito ng malalim hanggang sa bumalik sa alaala niya ang nakitang maliliit na bagay bago siya mawalan ng malay.
"Ahhhhh!!" hintakot na sigaw ng binata ngunit naging maagap si Riva at agad itong nadaluhan.
"Logan, okay ka lang ba? Huwag kang matakot." Pakiusap ng dalaga sa binata habang hinahaplos ang balikat nito.
"I saw tiny creatures a while ago...and... and... you know them...and-" utal nitong sambit.
"At kyut kami..." sabad ni Sinag na biglang lumitaw sa harapan ng binata.
"Ahhh!" malakas na sigaw ng binata kasabay ng pagtakip ng mga mata na waring takot na takot.
"Logan, huminahon ka, mababait sila at hindi ka nila sasaktan..." pagpapakalma ng dalaga sa binata.
"They are pixies. Sila ang bantay ko since my mother died. They will not harm you. I promise!" malambing na wika ng dalaga sabay haplos sa pangahang mukha ng binata. Muling nag angat ng mukha ang binata at kabadong tinitigan sina Sinag at Luna na pawang nakangiti sa kanya.
"Hi ulit..." bati muli ni Sinag sa binata na nakangiti ng napakatamis.
"Bakit may alaga kang ganyan Riva?" tanong ni Logan na bakas pa din ang pagkabigla sa nakikita.
"I am an enchantress Logan...." napipilitang amin ng dalaga sa binata. She has no way out. Kailangan na niyang umamin para tuluyan nitong maintindihan ang sitwasyon niya.
Kung hindi lang siguro kinailangang iligtas ng dalaga ang dalawa ay hindi rin siya aamin sa binata dahil wala siyang balak sabihin dito kung ano siya talaga.
"W-what? You mean, totoo ang sinabi ni Erin before?"
"Yeah..." nakayukong amin ng dalaga sa binata. Inihahanda niya na ang sarili sa sasabihin nito o sa pag iwas sakali man.
"Cool!" sambit ng binata habang nakangiti na ito.
"Hindi ka na takot sa amin?" gilalas na tanong ni Luna sa binata.
"Hindi na, ang galing nga eh. Pixies are real!!" nakangiting sambit ng binata habang sinisipat ang dalawang lambana. Siya namang dating ni Aling Cely. Kaagad itong lumapit sa kanila habang itinataboy sina Sinag at Luna papalayo sa binata.
"Lumayo kayo!" pagalit na sigaw ni Aling Cely ngunit agad namang dumipensa si Riva para sa mga kaibigan.
"Huwag mong sasaktan ang mga kaibigan ko, Aling Cely lalo pa at wala silang ginagawang masama sa inyo! Oras na inulit mo pa ang ginawa mo sa kanila ay magsisi ka!" babala ng dalaga habang nakatingin ng matalim sa matanda.
"Lumayo kayo kay Logan dahil masasama kayo!" matigas na wika ng matanda sa dalaga.
"Hindi lahat ng nakatira sa kabilang mundo ay masasama, Aling Cely. Mababait ang mga lambanang ninais mong saktan at hindi namin ugaling manakit lalo kapag wala namang ginagawa sa amin. Pero nakahanda akong lumaban lalo na pag sila na ang pinag-uusapan" matapang na sagot ng dalaga.
Marahil ay napansin ni Aling Cely na hindi niya kayang kalabanin si Riva kaya bigla itong huminahon at humingi ng paumanhin sa nagawa nito. Nagkaroon na raw kasi ito ng engkwentro sa ibang lambana at nagawan daw nito ng masama ang kaniyang pamilya kaya ito nagkaron ng galit sa mga lambana.
"Ayos lang, Aling Cely. Pero sana huwag nang mauulit na pagtangkaan mo silang dalawa, dahil hindi ko mapapatawad ang sinumang manakit sa kanila.." wika ng dalaga sabay ngiti sa matanda at nakipagkamay dito.
Mayamaya ang kanina'y balot ng tensyon na kapaligiran ay napalitan ng mga tawanan at mahika lalo na ng magpakitang gilas ang dalawang lambana sa harapan ng dalawang mortal.