A NEW THREAT TO ELIMINATE

1206 Words
Sa bawat oras na nagdaan ay lihim na nagmamatyag sina Luna at Riva sa bawat galaw ni Yumi. Hindi na rin kasi maasahan si Sinag dahil nakatulala na lang ito habang nakatingin kay Yumi at panay ito sunod sa dalaga na naengkanto. Halos lahat ng kalalakihan doon ay nagpapapansin sa dalaga at sa kasamaang palad ay isa na roon si Logan. "Riva, namimiss ko na si Sinag, puro na lang siya Yumi!" malungkot na sabi ni Luna habang nakatingin kay Sinag na tila may sarili ng mundo. "Hayaan mo mamaya kakausapin ko si Sinag, huwag ka ng malungkot," alo niya kay Luna. Pati siya ay lihim na ring naiinis lalo na nang makita si Logan na titig na titig kay Yumi. Sa isang iglap ang Logan na dati ay nasa tabi niya palagi ay biglang nawala at napunta sa iba. Nakaramdam siya ng munting kurot sa puso ng makita ang binata na inaalalayan si Yumi at abutan ito ng tubig samantalang siya ay hindi man lang nito magawang tingnan. Logan seems to intoxicated with Yumi's charm and that is not okay! "Mukhang nang-aakit siya ng mga kalalakihan. Lahat ng lalaki dito sa opisina biglang nahumaling sa kanya." sambit ni Luna habang malungkot na nakatanaw kay Sinag. "Wag kang mag alala Luna at aayusin natin 'yan..." aniya rito habang naglalaro sa isip niya kung paano komprontahin si Yumi. Kailangan niyang malaman kung ano ang sadya nito sa kanila. **** Tanghali na ngunit wala pa ring Logan na nag aaya sa kanya na sabay na silang kumain. Dati-rati ay agad itong nagpupunta sa pwesto niya at hindi siya nito nakakaligtaan maliban sa araw na iyon. Kaya naman sila na kang dalawa ni Luna ang nagpunta sa canteen dahil di niya rin mahagilap si Sinag. Pagkarating nila sa canteen ay halos hindi siya makapaniwala na makitang kasama ni Logan si Yumi at naghaharutan pa ang dalawa. Parang biglang tumaas ang lahat ng dugo niya sa ulo at gusto niyang hablutin ang binata papalayo kay Yumi ngunit ayaw niyang mapahiya lalo na napakaraming tao ang naroon. Halos lahat ay nagpapapansin kay Yumi maliban sa mga babaeng naroon na tila nagtataka rin sa mga nangyayari. Pakiramdam niya ay inagawan siya ng dalaga ng dalawang bagay na pinahahalagahan niya. Si Logan at si Sinag. "Kanina pa ako naghahanap kay Sinag, dito lang pala siya!" naghihinanakit na wika ni Luna habang nakatingin kay Sinag na palipad lipad lang sa gilid ni Yumi. "Mukhang may kailangan tayong kausapin Luna." seryosong wika niya habang matiim na nakatitig kay Yumi na gandang-ganda sasarili at nagpapacute sa mga lalaki lalo na kay Logan.Pagkatapos kumain ng lahat ay agad na nagpunta si Yumi sa cr kaya naman agad ding sumunod si Riva para makipag usap ng maayos dito. "Yumi, pwede ba tayong mag-usap, sandali?" seryosong wika niya sa dalaga ng matiyak na sila lang sa loob ng restroom. "Ikaw pala Riva. May kailangan ka?" "Anong ginagawa mo sa mga tao rito? Sino ka ba talaga?" "Huh? Wala akong ginagawa, I don't know what you're talking about!" kaila nito. "Huwag ka nang magmaang-maangan pa. Alam ko ang ginagawa mo, Yumi! Itigil mo 'yan, binabalaan kita! "seryosong wika niya rito. Tumawa ito sa sinabi niya at pagkatapos ay nanlilisik ang mga matang tumitig sa kanya. "At sino ka para utusan ako? Who do you think, you are, Riva?" "Hindi yan utos ,Yumi. Kung hindi pakiusap na may kalakip na babala. Itigil mo 'yang ginagawa m-" "At kung hindi? Don't tell me na ipapatapon mo ako pabalik sa kabilang mundo?" nadulas na sambit nito.  Napangisi ang dalaga. Totoo talaga na sa bibig nahuhuli ang isda at hindi sa buntot. "Sabi na nga ba eh! Doon ka rin galing kasi nakikita mo kami ni Sinag!!" malakas na sabi ni Luna dito. "Tumigil ka lambana! Hindi ako kagaya ng kasama mong mahina at nakuntento lang sa pagiging alalay ni Riva!" "Hindi ko sila alalay, mga kaibigan ko sila!" pagtatama niya rito. "Kung isa kang lambana paano kang nagkatawang tao?" takang tanong ni Luna. Halata na rin na galit na rin ito sa pakulo ni Yumi. "Kaya ka nga lambana, kasi dapat makapangyarihan ka. Kasalanan ko bang nilimitahan ni'yo lang ang sarili ninyo?" dilat ang mga matang sabi nito. "Anong ibig mong sabihin?!" salubong ang kilay na tanong ni Riva. "Hindi ako kagaya ng lambana na kilala mo. Mas makapangyarihan at mas magaling ako sa kanila kaya ako nakarating dito sa mundo ng mga tao at bilang isangmortal para makasalamuha sila. At hindi ninyo ako mapipigilan, hindi ikaw Luna ang sisira sa mga pangarap ko. At lalong hindi ikaw 'yun, Riva! Hindi ko hahayaan na mauwi sa wala ang lahat ng ginawa ko para lang marating ang kung anuman na meron ako ngayon!" gigil na sabi ni Yumi sa kanila bago ito lumabas sa banyo. Naiwan sila ni Luna na halos manginig na sa sobrang galit at inis. "Paano siyang nagkatawang tao Riva. Hindi ba't iilan lamang sa mga lambana ang may kakayahang gawin 'yun? Kami nga ni Sinag hindi namin 'yun magawa at kung may kapangyarihan man kami hind 'yun kasinglakas o kasing galing ng kanya. Samantalang siya nagawa niyang magkatawang tao at ngayon ay nagagawa niyang akitin ang mga lalaki sa paligid niya." Ani Luna. "Huwag kang mag alala Luna. Hindi rin 'yan magtatagal, tara na sa labas marami pa tayong trabaho na gagawin..." Yakag niya rito. She has to think kung paano niya mapipigilan si Yumi. Pagkalabas nila ay umarte na parang normal si Riva,hindi na rin nito tinitingnan si Logan na panay pa rin ang papansin kay Yumi. Kailangan nya kasing mag focus sa trabaho at ayaw niyang maapektuhan ang trabaho niya dahil lang sa isang suwail na lambana. **** Sumapit na ang uwian at hindi na umaasa ang dalaga na ihahatid pa siya ni Logan dahil alam niyang nasa ilalim pa rin iyon ng mahika ni Yumi. Mas inaalala niya si Sinag na hindi pa rin bumabalik sa kanila kaya naman ginamitan na niya ito ng mahika para maisama nila ito sa pag uwi. "Pakawalan mo ako, Riva!" tila galit na sigaw ni Sinag ng makarating ito sa kinaroroonan nila ni Luna. "Kailan ka pa natutong sigawan si Riva?!" inis na sagot ni Luna dito. "Wala kang pakialam Luna! Pakawalan mo ako rito, babalik ako kay Yumi, ano ba Riva!" pagalit na sigaw ni Sinag sa kanya. "Hindi kita pakakawalan Sinag, sa ayaw at sa gusto mo ay uuwi na tayo." Pasimpleng sagot niya rito habang iniimis ang mga gamit. "Pakawalan mo ako sabi eh! Ano ba!!! Wala kang karapatang pagbawalan at diktahan ako sa mga gusto kong gawin! Kaya pakawalan mo ako rito!" gigil na tungayaw ni Sinag habang pinipilit ang sarili na bumalik sa gawi ni Yumi. "Hindi, uuwi na tayo dahil 'yun ang gusto ko Sinag at kahit na anong sabihin mo ay hindi kita pakakawalan!" matigas na sagot niya rito at agad na ikinulong muli sa mahiwagang bula ang lambana habang tahimik naman na nakasunod si Luna na nalulungkot dahil sa biglaang pagbabago ni Sinag. Tinapunan muna ng tingin ni Riva sina Yumi at Logan bago siya tuluyang lumabas sa opisina para umuwi. Kailangan niya munang malaman kung saan galing si Yumi para alam niya ang mga hakbang na dapat niyang gawin para mapigilan ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD