Chapter 3

1729 Words
CHAPTER 3 Ang akward habang nag ba-byahe kami papunta sa airport, 'kami' dahil sumama si PJ. Hindi ko na sana siya gustong isama pa dahil alam kong magiging ganito lang ang pakiramdam ko. Hindi ako mapakali. Mabuti na lang at siya ang nagmamaneho dahil baka kung saan pa kami bumangga kapag ako ang nag drive sa estado ko ngayon. "Bahala ka pag may masabi sayo si Papa." Kibit balikat lang ang tugon niya sakin. Iniliko niya ang sasakyan papasok sa intayan sa airport. Hindi na namin pa kailangan hanapin si papa dahil agad ko na siyang nakita. My father Eduardo Von, my estranged father. Bumaba kami ng sasakyan ni PJ at lumapit sa kaniya. Wala kaming narinig na kahit ano mula sa kaniya hanggang sa makarating kami kung saan namin itinigil ang kotse. Bubuka pa lamang ang labi ko upang kausapin si papa ngunit napabaling sa kaliwa ang aking mukha ng dumapo ang kaniyang palad sa aking pisngi. Halata ang pagkagulat ni PJ ngunit nanatiling walang emosyon ang mukha ko. "Alam mo ba kung gaano kalaking kahihiyan ang dinala mo sa pamilya natin ng kumalat ang picture mo kasama ang lalaki na ito na hindi ko alam kung saan mo napulot? Pati ang Mama mo nadadamay dahil pinag-uusapan ng mga amiga niya ang nangyari sayo." Malamig na tinignan ko si Papa. Ito ang una naming pag kikita pag katapos ng ilang taon. It's not like I intentionally did this. Sinong matinong babae ang gugustuhin na ipakita ang mga larawang iyon sa buong mundo.   "First, Pa, hindi ko napulot si Pj. Sa pangalawa mong sinabi, well, I dont know what to answer to you dahil matagal na panahon na akong walang ina." Akmang sasampalin niya ako ulit ng pinigilan ni PJ ang kamay niya. Binawi ni Papa ang kaniyang kamay at binigyan ng nanlilisik na tingin si PJ. "At itong lalakeng to? Ano na lang ang sasabihin ng mga kakilala natin? Na pumatol ka basta basta sa lalaking hindi galing sa buena pamilya?" I rolled my eyes. "Papa, His name is Paris James Roqas and sorry to burst your bubble, pero he's richer than you." "Its nice to meet you, Mr. Von." Hindi siya pinansin ng ama ko na ibinaling lang ang tingin sa akin. "Pero ang kahihiyan na ginawa mo-" "Its just a mere misfortune and I dont think na big deal yon, pinapalaki lang ng asawa mo ang issue na wala naman talaga.." "Show some respect Katerina!" "If you want to talk about respect here then try to tell that to yourself, Papa, hindi ako ang nage-eskandalo sa gitna ng airport." Mukang napahiya si Papa kaya binuksan niya na lang yung pinto sa likod ng kotse at pumasok. Huminga ako ng malalim at akmang papasok na ako sa passenger seat ng pigilan ako ni PJ sa braso. "You look shaken. Are you alright?" "Why wouldn't I be?" "Hindi mo kailangan mag kunwari sa harapan ko. I know you." Hindi na ako sumagot at pumasok na lang ako sa kotse. He know enough not to push it and I silently thank him for it. Tahimik lang ang naging biyahe namin. Nakatingin lang ako sa labas at malalim na nag iisip. Kung hindi pa ako tinapik ni PJ ay hindi ko mapapansin na nasa tapat na ako ng bahay ko at kasalukuyan ng nasa labas si Papa at inililibot ang paningin nito sa lugar na ngayon lang nito napuntahan. Like I've said, matagal kaming hindi nagkita. "Is this your house Roqas?" Mukha bang wala akong pambili ng bahay? Hindi nga niya alam ang tungkol sa kompanya ko. A company that handle different trends of fashion. Nabuo ko ito sa tulong ni Poseidon upang mapadali ang lahat. Alam kong malayo ito sa kinuha kong course noon. Gusto ko lang namang galitin si Papa kaya kumuha ako ng kuro na alam kong hindi niya magugustuhan. He wanted me to take bussiness administration...but I didn't. Ang alam lang ng ama ko ay isa ako na anak na walang ginawa kundi ang sayangin ang pera niya. Ni hindi man niya tinignan kung ginagalaw ko ba ang mga pinapadala niya. Hindi niya alam na palihim ko ng kinakalaban ang negosyo niya. I owe everything to my boss, Poseidon. Papa owns a huge furniture company in Spain. The thing is I don't only handle clothes and other trendy things...I also have a furniture line. "No Sir, this is your daughter's house." Nanglaki ang mga mata ni papa. Bago pa siya makapagsalita ay lumabas na ang mga kawaksi at binati ako. Pumasok kami sa loob at tahimik na inintay ko lang ang sasabihin ng ama ko. Hindi na ako masusurpresa kung may ikokomento na naman siyang hindi maganda. When it comes to my dearest father, you need to expect the worst. Nanigas ang katawan ko ng umakbay sa akin si PJ. He used to do that, especially kapag hindi kami busy sa pagtatalo. "Nice place you have here-" Pinutol na ni papa kung ano pa man ang sasabihin niya. "Malaki ang kahihiyan na dinala mo sa pamilya ko, Katerina. Hindi ko akalain na magagawa mo yon! Hindi ka pa ikinikasal pero nagawa mo na ang mga bagay na ginagawa lang ng mag-asawa! Sinasabi na nga bang walang mabubuting idudulot yang pag momodel mo..kung aayos ka lang ba at pamamahalaan ang negosyo natin di sana babaguhin ko na ang testament ko at hahatiin ko sa inyo ng kapatid mong si Claire ang kompanya." Ko? Did I heard it right? "Seriously, pa? Your such a hypocrite. Hindi na kita kilala, hindi na ikaw yung Papa na kilala namin ni Mama. Naging katulad ka narin ng bago mong pamilya. Siguro talagang mas mahal mo yung kabit mo kesa kay mama." "Hindi totoo yan! Mahal ko si Katalina." "Yeh right! kaya nga nag taksil ka sa kaniya." "Matagal ko ng kasintahan si Lucita at may nangyari samin ngunit pinag kasundo na kami ni katalina at hindi ako tumutol dahil mahal ko siya." "You're talking about love? You don't know a thing about love, Papa. Nang mamatay si Mama nag bago na ag lahat. You even left me here!" "Dahil lumayo ka sakin!" "Dahil hindi mo natulungan si Mama non! Dahil mas pinili mo ang kabit mo! Dahil you cheated on her!" "Akala mo ikaw lang ang nag dusa? nang mawala si Katalina wala na akong pakialam sa lahat. Bakit ko pa ba pakikitunguhan ang anak niya ngayong may sarili naman akong anak? Naisip ko na mag simula ulit kasama ni Lucita at ng anak namin. Ang nag iisa kong anak!" Napaatras ako. Naramdaman ko ang pagtama ko kay PJ na inalalayan naman ako, ngunit nanatiling nasa ama ko ang aking atensyon. Hindi ko lam kung tama ang narinig ko. Kung totoo na...na... "Tama ang narinig mo Katerina. Hindi kita anak. Pero tinanggap kita dahil mahal ko ang mama mo, tinanggap kita bilang tunay na anak ko. Lahat ng oras ko binuhos ko sa inyo pero ni minsan hindi ko napagtuunan ng pansin ang sarili kong anak dahil pinili ko kayo." "All along niloko niyo lang ako...buong buhay ko dala ko ang apelido na hindi sakin! sino ang totoo kong ama?!" "No katerina, dala mo ang apelido mo." "Anong ibig mong sabihin?" "You're my elder brother's daughter." "But-" "Hindi mo na siya nakita dahil matagal na siyang namatay. Nobya niya noon ang Mama mo, mahal nila ang isa't isa at kahit mahal ko si Katalina, wala na akong nagawa. Ngunit nagkaroon ng aksidente ng minsan siyang lumaban sa isang karera, namatay siya at naiwan niya ang mama mo na dalawang buwan ng buntis. Kaya kami ipinagkasundo para hindi ka lumaking bastarda." "You all lied to me!" "Dahil kailangan naming itago lahat ng ito. Isang kahihiyan sa pamilya. Iniwan kita dito dahil nagiging rebelde ka at naisip ko rin na mas mabuting makasama ko muna ang pamilya ko. Katerina, quit modelling and I'll give you your shares, karapatan mo yon dahil anak ka ni Kuya Adriano." "I don't need it. I don't need your money." "Idiota! anong pinagmamalaki mo? Itong bahay nato? Higit pa dito ang makukuha mo kung tutulungan mo si Claire sa papamahala ng kompanya. Hindi mo kailangan pumunta sa Spain. Nandito naman ang isang branch ng kompanya at para hindi narin napapagod si Claire sa pabalik balik niya." I scoffed. If I know hindi niya lang gustong malugi ang kompanya dahil sa pamamahala ng hipon niyang anak. Hindi na ako magtataka kung magugulat na lang siya sa biglang pagbagsak ng kompanya. "I said I dont need your money." "Katerina!" May kinuha ako sa coffee table na folder at inabot ko sa kaniya iyon. Bumadha ang galit sa mga mata niya ng makita ang larawan ng kompaniya ko. "Ano to? Wag mong sabihin sakin na dito ka nag ta-trabaho bukod sa pag momodel mo?" "No." "Then what-" "It's mine." Kulang ang sabihing nagulat siya sa binatawan kong kataga. Ngunit hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin. I want him out of here. I don't want to see him. I don't want to remember all the lies they did. "You see 'Papa'...I dont need your money." Umangat ang kamay niya at pinadapo iyon sa pisngi ko. And this time, hindi na iyon napigilan ni PJ. Pinalis ko ang luhang namilibis sa mga mata ko. "Wala kang utang na loob! Pag katapos ng kahihiyan na ibinigay mo samin ngayon!" "Nasa modern world na tayo papa. Masyado lang makitid ang mga utak niyo." "I give you a life but you wasted it. You owe me. You owe me big! I-ahon mo kami ngayon sa kahihiyan!" I shrugged. "What do you want me to do?" "Pakasalan mo ang lalaking yan!" "That's ridiculous-" "Makakaasa ho kayo Sir." Nanunukat na tumingin sa amin si Eduardo at pagkatapos ay walang salitang lumabas. Sinenyasan ko ang isang kawaksi. Alam kong alam na niya ang kailangan niyang gawin. Nanghihina na napaupo ako. Naramdaman kong umupo sa tabi ko si PJ ngunit tumalikod lang ako sa kaniya. I don't want him to see me like this. I stifled a gasp when I feel PJ's arms around my waist. I can feel his hot breath on my right ear. "P-Pj?" "Shh...wag ka ng umiyak." "Bakit sinabi mo kay papa yon? Nagpapapikot ka ba talaga?"   "Hindi ko naman sinabing magpapakasal tayo kaagad. We can make our engagement publicly para malaman ng mga tao ang totoong status natin. Then a press conference. Pag nangyari iyon hindi na mapapahiya ang pamilya mo. After some time we can call things off." Gumalaw ako upang lingunin siya ngunit pinigilan niya ako at mas lalo pang humigpit ang pagkakayakap sa akin. "Let's stay like this for a while." Just for a while. After this, maybe I can think clear enough at ng makagawa ako ng paraan para matuloy ang kasal. Tama si Mishy. I have to make a move and get the man that I love.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD