CHAPTER 24 Breathe in, breathe out, breathe in, breathe out. Sa pagkakaalam ko wala akong hika pero ngayon parang magkakaroon na ako. Ngayon alam ko na ang feeling ni mishy ng ikanasal siya. Yes, kasal na namin ngayon ni PJ. Medyo natagalan nga lang dahil kailangan ko pang pagalingin ang mga sugat ko. Salamat sa siyensiya at kay Doctora Bree ay wala ng bakas ang mga ginawa sa akin ni John noon. "Kumalma ka." Natatawang sabi ni Mishy habang ngiting-ngiti na pinapanood ako. Mukhang natutuwang nakakaganti na siya ngayon. Naka suot na ako ng wedding gown. Nakaayos na din ang lahat. May magbibiga na lang ng signal kung kelan papasok si Mishy na siyang mauuna bago ang maid of honor.. At pagkatapos ay ako na ang susunod. Kasalukuyan ng pumapasok ang iba na naunuksong tumitingin pa sa akin. P

