CHAPTER 23 Pinadaplis ko sa kaniya ang kutsilyong hawak ko. Ngunit hindi man lang siya natinag. Sa halip ay tumawa pa siya. Nang humakbang siya palapit sa akin ay walang pag aalinlangan na sinalubong ko siya. "Anong-" Bumagsak siya sa sahig habang hawak ang kutsilyo na itinarak ko sa kaniyang tiyan. Nagmamadaling lumapit ako kay Sandra at pinakawalan ko siya. Ganoon din ang ginawa ko kay Britany. "Dalian na natin, wala na tayong oras."-me Tumakbo kami palabas. Malaki ang bahay na kinaroroonan namin. Malakas ang hinuha ko na pag aari ito ng isa sa mga biktima niya. Napaungol ako ng makita kong ang lalayo ng pagitan ng mga bahay. Mukhang mga abandonado pa ang mga nasa lugar na ito. Malaki ang posibilidad na mahabol niya kami bago pa kami makahanap ng tulong. Lalo na at malubha ang mga

