Chapter 17

916 Words
CHAPTER 17 Maaga akong nakatulog kagabi...which means I'm still lucky. With all that I'm going through right now, samga narinig ko, I dont think any sane people can sleep at night. Sabi ko dati kaya ko siyang hintayin, na kaya ko siyang intindihin, na kahit anong mangyari hindi ako susuko sa kaniya. Hindi rin pala. Marunong din pala akong mapagod. Kasi ngayon, suko na ako. Sukong suko na ako. I need a little time, then aalis na ako rito. For once, gusto kong bigyan ng panahon ang sarili ko. Pagod na ako. Pagod na akong mag hintay sa wala. Ngunit sa ngayon ay nandito parin ako, Kasalukuyan akong nasa laboratory kasama si PJ. Same old, same old. Still the cheerful little muse of experiment department. The same Kat na nakikita nila araw-araw. No one will ever see that I'm breaking pieces by pieces inside. Because I'm so good at hiding my feelings. I was used to it. "Kat?" Ah, here he is. The reason of my heartbreak. I smiled at him. "Yes?" "Anong gusto mong lunch?" "Carbonara. Walang kahit ano, ok?" "Ok, got it."  "Pupunta muna ako sa training area. I-che-check ko lang ang ilan sa mga equipments natin. May mga kailangang ayusin daw roon." Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo. "See you later." Nakangiting tumango at naglakad na ako palabas. Tumalikod ako sa kaniya at unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi ko. "Kat?"  Hindi lumilingong sumagot ako. "Yes?" "Something's wrong. What is it?" Pinaskil ko ang pekeng ngiti sa mga labi ko at nilingon ko siya. "Nothing. Now get my carbonara bago pa kami magutom ni baby." Imbis na tumuloy sa training area ay pumunta ako sa garden ng BHO. Nanghihinang umupo ako sa isa sa mga bench doon. Malungkot na tumingin ako sa langit. "Why am I not enough for him? I can give him he love that Mishy cannot give him. I waited for him for years. Pero mukhang kailangan ko na pong tumigil ngayon. Napapagod narin kasi ang puso ko. Masyado ko ng pinahirapan. Sorry God ha? Kung sumusuko na ako ngayon. Hindi ko na kasi kayang i-restart ang puso ko ulit para tanggapin lahat ng sakit na mararanasan ko. Quotang quota na." Pinahid ko ang luhang namalibis mula sa pisnigi ko. Huminga ako ng malalim at bumalik na ako sa laboratory. Napatigil ako ng marinig kong may kausap siya sa phone. "Mishy...I'm..I want to tell you something-..shit!" Mapait na ngumiti ako. We're both pathetic. Pareho kaming nagmamahal sa mga taong hindi kami kayang mahalin. Pareho kaming hindi magawang tumingin sa iba. "Mishy?...I need.."  Huminga ako ng malalim at tuluyan ng pumasok. Napatingin sa akin si PJ at agad niyang pinatay ang phone niya. Nakangiting sinalubong niya ako.  "Were you talking to someone? Baka nakakaistorbo ako-" "No.I'm just calling my assistant sa company ko."  "Ah. Where's my food?" Nakangiting inabot niya sa akin ang styrofoam. Tahimik na umupo ako sa sofa at nagsimulang kaumain. Kahit pa hindi ko malasahan ang kinakain ko. "PJ?" "Hmm?" "I want to ask you something na dapat tinanong ko na sayo before." "What is it?" Tinignan ko siya ng diretso. Hindi ko alam kung anong magbabago sa itatanong ko sa kaniya. Dahil alam ko naman ang sagot. At kung hindi man iyon ang isagot niya, alam kong hindi totoo ang lalabas mula sa labi niya. Masokista nga yata talaga ako.  "Do you love me?" "Kat..." "Just answer it, PJ. It's okay."  Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. "Yes I do." Tumulo ang mga luhang pinipigil ko. Heaven knows kung gano katagal ko tong hinintay.Na marinig mula sa mga labi niya ang katagang iyon. But I cannot force myself to be happy right now. Not when I know he only said it because he knew that it was what I want to hear.  Akala ko wala ng mas sasakit pa sa mga narinig ko mula sa kaniya ng kausap niya si Hex. Pero mas masakit pala ito. Na para bang nililimos ko ang pagmamahal niya. I can see in his eyes na kahit si Pj hindi siya sigurado sa sinabi niya. I can see it and it hurts so damn much. "T-That's good to hear. Hey, PJ, alis muna ako saglit. May kukunin lang ako sa room ko." "Kat-" Hindi ko na siya pinansin at tuloy-tuloy ako na lumabas. Imbis na sa kwarto ko ako tumuloy ay tinungo ko ang kwarto ni Mishy. Mabilis akong nakapasok doon gamit ang security number niya na sinabi niya sa akin dati.  Nang makapasok ako ay pumilas ako sa isang notebook at may isinulat. Inilagay ko iyon sa table ni mishy. Pagkatapos ay tumuloy ako sa kwarto ko at mabilisan kong inilagay sa suitcase ang mga damit at gamit na kailangan ko. Nang makapag impake ako ay dumiretso ako sa parking lot. Hawak ko ang BHO phone ko. I pressed some keys to turn off all the cameras na bubukas lamang kapag nakalayo na ako ng ilang metro mula sa headquarters. Pagkatapos ay ipinasok ko ang gamit ko sa kotse. Ilang sandali lang ay lulan na ako ng sasakyan palabas ng BHO.  I need to get away. Alam kong dapat ay maayos na nagpaalam ako pero sana ay maintindihan nila ang desisyon ko. I'm so tired of smiling and pretending that I'm happy, when all along I'm breaking my heart in the process. I always thought that love is blind...that I am blind for loving someone that would never love me back. But now I truly understand that I'm wrong. That love can see but I just didnt care to mind. ***Mishy, I love him. I tried to love him from afar, I tried to be his friend, I tried to make him mine. But now, I'm trying to let go. -Kat***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD