Chapter 16

596 Words
CHAPTER 16 Maraming nangyari sa nakalipas lang na tatlong araw. Nalaman namin na dati palang may relasyon si Poseidon at si Bree, si Maries na asawa ni Ethan ay nagte-training na sa experiment department at si Doctora naman ay parte na ng experiment department as a doctor. Mukhang hindi parin nagkakaayos sila Poseidon at si Doctora pero alam ko na sa kalaunan ay matututunan din nila kung paano pakikitunguhan ang isa't-isa ng hindi kinakailangang magbangayan. Minsan kasi mahalaga sa isang relationship ang pagiging equal. When there's no secret anymore. When you dont need to hide what you really are. What's the foundation of love anyway? Its trust right? Kami ni PJ? Naka set na ang kasal namin for next month. Sa ngayon ay kasalukuyan kaming nasa training area ako ng field department. Nanonood lang ako dahil hindi naman ako pwedeng sumali kaila Mishy na nagte-training para sa isang mission. "Gusto mong sumali, Kat?" tanong ni Mishy. "Like I can. Baka itali na lang ako sa kwarto ni PJ ng hindi na ako makagalaw. Alam mo naman iyon. Akala mo kapag kumilos ako eh maalog ang baby na nasa tiyan ko." "Ganiyan talaga ang mga bagong daddy. Napaparanoid." Natawa na lang ako. Tama naman si Mishy. Napakaparanoid ni PJ. Minsang ginabi kami sa labas at nakarating rito ay kaagad niyang dinala ako kay Doctora. Nataranta pa nga si Doctora noon dahil akala niya ay may nangyari na sa aking masama. Iyon pala nagpapanic lang si PJ na baka magkapulmonya ang anak namin dahil nahamugan daw ako. As if that's even possible. Hindi pa nga nakakalabas si baby magkakapulmonya na agad. Speaking of. Nasaan na kaya ang lalaking iyon?  Kunot noong inilibot ko ang paningin ko sa training area. Kanina kasi nasa isang gilid lang siya. Tumayo ako at lumabas para hanapin siya at ng makapagpabili ng pagkain. Gusto ko ng bavarian donut at wala non sa dining hall. Hindi man lang kasi nagsasabi, bigla-bigla na lang umaalis. Lumiko ako sa isang pasilyo at napahinto ako ng makita kong kausap ni PJ si Hex. "Tell me you're serious about Kat. You know she's like a sister to me and I dont want her getting hurt. At sigurado akong isang pagkakamali mo lang ay magagawa mo iyon ng walang kahirap-hirap." "Hindi ko kailangang mag explain." "Bakit? Ano bang ikinatatakot mo? Sasabihin mo lang naman. Do you love kat, PJ?" Hindi siya sumagot. That hurts. Hindi ko maiwasan na hindi masaktan. Kulang pa ba? Hindi parin ba sapat? Is there really no way, he'll fall in love with me? "PJ? Niloloko mo lang ba si kat? Gusto mo lang panagutan ang nangyari sa inyo? Modern na ngayon roqas. Aas mabuti ng mag hiwalay kayo kesa ikasal kayo na hindi naman kayo nag mamahalan." "Bakit ba hex? Kat and I, okay lang kami. Magkaibigan kami. Kaya naming tumagal ng mag kasama." "Kasi magkaibigan kayo? Sa tingin mo dahil mag kaibigan kayo, okay lang na mag pakasal kayo? Why cant you get over the fact that Mishy is married and you can never have her...ever." "What the hell?! Paano-" "I'm not blind. Now tell me-" "Ano bang gusto mo pang malaman? Na mahal ko si mishy, na kahit kasal na siya mahal ko parin siya? Na siya lang ang minahal ko? At hindi ko siya magagawang kalimutan-"  Mapait na ngumiti ako at naglakad palayo.I dont want to listen anymore.I shouldnt have in the first place, then maybe I wont be hurting this way.But can I live like that? Can I live with a lie? Ano nga ba yung tanong ko kanina? Kung hindi parin sapat and if there's really no way he'll fall in love with me. I guess. I have the answer now.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD