CHAPTER 15
"Ang OA mo talaga PJ. Okay lang ako. Nahilo lang ako dahil ilang araw na akong napupuyat. Alam mo kung bakit."
Namula si PJ sa sinabi ko at napatingin pa kay Doctora Bree na napapangiti na lang. May clinic kasi dito sa loob ng headquarters at siya ang doctor na inassign ni Poseidon. Hindi ko alam ang score sa pagitan nila dahil wala silang ginawa kundi magtalo. To be exact si Doctora ang nakikipagtalo habang si Poseidon ay walang ginawa kundi magpacute sa kaniya.
"Basta mag pacheck up ka."
"Umalis ka na muna at saka ako magpapacheck up. Umiinit ang ulo ko kapag nakikita kita."
Bumuntong-hininga si PJ. Nakonsensya naman ako kaya kaagad na lumapit ako sa kaniya at yumakap. "Please? Doon mo na lang ako sa room mo hintayin."
"Fine. Siguraduhin mong hindi ka tatakas."
"Opo."
Lumabas na siya. Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Nilingon ko si Doctora na ngingiti-ngiti lang. Hindi na naman bago sa kanila ang nakikita sa amin ni PJ. Mula kasi ng mangyari ang bagay na iyon noong birthday ko ay naging mas open na kami sa relasyon namin.
"I'm really okay, Doc."
Tumango siya. "I can see that. Pero wala namang mawawala kung i-che-check up kita diba?"
Nakangusong tumango na lang ako. Hinayaan ko na siyang tignan ang blood pressure ko pati na ang pulso ko. Nakita kong kumunot ang noo niya na ipinagtaka ko. High blood ba ako? Hindi naman siguro. Ang bata ko pa para doon. Saka healthy naman ang mga kinakain ko.
May kinuha siya mula sa isa sa mga kabinet at inabot iyon sa akin. Tinignan ko ang maliit na box at nanglalaki ang mga mata na ibinalik ko sa kaniya ang aking tingin.
"I'll ask you some questions."
"O-okay."
"Did you engaged in a s****l-"
"Yes."
"Okay. Do you feel dizzy sometimes? May ginagawa ka ba na hindi mo naman gusto non? Like eating food you dont like?"
"Nahihilo ako minsan lalo na pag gumigising ako pero sa pagkain wala naman besides lang na napagti-tripan kong kumain ng mga matatamis especially marshmallows this past few days."
"When was your last menstrual period? Regular ka ba or irregular?"
"Regular last june nine yung huli."
"July twenty na ngayon, Katherine."
"Baka late lang doc. Whatever it is you're thinking, imposible, Doc."
Tinignan ni Doctora ang hawak ko na maliit na box. "Use it, Kat. Mabuti na ang nakakasigurado. And it's not impossible, especially if you didn't use any protection."
Wala sa sarili na nagpunta ako sa comfort room dito sa clinic. Protection. How the effin hell we forget about that!
Sinunod ko ang nakalagay na instructions. Nang matapos ay inilagay ko iyon sa isang tabi at nag-intay ng ilang minuto.
It's not that I don't want a baby. Pero masyado pang maaga. Nagsisimula pa lang kami ni PJ at alam naming pareho na may mga bagay na hindi pa namin napag-uusapan. A baby will make our situation more difficult.
Nakapikit na sumandal ako sa pader. I'm scared. What if I'm not a good mother? Paano kung hindi tanggapin ni PJ ang bata? Paano kung hindi na niya ako matutunan pang mahalin? Paano ang bata? Paano kami?
Unti-unting iminulat ko ang mga mata ko. Nanghihinang napaupo ako sa sahig ng makita ko ang dalawang linya na gumuhit sa pregnancy test.
I need to tell him. Hindi ko naman maitatago sa kaniya ang pagbubuntis ko. He need to know. Kung ano man ang magiging desisyon niya ay kailangan kong tanggapin. I don't know what path this life is trying to give me, but I cannot choose between my happiness and this baby. My baby. Siguro ganoon talaga ang isang ina. Kahit ang sariling kaligayan ay itataya kung para naman ito sa kaniyang anak.
Tumayo na ako at lumabas ng comfort room. Kiming nginitian ko si Doctora na nakakaunawang tinanguhan ako. Tuloy-tuloy na lumabas ako at dumiretso ako sa room ni PJ. Nakasalubong ko pa si Ethan na may dala-dalang lupero ng mga damit.
"Hi, Kat-"
Hindi ko na siya pinatapos at kinalampag ko na ang pintuan ni PJ. Nang hindi niya parin ako pinagbuksan ay sunod-sunod ang ginawa kong pagpindot sa doorbell niya.
"Ano ba?! Hindi laruan ang doorbell ko-...Kat? What's wrong?"
"PARIS JAMES ROQAS!"
Napangiwi siya sa lakas ng boses ko. "Relax ka lang. Ano bang ginawa ko?"
"HINDI AKO MA RE-RELAX!"
"May nagawa ba akong kasalanan?"
"WALA!"
"O? Wala pala eh.. Anong prob-"
I shoved the pregnancy test to him. Tinitigan niya iyon na para bang inalayan ko siya ng isang gamit mula sa outer space. Unti-unti ay namilog ang mga mata niya. Kitang-kita ko din ng bigla na lang siyang namutla.
"B-buntis...b-buntis ka?.."
"Ay hindi! Ikaw ang buntis! Congratulations!"
Kung maputla na siya kanina ay para bang kasing kulay na siya ng papel ngayon. I counted one to three at hindi pa man umaabot sa tatlo ay bumagsak na siya sa sahig.
Nagmamadaling lumapit ako sa katabing pintuan ng kwarto ni PJ. Ang room ni Poseidon. Kinalampag ko iyon at pinagsisipa. Matagal na kasi niyang tinanggal ang door bell niya dahil lagi daw siyang iniistorbo.
"Poseidon! Lumabas ka diyan!"
Bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang nakakunot noong mukha ng boss ko na kadalasan ay laging nakangiti. "Anong nangyayari? Bakit nakikipagpatigasan ka sa pinto ko? Narra yan. Hindi mo mapapatumba iyan."
"Wala akong pakialam! Kahit gawa pa yan sa bato ni Darna! Tulungan mo ako!"
"Kat. What's gotten into you?"
"Wag ng madaming tanong. Hala, kilos na!" mamaya ko na iisipin kung paano ako magpapaliwanag sa boss ko na ginawa ko siyang utos-utusan ngayon.
Tinuro ko si PJ na nakasalampak sa sahig. "Anong ginawa mo sa kaniya, Kat? Poor guy."
"Nalaman niyang lalaki ako dati. Buhatin mo na at dalin sa clinic ang lampa na yan! Masasakal ko kayong pareho!"
"Lalaki ka dati?!"
Tinignan ko ng masama si POseidon na napakamot na lang sa batok niya at basta na lang binuhat si PJ. Hindi nagtagal ay pumasok na kami sa clinic kung saan kaagad dinaluhan ni Doctora si PJ.
"Hi, Bree." bati dito ni Poseidon.
"Who you?"
"Wag ka namang ganiyan sa akin. Sige ka baka maghanap na lang ako ng iba."
"Hindi kita kilala."
Bumukas ang pinto ng clinic at pumasok si Mishy kasama si Ethan. "Narinig ka naming sumisigaw sa hallway, Kat. Anong nangyari?"
Inginuso ko si PJ na nakahiga sa gurney at wala paring malay. Ngumiti si Doctora sa akin. "Magigising din siya mamaya. Nagulat lang talaga siguro."
Naguguluhang tinignan ako ni Mishy. "Nagulat saan?"
Kinuha ko ang nanahimik na sun flower sa isang vase. Pagkatapos ay kinuha ko ang phone ko at naghanap ako ng clip art ng bubuyog. Iniharap ko iyon sa kanila. "See this?" Sabay-sabay na tumango sila na animo mababait na estudyante maliban kay Doctora na nanahimik sa isang tabi.
"Lumapit ang bubuyog sa bulaklak." Sinundan nila Poseidon, Mishy at Ethan ang paglapit ng hawak kong cellphone na may nakadisplay na bubuyog sa bulaklak. "Then boom! Nagkaroon ng baby na bubuyog."
Napanganga ang tatlo habang titig na titig sa akin. Good. Mukhang gets na nila-
"Ang labo." sabi ni Ethan. Sumang ayon naman si Poseidon rito.
Si Mishy naman ay papalit-palit ang tingin sa bulaklak at sa bubuyog. "Nabubuntis ba ng bulaklak ang bubuyog? Amazing!"
Bumuntong-hininga ako. "I'm pregnant guys. Wag niyo ng tanungin sa akin kung paano dahil wala akong balak i-detalye sa inyo."
Napatakip ako sa tenga ko ng bigla na lang silang nagsigawan. Minsan hindi ko maiwasang isipin kung paano ako napadpad sa lugar na ito na puro baliw ang mga tao. Hindi pa naman siguro ako kasing lala nila diba?
Di din. Baka nga 'mas' ka pa.
Shut up!
Napatingin ako kay PJ ng unti-unti siyang kumilos. Dinilat niya ang mga mata niya at unang nagtama ang mga mata namin. Dahan-dahan siyang umupo habang sapo-sapo niya ang kaniyang ulo. Inabutan siya ni Doctora ng tubig na agad niyang inubos.
Tumayo si PJ at seryosong lumapit sa akin. Siguro makikipaghiwalay na siya. Maiintindihan ko naman iyon. Hindi pa kami handa-
"God, a baby, you don't know how happy I am, Kat."
Tumulo mula sa mga mata ko ang masaganang luha. Hinapit niya ako at niyakap. Pagkaraan ng ilang sandali ay humiwalay siya sa akin at lumapit kay Mishy. Napatawa ako ng nagtatalon silang pareho. Mukhang lahat ng tao ay balak niyang yakapin dahil yumakap din siya kay Ethan at Poseidon. Nang akmang kay Doctora naman siya pupunta ay pinigilan na siya ng boss namin.
"Bawal."
Nagkibit-balikat si PJ at muling lumapit sa akin. And for all thw world to see,
he kissed me.