Author's point of view "Mommy, bakit ka po nag-iimpake? Aalis po ulit tayo?" Tanong ni Zyreen kay Maureen. Nag-aayos ng gamit na dadalhin papunta sa Greece si Maureen ng madatnan siya ni Zyreen. "Baby, aalis kasi ako sa makalawa. Kailangan sa trabaho ko," sabi nito. Natigil si Maureen sa pag-aayos ng damit dahil hindi sumagot si Zyreen, tinignan niya ito at nakasimangot na. Tumayo si Maureen at binuhat ang pamagkin, inupo niya ito sa kandungan niya. "Oh, bakit malungkot ang baby ko? Nagugutom ka ba?" Tanong ni Maureen. Sunod-sunod na iling ang sagot ni Zyreen, "bakit nakasimangot ka? may gusto ka bang sabihin kay Mommy?" "Kasi po hindi na kita nakakasama, Mommy. Lagi ka po sa work mo tapos uuwi ka ng gabi at sa umaga maaga ka ring umaalis. Hindi na po tayo pumapasyal," hinaing na sab

