Maureen's point of view Pagpasok ko sa CR nilabas ko ang concealer ko para takpan ang chikinini na gawa ni Yzekiel. Hindi ko napansin kanina nung nagbibihis ako kaya nakakahiya tuloy dahil nakita pa ni Rica. Ano na lang ang iisipin niya sa akin? Sabi ko pa naman sa kanila na hindi pa ako nagkaka-boyfriend. Nakakainis! Sinamantala niya ang pagiging lasing ko at walang malay kaya nalagyan niya ako ng hickey. Tapos ang sasabihin niya sa akin na pinanggigilan ko siya, ang kapal! Iya calling . . . "Iya, huhuhu. Hindi na ata ako virgin," naiiyak na bungad ko kay Iya. "Paula, nakuha na ata ang hiyas ni Eva." Nakita ko sa screen na magkatabi sila at nakatingin sila sa camera na akala mo ay may joke ako na hindi benta para sa kanila. "Nakainum ka ba ng gamot? Anong sinasabi mo? Nababaliw ka n

