Maureen's point of view "Balita ko may bago na siyang Secretary, usap-usapan sa department. Ang swerte naman niya, ang gwapo kaya ni Sir." "Maganda at sexy daw. Sinabi ni Rica na mabait din daw ang bagong secretary dahil nakasabay nila kahapon." Lalabas na sana ako ng marinig ko ang usap-usapan ng ilang mga babae. "Kaya nga usap-usapan siya ng mga lalaki dahil sexy daw, gusto ko ngang makita kaya maaga akong pumasok ngayon." "Sexy? Baka nang-aakit dahil sabi ni Manager Kim ang secretary daw ngayon ay ang kambal nung dating baliw na baliw kay Sir Yzekiel." Natigil ako at nakinig ng mabuti sa pinag-uusapan nila dahil nabanggit ang kambal ko. "Anong ibig mong sabihin, Ana?" "Ang pangalan ng secretary niya ay Maureen habang ang kambal nito ay Zaureen. Kilala siya ng ilan sa mga empleya

