Maureen's point of view "Ingatan mo ang puso mo. Huwag kang tumulad sa mga teleserye na ang paghihiganti nauuwi sa pag-ibig. Aba! May asawa 'yan kahit gwapo, sa huli ang masasaktan ikaw. Gets mo," sabi ni Iya sa akin. Nai-kwento sa kanila ni Jack ang balak ko. Ngayon lang sila nagka-oras na kausapin ako kaya heto sila ngayon at madaming payo sa akin. " Magagamit mo na ang mga naituro ko sayo dati kung paano mang-akit. Uulitin ko lang para maglaway 'yang CEO na Ama ni Zyreen. Magsuot ka ng damit na makikita ang hugis ng katawan mo para hindi niya mapigilang tumitig sayo, hindi ka lang secretary niya kundi isang SEXYTARY. Pangalawa, maging isa kang puzzle sa kanya. Ang gusto ng mga lalaki 'yung nacha-cahallenge sila, 'yung tipong hindi ka nila mabasa. Tipong nacha-challenge silang lapita

