Author's point of view Nasa Vandragon Club ang magkakaibigan na sina Austin, Jake at Yzekiel. Isang buwan na mula ng hindi na nakita ni Yzekiel si Maureen, at sa isang buwan na 'yun ay hinahanap hanap ni Yzekiel ang presensiya nito. "Buhay single ang kaibigan natin dahil ang asawa niya ay umalis na naman ng bansa," naiiling na sabi ni Jake. Nakatingin sila kay Yzekiel na may kausap na babae. Mula ng mamatay ang Daddy ni Yzekiel bumalik na ito sa kaka-entertain ng mga babae pag napupunta sila sa Club. "Yeah, oh wait! I paid you already pero wala ka pang pinapakitang information tungkol kay Maureen at Zaureen," sabi ni Austin kay Jake. Medyo malayo ang pwesto ni Yzekiel sa magkaibigan kaya okay lang sa dalawa na pag-usapan ang tungkol sa imbestigasyon. "Ibabalik ko ang binayad mo at wa

