Maureen's point of view "Maureen," tawag sa akin ni Yzekiel. Buti na lang pinauna ko na si Jack at Zyreen sa kotse. Nahuli ako dahil nagpaalam pa ako kay Yna. Tinignan ko si Yzekiel, umatras ako dahil ang lapit niya na sa akin. Baka makita kami ng asawa niya at gumawa na naman ng gulo. "Anong kailangan mo?" Tanong ko. "About what happened-" "Nangyari na ang nangyari, kahit humingi ka pa ng tawad hindi na mapapalitan ang nangyrari. Mauuna na ako," sabi ko. "Maureen, I'm sorry. Nabigla lang ako," nakiki-usap nito. Tinignan ko siya nang masama, hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako habang nakatingin sa kanya. Hindi ko alam kung bakit gusto ko siyang yakapin kanina nuong nililibing na si Tito Robert at kita ko ang lungkot sa mata nito, pero napigilan ko ang sarili ko. Galit ako sa k

